Ang chlamydia ay isa STD na hindi kadalasang nakakikitaan ng sintomas. Gayunpaman, kung iiwanang hindi nalunasan, ang pangmatagalang epekto ng chlamydia ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kabuuang kalusugan ng isang tao.
Ano ang mga Pangmatagalang Epekto ng Chlamydia?
Ang chlamydia ay isa sa mga maraming karaniwang STDs na maaaring makuha ng mga tao. Karagdagan, ito ay kondisyon na madaling malunasan gamit ang antibiotics.
Sa kabila nito, maraming mga taong may chlamydia ang hindi humahanap ng lunas o walang ideya na mayroon silang ganung sakit. Hindi lang nito napatataas ang posibilidad na maaari silang makaranas ng seryosong komplikasyon. Ngunit, ibig din nitong sabihin na maaari silang maka-infect kung hindi sila gagamit ng proteksyon sa pakikipagtalik.
Ngunit ano nga ba eksakto ang pangmatagalang epekto ng chlamydia?
Epekto ng Chlamydia sa Kalalakihan
Kumpara sa mga babae, ang pangmatagalang epekto ng chlamydia sa mga lalaki ay marami. Gayunpaman, maaari rin itong humantong sa seryosong problema sa kalusugan.
Sa partikular, ang epididymitis ay isa sa mga posibleng epekto ng chlamydia sa mga kalalakihan. Ito ay nangyayari kung ang tube sa testicles na tinatawag na epididymis ay mamaga. Ito ay kadalasan na nangyayari kung ang impeksyon ay umakyat sa urethra papuntang epididymis.
Ang mga sintomas ng epididymis ay kabilang ang:
- Mahapding pakiramdam sa pag-ihi
- Discharge na mula sa ari ng lalaki
- Sakit sa testicles
- Dugo sa semilya
- Lagnat
Kung hindi magagamot, ang epididymis ay hahantong sa pagkabaog.
Ang Chlamydia ba ay Nagagamot?
Epekto ng Chlamydia sa Kababaihan
Ang mga babae ay kailangang maging malay sa chlamydia dahil maaari itong maging sanhi ng mas seryosong problema sa mga babae kaysa lalaki. Narito ang mga posibleng komplikasyon.
PID o pelvic inflammatory disease
Ang PID ay kondisyon kung saan ang reproductive organs ng babae ay infected. Ito ay sanhi ng mga sintomas tulad ng:
- Sakit sa ibabang bahagi ng tiyan
- Pagdurugo ng ari ng babae
- Lagnat
- Kulay dilaw-berde na discharge mula sa ari
- Mahapding pakiramdam sa pag-ihi
Pagkabaog
Ang chlamydia ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog kung hindi magagamot. Ito ay nangyayari dahil ang bacteria ay nagiging sanhi ng pamamaga at pinsala sa fallopian tube, uterus, at iba pang reproductive organs.
Ang mga pinsala ay nagreresulta sa reproductive organs na hindi mag-function nang normal. Halimbawa: naharangan na fallopian tubes, na hahantong sa pagkabaog.
Ectopic na pagbubuntis
Ang chlamydia ay maaaring magpataas ng banta sa mga kababaihan na magkaroon ng ectopic na pagbubuntis. Ito ay partikular na totoo sa mga babae na infected ng chlamydia na higit sa isang beses.
Ang ectopic na pagbubuntis ay isang uri ng pagbubuntis kung saan ang embryo ay ini-implant ang sarili sa labas ng uterus. Kung ito ang nangyari, ang embryo ay mas mababa ang tsansa na mabuhay.
Gayunpaman, ang mas malaking problema ay ang ectopic na pagbubuntis ay maaari ring may banta sa iyong buhay. Ang mangyayari ay kung ang embryo ay nag-implant ng kanyang sarili sa fallopian tubes, ito ay magsisimulang lumaki, na makasisira sa tube. Ito ay maaaring humantong sa malalang internal na pagdurugo na maaaring ikamatay.
Maaari ka bang Magkaroon ng Chlamydia nang Higit sa Isang Beses?
Isa sa mga kadalasang miskonsepsyon tungkol sa chlamydia ay kung nagkaroon ka na nito, hindi ka na muling magkakaroon pa. Hindi ito totoo.
Ang iyong katawan ay hindi nagkakaroon ng immunity sa chlamydia, kaya’t ang isang tao ay maaaring magkaroon nito nang maraming beses. Sa katunayan, ang maraming beses na magkaroon ng chlamydia ang isang tao, mas malala ang sintomas na makukuha.
Para sa mga tao na nagkaroon na nito, magsagawa ng mga pag-iingat upang iwasan ang ma-infect. Kasama na rito ang pagsasagawa ng ligtas na pakikipagtalik, pag-iwas na magkaroon ng maraming partners, at pagpapa-test nang regular para sa STDs.
Mahalagang Tandaan
Ang chlamydia ay isang STD na hindi dapat binabasta-basta. Ito ay sa kadahilanan na hindi porket walang lumalabas na sintomas sa mga umpisang stage, ang impeksyon ay maaaring humantong sa seryosong komplikasyon simula nang matuklasan.
Ang mahalagang bagay na dapat tandaan ay ang pagsasagawa ng ligtas na pakikipagtalik at sumailalim sa regular na pagte-test sa STD kung ikaw ay maraming karelasyon.
Alamin ang marami pa tungkol sa Chlamydia dito.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles ni sinulat ni Jan Alwyn Batara.