Ang orgasm ay isang kasiya-siyang karanasan para sa lalaki at babae. Pero alam mo ba na bukod sa napakalaking kasiyahang dulot nito ay mayroon din itong maraming benepisyong suportado ng agham? Kaya naman basahin ang artikulong ito para malaman kung ano ang mga benepisyo ng orgasm sa kalusugan?
Ang Mga Benepisyo ng Orgasm: Science-Backed Health
Ang pag-aachieve ng orgasm ay kadalasang nagpapalakas ng sekswal na karanasan at kasiyahan, kapwa pisikal at emosyonal. Naabot mo man ang iyong orgasms sa pamamagitan ng pakikipag-sex sa’yong kapareha o masturbesyon, maaari mo pa ring makuha ang mga sumusunod na benepisyo ng orgasm.
1. Glowing Skin
Alam mo ba na ang pag-aachieve ng orgasms ay maaaring humantong sa glowing skin?
Sa panahon ng orgasm, ang utak ay naglalabas ng oxytocin. Kung pamilyar ka sa iba’t ibang mga hormone sa katawan, maaaring alam mo na na ang oxytocin ay isang hormone na involved sa labor at panganganak pati na rin sa pagpapasuso. Sa pangkalahatan, ito ay nagpro-promote ng sense of affection, kaya’t ang ilang mga eksperto ay tinatawag itong “hormone ng pag-ibig.” Gayunpaman, ang oxytocin ay maaari ring bawasan ang mga lebel ng stress hormone, cortisol. Kapag bumaba ang cortisol ay nababawasan ang inflammation, na nakakatulong para makaiwas sa sakit sa balat.
Ang isang orgasm ay nagpapataas din ng mga lebel ng hormone, estrogen, na, ayon sa mga ulat, ay sumusuporta sa produksyon ng collagen sa katawan. Ito ay isang mahalagang sangkap na tumutulong sa pagpigil sa mga wrinkles. Kung mapapansin mo ang maraming mga produktong pampaganda sa merkado na naglalaman ng collagen.
At siyempre, pagkatapos agad ng orgasm, mapapansin mo na ang iyong mukha ay nagiging malusog at nagkakaroon ng healthy shade of pink. Ito’y dahil sa tumaas na daloy ng dugo sa balat. Ang pagtaas ng daloy ng dugo ay nakatutulong na magdala ng mahahalagang sustansya sa balat na maaaring mapabuti ang iyong kutis.
2. Mas Kaunting Stress
Ang isa sa mga pinaka-hinahangad na benepisyo ng orgasm sa kalusugan ay ang mga epekto nito sa pagbabawas ng stress, at ang ilang mga tao ay nagsasabi pa nga na kapag gusto nilang makaramdam ng kaginhawaan, minsan ay pinipili nilang mag-masturbate o makipag-sex.
Para maunawaan kung bakit ang orgasms ay nagreresulta sa mas kaunting stress, kailangan nating bumalik sa konsepto ng oxytocin. Tulad ng nabanggit kanina, gumagana ang oxytocin para bawasan ang mga lebel ng mga hormone ng stress. Hindi lamang nito mapapabuti ang ating kalooban ngunit binabawasan din ang mga sintomas ng pagkabalisa at depresyon.
Bukod sa oxytocin, naglalabas din tayo ng hormones na serotonin at prolactin kapag nag-climax tayo. Ang serotonin ay isang pangkaraniwang sangkap sa mga gamot na antidepressant, habang ang prolactin ay makatutulong sa’yong makaramdam ng antok.
Sa pangkalahatan, ang mga hormone na ito ay may nakakarelaks o nakakapagpakalmang epekto sa katawan. Ito ay higit na nagpapababa ng stress.
3. Mas Malakas na Immune System
Lumalabas na ang regular na pagkakaroon ng orgasms ay maaaring palakasin ang iyong immune system.
Ang isang pag-aaral na pinamagatang, Sexual frequency at salivary immunoglobulin A (IgA) ay nag-explore ng koneksyon sa pagitan ng sekswal na dalas at lebel ng immunoglobulin A (IgA) sa laway. Ang IgA ay isang mahalagang antibody na nagpoprotekta sa atin mula sa mga impeksyon tulad ng karaniwang sipon.
Sa kanilang pagsisiyasat, hinati ng mga mananaliksik ang 112 mga mag-aaral sa kolehiyo sa mga grupo na tumutugma sa kung gaano kadalas sila nakikibahagi sa mga sekswal na aktibidad. Ang mga grupo na wala, madalang (mas mababa sa 1 pakikipag-sex sa isang linggo), madalas (1 o 2 pakikipag-sex sa isang linggo), at napakadalas (3 o higit pang pakikipag-sex sa isang linggo).
Pagkatapos, sinuri nila ang kanilang lebel ng salivary IgA at nalaman ng mga imbestigador na ang mga nasa huling grupo ay may pinakamataas na antas ng IgA sa kanilang laway.
4. Pang-alis ng Migraine
Sa isa pang pag-aaral napag-alaman na ang isang benepisyo ng orgasm ay ang migraine relief.
Ipinakikita ng pananaliksik na ang sekswal na aktibidad ay nag-alis ng migraine at cluster headache sa one-third ng mga pasyente. Ang ilan sa mga kalahok ay nag-ulat pa na ginamit nila ang pakikipag-sex bilang isang “therapy sa sakit ng ulo.”
Bagaman hindi matukoy ng pag-aaral ang eksaktong dahilan para sa lubhang kapaki-pakinabang na epektong ito ng pakikipag-sex, pinaghihinalaan ng mga eksperto na ito ay dahil sa endorphins.
Makikita mo sa panahon ng orgasm, ang ating katawan ay naglalabas ng mga endorphins. Ang mga ito ay mga kemikal na may parehong istraktura tulad ng morphine. At bukod sa pagpapagaan ng pakiramdam mo binabawasan din ng mga endorphin ang sakit.
5. Aktibong Utak
Kung gusto mong i-activate ang ilang mga rehiyon ng iyong utak, maaaring gusto mong makamit ang mas maraming orgasms sa hinaharap.
Sa pag-aaral, Brain Activity Unique to Orgasm in Women: An fMRI Analysis, nabanggit ng mga investigator na mayroong increase sa brain activity sa mga sandali na nagli-lead sa orgasm. Bukod dito, ang aktibidad ng utak ay peaked habang nag-oorgasm.
Inihayag din nila na ang pagtaas na aktibidad ay nangyayari sa mga rehiyon ng utak na nauugnay sa mga function ng motor, pandama, at reward functions.
6. Mas mahabang Buhay
Kung ang mga nabanggit na benepisyo ng orgasm sa kalusugan ay hindi pa rin makakumbinsi sa’yo na ang orgasms ay mabuti, tingnan ito: Ipinapakita ng pananaliksik na ang sex at mortality rate ay may kaugnayan sa isa’t isa.
Sa isang pag-aaral na may 10-taong pag-follow up natuklasan ng mga mananaliksik na mayroong 50% na mas mababang rate ng pagkamatay sa grupong may mataas na orgasmic frequency kaysa sa grupo na may mababang orgasmic frequency.
Higit pa rito, maraming mga pag-aaral ang nakapansin na ang regular na sekswal na aktibidad ay maraming benepisyo sa kalusugan. Isa na dito ang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng mga sakit sa puso, na maaaring makatulong magpahaba ng buhay.
7. Mas Mabuting Pagpapahalaga sa Sarili
Ayon sa mga eksperto ang pagkakamit ng orgasm ay mabuti sa “pag-angat ng iyong spirit“. Sa lahat ng nakakagandang kemikal na inilalabas nito, tiyak na masisiyahan ka nito.
Bukod sa pag-alis ng stress, isang benepisyo ng orgasm ay maaari ring mapalakas ang iyong kumpiyansa at pagpapahalaga sa sarili. Ito dahil sa “cumulative effect”. Itinatampok nila na ang pagkamit ng isang orgasm ay kadalasang nagdaragdag sa’yong kakayahang magkaroon ng mas maraming orgasm.
Paano Mag-burn ng Pinakamaraming Calorie sa Silid-tulugan
Key Takeaways
Ang benepisyo ng orgasm ay hindi lamang sa pleasure, ngunit nagbibigay din sila ng maraming benepisyo sa kalusugan. Maaari din nitong mapabuti ang sekswal na kasiyahan sa pagitan mo at ng iyong kapareha. Gayunpaman, tandaan na hindi mo kailangang magkaroon ng isang sexual partner para makamit ang orgasms, dahil sa pamamagitan ng masturbesyon maaari mo rin itong makuha.
Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.
[embed-health-tool-bmr]