backup og meta

Hindi Gumagaling Ang Trichomoniasis? 3 Dapat Tandaan

Hindi Gumagaling Ang Trichomoniasis? 3 Dapat Tandaan

Ang trichomoniasis ay isang sakit na madaling gamutin. Ngunit paano kung pabalik-balik ito? Ano ang dapat gawin kung hindi gumagaling ang trichomoniasis?

Anu-Ano Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Gumagaling Ang Trichomoniasis?

Ang, trichomoniasis, o trich ay hindi katulad ng ibang sakit na kapag gumaling ay hindi ka na ulit magkakaroon nito. Ibig sabihin, kung magkaroon at gumaling ang trichomoniasis, posible ka pa ring magkaroon ulit nito.

Heto ang ilang dahilan kung bakit hindi gumagaling ang trichomoniasis:

1. Reinfection

Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi gumagaling ang trichomoniasis ay reinfection. Kung makipagtalik ka sa isang tao na mayroong trich, mataas ang posibilidad na mahawa ka muli, kahit na nagkaroon ka na nito dati. Ito ang tinatawag na reinfection.

Isa pang posibilidad ay puwedeng maging carrier ng trich ang mga kalalakihan. Posibleng infected na pala sila nito at wala silang kaalam-alam. Sa ganitong sitwasyon, maaaring mahawa nila ng paulit ulit ang kanilang mga partner.

Kaya kung ikaw ay magpa magpa-test for trich, mahalaga na magpa-test rin ang iyong partner. Ito ay para malaman kung mayroon ring trichomoniasis ang partner mo, at magamot agad ito para hindi kayo magkahawaan.

2. Hindi Sapat Na Paggamot

Isa pang dahilan kung bakit hindi gumagaling ang trichomoniasis ay hindi sapat na paggamot. Posibleng hindi sapat ang antibiotics na ibinigay ng doktor, o kaya ay kulang o mali ang dosage na iyong nainom.

Ang pangkaraniwang gamot sa trichomoniasis ay ang antibiotic na metronidazole.

Ang karaniwang ibinibigay ng doktor ay apat na 500mg tablets ng metronidazole. Kinakailangan rin na inumin ng sunod-sunod ang apat na tablets na ito. Ang ganitong treatment ay 90% effective, kaya’t may 10% chance na hindi ito gumana. Kapag hindi pa rin nawala ang trichomoniasis, magrereseta ang doktor ng 500mg of metronidazole, na kailangang inumin 2 beses sa isang araw nang isang buong linggo.

Ang isa pang alternatibong gamot ay tinidazole. Isa rin itong antibiotic tulad ng metronidazole, ngunit mas epektibo ito. Mas kaunti rin ang side-effects nito kumpara sa metronidazole.

Pero ang problema sa tinidazole ay mas mahal ito kumpara sa metronidazole.

reasons why trichomoniasis won't go away

3. Antibiotic Resistance

Ang huling posibleng dahilan kung bakit hindi gumagaling ang trichomoniasis ay antibiotic resistance. Ayon sa mga pag-aaral, 4%-10% ng mga kaso ng trich ay nagkakaroon ng resistance sa metronidazole, at 1% ay nagkakaroon ng resistance sa tinidazole.

Malaking problema kung mangyari ito dahil ang dalawang gamot na ito ang pangunahing treatment sa trichomoniasis. Ibig sabihin, kung magkaroon ng antibiotic resistance, mahirap nang gamutin ang trich.

Kung sigurado ang iyong doktor na mayroong antibiotic resistance ang iyong trich, kailangang sumubok ng ibang treatment. Ibig sabihin rin nito na hindi na gagana ang single-dose na treatment.

Ang karaniwang strategy ay ang pag-inom ng 500mg mg metronidazole dalawang beses kada araw sa loob ng isang linggo. Kung hindi pa rin gumana, kailangan itong taasan sa 2 grams ng metronidazole o tinidazole araw-araw sa loob ng isang linggo.

Kung hindi pa rin ito epektibo, maaaring ilapit ka ng iyong doktor sa isang espesyalista.

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Bumalik Ang Trich?

Para sa mga taong hindi gumagaling ang trichomoniasis, nakakainis malaman na pabalik-balik ang iyong sakit.

Kaya importante na sumailalim ka at iyong partner sa STD test. Ito ay para masigurado na trichomoniasis nga ang iyong sakit, dahil mayroong ibang STD na katulad ng trich ang sintomas.

Kung may trichomoniasis ka nga, magpakonsulta agad sa doktor. Iwasan mag self-medicate dahil posible pa ito lalong makasama sa iyong katawan.

Mahalagang sundin ang rekomendasyon ng iyong doktor, at magpa-STD test ulit pagtapos ng treatment upang masigurado na wala ka na ngang sakit.

Upang makaiwas sa trichomoniasis, sundin ang mga sumusunod:

  • Mag-practice palagi ng safe sex.
  • Kung mayroon kang sintomas ng STD, magpa-test kaagad.
  • Umiwas muna sa sex kung may sintomas ng STD.
  • Kung mayroon kang STD, sundin ang rekomendasyon ng iyong doktor.
  • Huwag mag-atubiling magtanong sa iyong doktor.

Alamin ang tungkol sa Trichomoniasis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Trichomoniasis – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/trichomoniasis/diagnosis-treatment/drc-20378613#:~:text=The%20most%20common%20treatment%20for,and%20your%20partner%20need%20treatment., Accessed January 28, 2021

Trichomoniasis Management and Treatment | Cleveland Clinic, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4696-trichomoniasis/management-and-treatment, Accessed January 28, 2021

Trichomoniasis – Management & Therapy, https://web.stanford.edu/group/parasites/ParaSites2005/Trichomoniasis/management.htm, Accessed January 28, 2021

Trichomoniasis: clinical manifestations, diagnosis and management – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15054166/, Accessed January 28, 2021

Trichomoniasis – StatPearls – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK534826/, Accessed January 28, 2021

Kasalukuyang Version

03/25/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ligtas na Sex: Heto Ang mga Tips na Dapat Sundin

Ano ang Ginagamit na Test para sa Trichomoniasis?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement