backup og meta

Ano nga ba ang Nangyayari Kapag Nagse-sex?

Ano nga ba ang Nangyayari Kapag Nagse-sex?

Sex: paano ito nangyayari? Ang bawat indibidwal ay may kakaibang karanasan sa sexual response. Ang tugon na ito ay naimpluwensyahan ng mga saloobin, pantasya, at tunay na karanasan. Nakadepende rin sa estado ng pisikal at mental na kalusugan ang pagtugon sa sex. Walang natutukoy na tipikal na sexual response, kung kaya mahalaga maunawaan ang sarili at katawan upang magkaroon ng kamalayan at maging komportable sa kalagitnaan ng proseso. Ano nga ba ang nangyayari sa sex? 

Ang isang tao na napukaw ng sex at nakipagtalik ay dumadaan sa serye ng pisikal at emosyonal na pagbabago. 

Anuman ang kasarian, ang tao ay dumadaan sa 4 na yugto habang nakikipagtalik. Sex: Ano ang nangyayari sa sex? Mayroong 4 na yugto:

  • Arousal
  • Plateau
  • Orgasm
  • Resolution

Parehong mararanasan ng babae at lalaki ang mga yugtong ito, ngunit maaaring iba-iba ang pagkakataon. Ang ilan sa mga yugtong ito ay maaaring hindi maranasan sa pakikipagtalik.

Sex: Ano ang nangyayari sa lalaki kapag nakikipag-sex

Unang Yugto: Arousal

Ilan sa mga kadahilanan ay maaaring mag-trigger sa arousal, kabilang ang iniisip, mga larawan, hinahawakan, at amoy. Ang arousal sa mga lalaki ay maaaring makita sa mga sumusunod na paraan. 

  • Tensyon sa mga muscle
  • Pamumula ng balat
  • Paninigas ng utong
  • Mabigat na paghinga
  • Pagtaas ng heart rate
  • Pagtaas ng presyon ng dugo
  • Sa pagtaas ng presyon ng dugo, ang titi ay titigas at lalaki ang testicles.

Ikalawang Yugto: Plateau 

Karaniwan, ang plateau ay mas matinding pananabik. Sex: ano ang nangyayari sa lalaki kapag nakikipag-sex? Maaaring ipakita sa yugto ng plateau ang mga sumusunod: 

  • Mabilis na daloy ng dugo, na nagpapalaki at nagpapatigas sa testes at titi
  • Tumataas na heart rate
  • Mataas na tensyon ng muscle
  • Kusang paggalaw ng paa, kamay, at mukha.

Ikatlong Yugto: Orgasm & Ejaculation 

Ang orgasm ay minsang tinutukoy bilang kasukdulan. Maaaring tumagal ng segundo o minuto ang orgasm, depende sa pagkikipagtalik ng isang tao. Ang iba ay maaaring magkaroon ng mas matagal na orgasm. 

Lumalabas ang semilya mula sa katawan habang ejaculation sa pamamagitan ng urethra. Ang ritmong contraction ay mararamdaman malapit sa anus, bahagi ng pelvic, at sa ulo ng ari. Habang nasa kalagitnaan ng contraction ang semilya ay tinutulak sa urethra palabas ng titi.

Ikaapat na Yugto: Resolusyon 

Sa pagbalik ng katawan sa mahinahon na estado, nangyayari ang resolusyon. Ang paninigas ay unti-unting huhupa sa pag-agos ng dugo mula sa penis. Matapos ang ilang minuto, ang muscle ay kakalma at babalik sa normal na kulay ang balat.

Refractory Period 

Sex: ano ang nangyayari sa lalaki kapag nakikipagtalik? Kadalasan nilang pinagdaanan ang refractory period. Sa yugtong ito ang katawan ay nagre-recalibrate. Ang erection o ang kasunod na orgasm ay malabong bumalik. Maaaring sobrang sensitibo o masakit ang pakiramdam ng kasiglahang sekswal. Ang yugto ng refractory ay iba-iba sa bawat tao.

Ano ang Nangyayari sa Babae kapag Nakikipag-sex 

Unang Yugto: Arousal

Ang ugat sa puki ng ari ng babae ay lumalaki kung siya ay arouse. Mas mabilis na dumadaloy ang dugo sa viginal walls na nagsasanhi sa pagdaan ng likido. Dito nanggagaling ang pampadulas sa ari at kung kaya nagiging basa ito. 

Nagsasanhi ng pamamaga sa labas ng puki ang pagtaas ng suplay ng dugo. Ang mga labas na bahagi ng ari ay kabilang ang vaginal opening, panloob at panlabas na labia, at ang clitoris. 

Bumibilis ang pulso at tumataas ang presyon ng dugo. Karaniwan lamang sa babae na mamula o makaramdam ng “flushed”, partikular sa dibdib at leeg sa kalagitnaan ng arousal.

Ikalawang Yugto: Plateau 

Ang lower two-thirds ng puki ay mamamaga at titigas kung umabot na sa sukdulan ang pagdaloy ng dugo, at dito mag-uumpisa na maglabas ang babae ng orgasm. Ito ay kilala bilang introitus o orgasmic platform.

Sa paglaki ng suso ng babae, tumataas din ang daloy ng dugo sa areola na nagpapalambot sa mga utong. 

Habang nasa kalagitnaan ng orgasm, ang clitoris ay nahihila pabalik sa pubic bone. Ito ay ang pawang pagkawala ng clitoris. Ang yugto na ito ay nangangailangan ng pagpapatuloy sa pagpapasigla upang makabuo ng sapat na arousal para sa orgasm.

Ikatlong Yugto: Orgasm 

Nailalarawan ang orgasm bilang paglabas ng sexual tension matapos ang pagbubuo, ito ay sinasamahan ng pagpapaikli ng genital muscles, kabilang ang introitus (may pagitan na 0.8 na segundo) 

Ang orgasm ng babae ay hindi pareho sa yugto ng refractory sa lalaki. Posible na magkaroon ng panibagong orgasm ang babae kung mag-i-stimulate ito ulit. 

Sex: Ano ang nangyayari sa babae kapag nakikipag-sex? Hindi ito palaging nakakaranas ng orgasm sa tuwing nakikipag-sex. Ang foreplay ay may mahalagang papel sa pag-trigger ng orgasm sa maraming kababaihan. Maaaring kabilang sa foreplay ang pagpapasigla sa clitoris o paghaplos sa suso at iba pang erogenous na bahagi.

Ikaapat na Yugto: Resolution 

Sa resolution, ang katawan ng babae ay unti-unting babalik sa normal. Ang pamamaga sa ari ay mababawasan, babagal ang paghinga at ang tibok ng puso ay babalik sa normal.

Key Takeaways

Ang cycle ng sekswal na tugon ay theoretical na model na inilalarawan ang pagbabagong physiological na nangyayari sa katawan habang napupukaw sa pakikipagtalik. Kabilang nito ang apat na yugto: Kapanabikan, plateau, orgasm, at resolusyon. Ito ang maaaring iba-iba sa lalaki at babae, ngunit ito ay karaniwang tumatagal ng 30 minuto.

Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sexual arousal in women, https://familyserviceshub.havering.gov.uk/kb5/havering/directory/advice.page?id=CMtBbjDiFYM Accessed October 20, 2021

The science of sexual arousal, https://www.apa.org/monitor/apr03/arousal Accessed October 20, 2021

Stages of male sexual response, https://goaskalice.columbia.edu/answered-questions/stages-male-sexual-response Accessed October 20, 2021

Sexual Response Cycle, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9119-sexual-response-cycle Accessed October 20, 2021

Understanding sexual response, https://www.islandsexualhealth.org/body/sexual-response/ Accessed October 20, 2021

Models of Sexual Response, https://www.ourbodiesourselves.org/book-excerpts/health-article/models-sexual-response/ Accessed October 20, 2021

Kasalukuyang Version

04/25/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement