backup og meta

Ano Ang Asexual? Bakit Mayroong Mga Misconceptions Tungkol Dito?

Ang pag-ibig ay hindi nakatali lamang sa kasarian. May mga tao na kinikilala ang kanilang mga sarili bilang asexual, at iyon ay ganap na normal. Sa ngayon, tinatanggap na ng mundo ang malawak na hanay ng mga sexual identities. Bagama’t maaaring mayroon pa ring ilan na hindi tanggap ang mga taong hindi heterosexual, ang isang mas mahusay na pag-unawa sa kahulugan ng pagiging LGBTQIA+ ay humantong sa isang mas maayos, mas mahabagin na mundo. Kung gayon, ano ang asexual? Paano ang buhay ng mga taong asexual? Makakalikha pa ba ng makabuluhang relasyon ang mga asexual? 

Ano Ang Asexual? Bakit Mayroong Mga Misconceptions Tungkol Dito?

Ano Ang Asexual?

Para sa mga taong nagtatanong kung ano ang asexual, ang terminong ito ay tumutukoy sa isang tao na hindi sexually attracted sa anumang kasarian. 

Madalas na nalilito ang mga tao sa terminong ito at ang celibacy. Ang celibacy ay iba sa asexuality dahil ang ibig sabihin nito ay desisyon ng isang indibidwal na umiwas sa mga sekswal na aktibidad. Bukod dito, ang isang asexual na tao ay maaaring aktwal na gumanap ng mga sekswal na aktibidad kung gusto niya nang hindi nakararamdam ng anumang uri ng sekswal na atraksyon sa parehong oras.

Ang kahulugan ng atraksyon ay maaaring mangahulugan ng maraming iba’t ibang bagay, lalo na kapag pinag-uusapan natin ang sexual orientation.

Maaari itong maiuri sa mga natatanging pangkat na ito:

  • Sexual attraction. Ito ay tumutukoy sa pagnanais na gumanap sa mga sekswal na aktibidad kasama ang ibang tao.
  • Romantic attraction. Ito naman ay tumutukoy sa pagnanais ng isang tao na magkaroon ng romantic contact sa ibang tao.
  • Aesthetic attraction. Ito ay tumutukoy sa isang taong marunong magpahalaga sa ganda o aesthetic ng isang tao nang hindi nagkakaroon ng romantiko o sekswal na damdamin sa taong iyon. 
  • Sensual attraction. Ito ay tumutukoy sa pagkagusto ng isang tao sa iba sa isang hindi sekswal na paraan tulad ng pagyayakap. 
  • Emotional attraction. Ito naman ay nangyayari kapag gusto ng isang tao na makilala nang mas mabuti ang isa sa pamamagitan ng kanyang personalidad, hindi dahil sa kanyang pisikal na katangian. Kadalasan ito sa mga platonic relationships na kabilang din sa tinatawag na sexual relationships. 
  • Intellectual attraction. Ito ay tumutukoy sa uri ng atraksyon kung saan aang isang tao ay nais na makipagugnayan sa isa pa sa pamamagitan ng intelektwal na pamamaraan. 

Sa pangkalahatan, ang pinakamadaling paraan upang matukoy kung ano ang asexual ay sa pamamagitan ng pag-alam ng sexual orientation ng mga indibidwal na hindi nagnanais ng pakikipagtalik. Gumawa rin ng mas maikling termino ang mga asexual para sa kanilang sexual orientation, at maaaring tawagin sila ng mga tao bilang “ace.” Bilang karagdagan, ang isang asexual na tao ay maaaring maging bakla, bisexual, straight, o queer dahil magkahiwalay na bagay ang sekswal attraction at sexual contact.

Ano Ang Asexual? Ito Ba Ay Isang Disorder?

Hindi isang disorder o medikal na kondisyon ang pagiging asexual. Para sa mga taong nagtatanong kung ano ang asexual, ito ay isang sexual orientation lamang. Ang dahilan kung bakit tinitingnan ng marami ang asexuality bilang isang disorder ay dahil ang mga asexual ay nagpapakita ng mas mataas na rates ng psychological distress. Kadalasan ito ay dahil sa kakulangan ng suporta. Ang pagnanais ng mga asexual na hindi magkaroon ng anumang uri ng pakikipagtalik ay kadalasang hindi nauunawaan at, nakalulungkot na hindi madaling tinatanggap ng lipunan. 

Isa pang misconception sa kung ano ang asexual ay ang pagtingin nito bilang isang sexual dysfunction. Kadalasan sa hindi, kapag ang mga taong sexually attracted sa mga asexual na indibidwal, iniisiip nila na hindi nila kayang makipagtalik. Ngunit sa katunayan, ang mga taong asexual  ay may kakayahang makipagtalik. Hindi nga lang sila nakararamdam ng anumang uri ng sekswal na pagnanais. 

Ano Ang Asexual At Maaari Bang Silang Magkaroon Ng Magandang Mga Relasyon?

Oo, ang mga asexual ay maaari pa ring magkaroon ng malusog na relasyon sa iba’t ibang uri ng tao. Nais naming ulitin muli na ang pag-ibig ay hindi lamang nakatali sa mga gawaing sekswal. Ang pag-ibig ay higit pa sa pakikipagtalik. 

Ang bawat tao’y nararapat sa malusog na relasyon, kabilang ang mga asexual. Kailangang matiyak ng mga asexual na mayroong malinaw na komunikasyon sa kanilang mga relasyon sa iba, maging sila ay platonic o sekswal, upang ang mga relasyon na ito ay manatiling malusog.

Karaniwang Misconceptions

Ang mga asexuals ay hindi:

  • Naka-abstinence dahil sa masasamang relasyon 
  • Naka-abstinence dahil sa mga gawing panrelihiyon
  • Sumasailalim sa celibacy 
  • Nahihirapan makahanap ng kapareha
  • Nagdurusa mula sa kakulangan o pagkawala ng libido
  • Naghihirap mula sa sexual dysfunction
  • Takot sa intimacy

Ang mga asexual na indibidwal ay: 

  • Maaaring mahulog ang loob sa ibang tao 
  • Mayroong opsyon na mag-masturbate
  • May desisyon na magsagawa ng mga sekswal na aktibidad
  • Maaaring makaranas ng arousal 
  • Maaaring magnais ng platonic relationships, empathy mula sa iba, at pag-uunawa 
  • Posible sa lahat ng edad, kasarian, at background
  • Maaaring magkaroon ng mga romantic partners

Key Takeaways

Ang asexuality ay isang bagay na hindi dapat ikinalulungkot o ikinakahiya ng sinuman. Ito ay isang normal na sexual orientation. Ang mga asexual na indibidwal ay ganap na may kakayahang makaramdam, magpahayag, at higit sa lahat, umibig.

Alamin ang iba pa tungkol sa Sekswal na Kaayusan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

ASEXUALITY, ATTRACTION, AND ROMANTIC ORIENTATION, https://lgbtq.unc.edu/resources/exploring-identities/asexuality-attraction-and-romantic-orientation/, July 18, 2021

I Think I Might Be Asexual, https://advocatesforyouth.org/wp-content/uploads/2019/03/ITIMB-ACE.pdf, July 18, 2021

Asexuality Isn’t A Mental Disorder Or Sexual Dysfunction – It’s A Sexual Orientation, https://blogs.iu.edu/kinseyinstitute/2018/04/13/asexuality-sexual-orientation/, July 18, 2021

Asexual, https://www.thetrevorproject.org/trvr_support_center/asexual/, July 18, 2021

 

Kasalukuyang Version

02/25/2026

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Sexual Identity? Alamin Dito Kung Ano Ito

Ano ang Pinagkaiba ng Transsexual sa Transgender? Alamin dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas