backup og meta

Pigsa Sa Baby: Paano Ang Tamang Paraan Ng Paggamot Dito?

Pigsa Sa Baby: Paano Ang Tamang Paraan Ng Paggamot Dito?

Isa sa mga karaniwang sakit sa balat ng mga bata ay ang pigsa o boils. Ang pigsa sa baby ay isang kondisyon na nagdudulot ng masakit na bukol sa balat, na mayroong maputi o madilaw na “ulo”. Inirerekomendang magpatingin kaagad sa doktor kung mayroong pigsa ang iyong baby. Basahin kung paano nagkakaroon ng pigsa ang baby, paano ito nabubuo, at paano maiiwasan ang pigsa sa baby.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Ano ang sanhi ng pigsa ng baby?

Ang pangunahing sanhi ng pigsa ay kapag na-infect ng staph bacteria ang hair follicles o kung saan tumutubo ang buhok. Nangyayari ito kapag na-trap ang bacteria sa follicle dahil sa pagkakamot o kaya sa friction. Posible ring magkaroon nito kung may bumara na dumi sa loob ng follicle.

Kahit anong lugar sa katawan ay maaaring tubuan ng pigsa, ngunit karaniwan ito sa may singit, kili kili, hita, binti, at mukha.

Heto ang karaniwang sintomas ng pigsa sa baby:

  • Mamula-mulang bukol sa balat
  • Masakit, kahit hindi hinahawakan
  • Matigas sa simula, at napupuno ng nana matapos ang isang linggo
  • Mukhang malaking pimple

Nagsisimula ang mga pigsa na matigas na bukol sa balat. Matapos ang isang linggo, sumasakit ito at napupuno na ng nana.

Siguro ay naisip mong putukin ang pigsa, dahil mukha itong malaking pimple. Pero hinding-hindi ito dapat ginagawa, lalo na kung pigsa sa baby. Ito ay bukod sa sobrang sakit nito ay maaari itong magdulot ng impeksyon sa dugo kung basta-bastang puputukin.

Kaya’t mahalagang putukin lamang ito ng mga doktor o professional. Hinding-hindi ito dapat putukin sa bahay.

Ano ang tamang gamot sa pigsa sa baby?

May ilang mga bagay na dapat gawin upang hindi magkaroon ng impeksyon o lumala ang pigsa sa baby.

Heto ang ilan sa mga ito:

Panatilihing malinis ang balat

Madaling kumalat ang bacteria ng pigsa sa baby. Kaya mahalagang panatilihing malinis ang balat ni baby. Kahit simpleng sabon lamang at tubig ay sapat na upang makaiwas sa impeksyon.

Siguraduhin din na maghugas ng iyong kamay pagkatapos upang hindi ikaw ang mahawa ng sakit.

Gumamit ng warm compress

Para sa masakit na pigsa, nakakatulong ang paglagay ng warm compress. Siguraduhin din na malinis ang ginagamit na pang warm compress upang hindi magkaroon ng impeksyon.

Huwag itong putukin o pisilin

Hindi dapat putukin ang pigsa dahil maaari itong magkalat ng impeksyon, at sobrang sakit din nito kung putukin. Hayaan lang itong gumaling ng kusa sa bahay, at kung dapat putukin ay pumunta lamang sa doktor para wasto ang pagputok dito.

Magpakonsulta sa doktor

Huwag mag-atubiling magpakonsulta sa doktor kung hindi gumagaling ang pigsa sa baby, o kaya ay lumalaki o sumasakit pa ito. Ito rin ang dapat gawin kung sakaling magkaroon ng lagnat ang iyong sanggol, o kaya ay magkaroon sya ng ibang sintomas kasabay ng pigsa.

Paano ito maiiwasan?

Heto ang ilang paraan upang makaiwas sa pigsa:

  • Siguraduhing malinis ang beddings ng iyong anak. Kung maaari, linisin ang mga ito sa kumukulong tubig.
  • Kung may gasgas o sugat ang iyong anak, linisin itong mabuti.
  • Sundin ang proper hygiene, at panatilihing malinis ang balat ng iyong anak.
  • Nakakatulong din ang araw-araw na pagligo upang makaiwas sa pigsa.

Sa pagsunod ng mga tips na ito ay mababawasan ang posibilidad na magkaroon ng pigsa ang iyong anak. Kung mayroon ka pang mga katanungan, huwag mag dalawang-isip pumunta sa pediatrician.

Alamin ang tungkol sa Baby Care dito

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Boils (abscesses), https://www.aboutkidshealth.ca/article?contentid=792&language=english, Accessed May 25, 2021
  2. Boil, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/boil/, Accessed May 25, 2021
  3. How To Treat & When To Seek Help For Boils | KidsHealth NZ, https://www.kidshealth.org.nz/how-treat-when-seek-help-boils, Accessed May 25, 2021
  4. Abscesses & boils in children & teens | Raising Children Network, https://raisingchildren.net.au/guides/a-z-health-reference/abscess, Accessed May 25, 2021
  5. Boils and Carbuncles: Causes, Symptoms and Treatment for Children | St. Louis Childrens Hospital, https://www.stlouischildrens.org/conditions-treatments/boils-and-carbuncles, Accessed May 25, 2021

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Rashes Sa Katawan Ni Baby: Ano Kaya Ito At Paano Gamutin?

Paglaki Ng Pigsa: Alamin Dito Ang Stage Ng Pigsa


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement