backup og meta

Kailangan Ba Ni Baby Ng Walker?

Kailangan Ba Ni Baby Ng Walker?

Walker ng baby ang isa sa pinaka-unang pinag-iisipang bilhin ng mga magulang sa oras na napapansin nilang panahon na na makapaglalakad ang bata. Maraming nakatutuwang kulay at disenyo ang mga walkers, subalit kapag nakita mo ang posibleng masamang epekto ng walker ay maaaring hindi ka maengganyong bumili.

Ang isang kamakailang pag-aaral ay nagpapakita na bumaba ang walker-related injuries sa nakalipas na 10 taon. Ngunit ito pa rin ang nangungunang dahilan ng mga libo-libong aksidente ng bata at pinsala sa ulo at leeg. Kabilang dito ang pagabali ng bungo ng bata. Maraming aksidente at insidente ang nagpapatunay na posibleng mapanganib ang mga ito. 

Sa Canada, ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga baby walkers. Gusto ng American Academy of Pediatrics na maging totoo rin ito sa United States. Ayon sa isang pag-aaral sa Pediatrics journal, sa pagitan ng 1990 at 2014, mahigit 230,000 batang wala pang 15 buwang gulang ang ipinasok sa mga emergency rooms para sa mga pinsalang nauugnay sa mga walkers.

Ano ang baby walkers?

Ito ay isang kagamitan na magagamit ng mga sanggol na hindi pa makalakad, karaniwang nasa edad na anim na buwan pataas. Nagtatampok ang mga tradisyunal na baby walker ng upuan, isang mesa at isang malawak na base na may apat na gulong. Ang mga paa ng sanggol ay dumampi sa lupa, at maaari nilang gamitin ang kanilang mga binti upang itulak palayo sa lupa. Hindi ito dapat ipagkamali sa isang push-toy baby walker, na isang patayong laruan na maaaring hawakan at itulak ng isang nakatayong sanggol. Anuman ang disenyo, ang walkers ay may gulong upang dalhin ang baby kahit saang sulok.  Mabiling mabili ito noon dahil sa buong akala ng mga magulang ay nakakatulong ito sa maagang paglalakad ng sanggol.

Kailangan ba ang walker ng baby? Bakit hindi mabuti ang walker para kay baby?

Bumibili ng walkers ang magulang dahil iniisip nila na ang mga walker ay tumutulong sa mga sanggol na matutong maglakad nang mas mabilis. Gayunpaman, ang kabaligtaran pala ang mangyayari. Dahil sa paggamit ng walker ay maaaring maantala ang malayang paglalakad ng bata.

Ito ay dahil ang pagka-tutong maglakad ay hindi gaanong tungkol sa pag-aaral na gamitin ang iyong mga binti. Ito ay higit na tungkol sa pag-aaral na humila patayo, magbalanse, at gumawa ng mga hakbang nang walang suporta. Kapag ang mga sanggol ay nahuhulog sa mga walker, hindi nila natututuhan ang alinman sa mga iyon. Matututuhan nila ito sa pamamagitan ng paglalagay sa sahig ng isang bagay na maaari nilang hilahin, tulad ng isang upuan.

Hindi tutulungan ng walkers maglakad ang baby

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga sanggol na gumagamit ng walker ay maaaring aktwal na mas matagal matutong maglakad kumpara sa mga hindi gumamit nito. Sabi ng mga eksperto, natututo ang mga sanggol na maglakad nang bahagya sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-unawa kung paano gumagalaw ang kanilang mga paa at binti. Kung ang isang walker ay may tray, hindi nila makita kung ano ang nangyayari sa kanilang mas mababang katawan, at hindi nila makukuha ang mga impormasyon na kailangan nila tungkol sa kanilang motor development.

Sabi ni Dr. Leah Alexander na isang pediatrician sa Elizabeth, New Jersey ay may mga partikular na panganib na taglay ang paggamit ng walkers. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

  • Pagkahulog sa hagdan. 
  • Masyadong mabilis ang paggalaw
  • Pag-abot sa mga mapanganib na bagay
  • Hindi tamang pag-unlad ng binti

Ayon sa mga eksperto ay inilalagay ng mga baby walker ang isang bata sa isang hindi tipikal na posisyong nakatayo. Hindi sinasadyang nagpo-promote ito ng panlabas na pag-ikot at matulis na mga daliri ng paa,. Maaari itong maglagay ng hindi kinakailangang pwersa sa mga kasukasuan na lumilikha ng abnormal na pattern ng paglalakad. Ito ay nakakaapekto sa tipikal na pag-unlad ng kalamnan ng bata.

Para sa iba pang concerns sa development ni baby, huwag mag-hesitate na kumunsulta sa doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Are infant walkers safe

https://kidshealth.org/en/parents/products-walkers.html#:~:text=Walkers%20%E2%80%94%20devices%20with%20wheeled%20frames,stoves%2C%20heaters%2C%20and%20pools.

Baby bouncers, walkers and seats

​​https://www.nhs.uk/conditions/baby/babys-development/play-and-learning/keep-baby-or-toddler-active/#:~:text=If%20you%20do%20use%20a,20%20minutes%20at%20a%20time.

Baby walkers a dangerous choice

https://www.healthychildren.org/English/safety-prevention/at-home/Pages/Baby-Walkers-A-Dangerous-Choice.aspx

Are baby walkers and exercise jumpers dangerous

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/baby-walkers#:~:text=Baby%20walkers%20are%20considered%20unsafe,falling%20down%20steps%20or%20stairs

The 10 best baby walkers

Parents font use a baby walker

https://www.health.harvard.edu/blog/parents-dont-use-a-baby-walker-2018092714895#:~:text=Some%20parents%20buy%20them%20because,learning%20to%20use%20your%20legs.

Kasalukuyang Version

06/30/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Sinuri ang mga impormasyon ni Lorraine Bunag, R.N.

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Benepisyo ng Pagkamahiyain ng Bata

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera


Sinuri ang mga impormasyon ni

Lorraine Bunag, R.N.


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement