Ang pagtuturo sa pagiging independent ng iyong anak ay marahil ang isa sa pinakamahirap na aspeto ng pagiging magulang. Kailangan mong balansehin ang pagpayag sa kanila na gawin ang mga bagay nang nakapag-iisa, at siguraduhin na ang mga gawain ay hindi masyadong komplikado. Kung hindi, baka masiraan sila ng loob. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa mga aktibidad na naghihikayat sa pagiging independent ng preschooler.
Tandaan: Bawat Pamilya Ay Natatangi
Bago natin isa-isahin ang mga aktibidad na naghihikayat sa pagiging independent ng bata. Narito ang isang paalala: walang dalawang pamilya ang magkatulad.
Maaaring payagan ng Pamilya A ang kanilang 4 na taong gulang na sumakay ng bisikleta nang mag-isa sa neighborhood. Habang maaaring i-insist ng Pamilya B na bantayan ang kanilang 5 taong gulang habang nakikipaglaro sila sa mga kaibigan. Nangangahulugan ba ito na ang 4 na taong gulang na bata ay “mas malaya” o independent kaysa sa mas nakatatandang bata?
Ang sagot ay “hindi”.
Makikita na ang Pamilya A ay maaaring nakatira sa isang palakaibigan at tight-knit neighborhood malayo sa mga busy streets. Samantala ang anak ng Pamilya B ay maaaring nakakaranas pa rin ng pagkabalisa sa paghihiwalay.
Ang bottom line dito—ang pagtuturo sa’yong anak na maging malaya o independent ay may mga factor na dapat ikonsider. Kaya, maging mabait sa’yong sarili, at tandaan na ang iyong anak ay maaaring mangailangan ng tulong sa ilang mga gawain. Ngunit kaya ring gumawa o kumilos nang nakapag-iisa sa iba.
Mga Aktibidad Na Naghihikayat Ng Pagiging Independent Ng Bata
Ang mga bata ay maaaring maging self-reliant anumang aktibidad o gawain. Hangga’t sila ay naaangkop sa edad at mahusay na ginagabayan. Nasa ibaba ang ilang mungkahi para sa pagtuturo sa’yong anak na maging malaya o independent.
Bigyan Sila Ng Mga Pagpipilian
Alagaan ang kakayahan ng iyong anak na pumili para sa kanilang sarili. Mag-alok sa kanila ng mga pagpipilian sa damit, pagkain, o aktibidad. Halimbawa, kapag oras nang kwento, magpakita sa kanila ng 2 hanggang 3 aklat, at tanungin sila kung ano ang gusto nilang marinig. Siguraduhin lamang na ang lahat ng mga pagpipilian ay angkop para sa kanila.
Hilingin Ang Kanilang Tulong Sa Paghahanda Ng Pagkain
Ang mga preschooler ay kadalasang may mga motor skills na nagbibigay-daan sa kanila, para ma-mash at kumuha ng pagkain o magbuhos ng kanilang mga inumin. Humingi ng kanilang tulong sa paghahanda ng mga pagkain. Siguraduhin lang na ang kanilang “mga kasangkapan” ay ligtas.
Bigyan sila ng maliliit, plastik na pitsel at tasa. Maaari mo ring bigyan sila ng isang plastic na laruang kutsilyo para putulin ang kanilang mga prutas sa mas maliliit na piraso.
Pagiging Independent: Pahintulutan Silang Kumain Nang Malaya
Karamihan sa mga preschooler ay maaari nang gumamit ng mga kagamitan, kaya maaari mo silang turuang kumain ng mag-isa. Gayunpaman, mangyaring isaalang-alang na ang mga bata ay maaaring mabagal at medyo magulo kapag kumakain nang mag-isa.
Bigyan Sila ng Oras Na Bihisan Ang Sarili
Maraming mga preschooler ang may kakayahang magbihis ng kanilang sarili. Gayunpaman, maaaring kailanganin nila ng ilang mga pagsubok na gawin ito nang tama, kaya asahan na sila ay mabagal. Kung sinusunod mo ang isang iskedyul, maglaan ng ilang oras para sa ‘yong anak na magsuot ng mga damit at sapatos.
Payagan Sila Na Gamitin Aang Banyo
Karamihan sa mga 5 taong gulang ay maaaring gumamit ng banyo nang walang tulong. Kaya, maaari mong i-set up ang banyo para maging ligtas para sa kanila (maghanda ng stool, maglagay ng mga anti-slip mat, maglagay ng pansamantalang rehas o hawakan, atbp.)
Gayunpaman, tandaan na kailangan pa rin nila ng supervision–dahil ang mga sahig sa banyo ay maaaring madulas, at may panganib sa isang batya o balde na puno ng tubig.
Pagiging Independent: Panagutin Sila
Ang pagtuturo sa’yong anak sa pagiging independent ay nangangahulugan ng pagtatakda ng mga limitasyon at pagbibigay sa kanila ng mga responsibilidad.
Tandaan na ang mga preschooler ay maaaring:
- Take turns. Maaari mong i-aplay ang rules tulad ng, “Kung hindi mo ibinabahagi ang laruang ito, walang sinuman ang maaaring gumamit nito para sa araw na ito.”
- Mag-usap sa dalawang pangungusap para matuto magpahayag ng damdamin. Iyon ang dahilan kung bakit maaari mong hayaan ang iyong anak na makipag-usap sa mga matatanda at iba pang mga bata.
- Atasan sila ng mga gawaing-bahay. Ang mga preschooler ay maaari nang sumunod sa maikli at simpleng instructions. Maaari kang magbigay sa kanila ng mga tungkulin. Tulad ng paglalagay ng maruruming damit sa basket, paglalagay ng kanilang mga laruan, pagwawalis ng sahig sa isang lugar ng bahay.
Gumawa Ng Routine At Hikayatin Ang Mga Tanong
Sa wakas, mahusay na ang mga bata sa mga gawain. Kapag paulit-ulit kang gumawa ng mga aktibidad, matututunan din nila kung paano gawin ang mga ito.
Gayunpaman, ipaalam sa kanila na okay lang na humingi ng tulong sa’yo. Sabihin ang mga bagay tulad ng: “Kung nahihirapan ka, tawagan mo ako. Hindi ako magagalit,” o “Sa tuwing hindi ka sigurado, tanungin mo ako para matulungan kita.”
Paalalahanan sila na tinatanggap mo ang kanilang mga tanong.
Key Takeaways
Ang pagtuturo sa’yong anak na maging malaya o independent ay maaaring maging mahirap. Ngunit magagawa mo ito nang paunti-unti. Pumili ng mga gawaing naaangkop sa edad at hayaan silang makamit ang mga gawaing ito mag-isa.
Matuto pa tungkol sa Toddler and Preschool Development dito.