backup og meta

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera

Bagama’t hindi sapilitan ang pagpasok sa anak na edad 3 hanggang 4 sa preschool sa Pilipinas, hindi maikakaila na ang mga batang na nasa gantong edad ay sabik na mag-aaral. Samakatuwid, hindi nila dapat palampasin ang mga pagkakataon sa paglago at pag-aaral na naaangkop sa edad.

Ang mga preschool ay nagbibigay-daan sa mga kabataan na matugunan ang mahahalagang developmental milestones. Mayroon itong parehas na mga layunin sa edukasyon, ngunit naiiba sa kanilang mga diskarte sa maagang pag-aaral. Kaya mahalagang malaman kung paano pumili ng preschool na mapagkakatiwalaan mong aalagaan ang iyong anak.

Paano Pumili ng Preschool? Ano-ano ang mga Dapat Ikonsidera?

Narito ang ilang mga salik na dapat ikonsidera kung paano pumili ng preschool para sa iyong anak:

Kwalipikasyon at training ng mga guro

Ang kalidad ng edukasyon ay lubos na nakasalalay sa mga guro at tagapagturo ng isang paaralan. Suriin ang proseso ng pagsasanay at paraan ng pagkuha (hiring process) pati na rin ang background, track record, at mga kwalipikasyon ng mga kasalukuyang guro nito. Pagkatapos ng lahat, ang iyong anak ay matututo mula sa kanila, mainam na matuto siya sa pinamahusay. 

Tuition fees

Paano pumili ng preschool? Malinaw na dapat itong maging isang pangunahing pagsasaalang-alang para sa mga magulang kapag papasukin ang mga bata sa isang preschool. Maaaring magastos ang mga private preschool, kaya gugustuhin mong tiyakin na nakukuha mo ang halaga ng iyong pera, lalo na sa panahong ito na ang bawat piso ay mahalaga.

Reporting process

Madalas itong napapabayaan kapag pumipili ng preschool. Iniisip ng ilang mga magulang na hangga’t ang kanilang anak ay tinuturuan sa paaralan, maayos na lahat. Mahalaga ang feedback pagdating sa pag-unlad ng iyong anak. Dahil dito, mahalaga para sa paaralan na magkaroon ng reporting process na nakatuon sa pattern ng pag-aaral, lakas, at mga hamon ng isang bata upang magkaroon ng pangkalahatang-ideya ang mga magulang kung aling mga aspeto ang dapat tugunan.

Mga pamamaraan ng pagtuturo at kurikulum ng paaralan

Kung iniisip mo paano pumili ng preschool, dapat mong isaalang-alang at itanong ang kani-kanilang mga pamamaraan at kurikulum. Mas nakatuon ba sila sa pakikipag-ugnayan at hands-on na pag-aaral? Angkop ba ang kanilang kurikulum para sa edad ng iyong anak?

Age requirements para sa mga enrollees

Isa pang salik na dapat ikonsidera sa kung paano pumili ng preschool ay ang iba’t ibang minimum age limit ng mga paaralan. Depende sa edad ng iyong anak, kailangan mong maghanap ng paaralan na nag-aalok ng mga aralin at aktibidad na angkop para sa kanila. Ang ilang mga paaralan ay tumatanggap ng mga mas bata, habang ang iba ay may pinakamababang limitasyon sa edad na 3 taong gulang.

Education philosophy

Ang mga preschool ay mayroon ding iba’t ibang mga belief at value systems: ang ilan ay mas open, habang ang iba ay mas konserbatibo. Mayroon ding mga preschool na may built-in philosophy na nagsisilbing gabay para sa kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo, tulad ng Montessori. Tiyaking humanap ng preschool na naaayon sa mga pagpapahalaga at pilosopiya na gusto mong matutunan ng iyong anak.

Kapasidad sa online learning 

Ang mga anak ay hindi makakapasok sa paaralan nang pisikal sa oras na ito, na ginagawang mas mahirap ang proseso kung paano pumili ng preschool. Tingnan ang mga paaralang may mga kakayahang isagawa ang online learning at magtanong tungkol sa kung paano nila nagawang lumipat mula sa matitingkad na pisikal na mga silid-aralan patungo sa mga computer screens, kung paano nila pinangangasiwaan ang mga virtual na silid-aralan, at kung anong mga aktibidad ang maaaring iakma para sa pag-aaral sa bahay.

Best Online Learning Para sa Preschoolers

Pinagsama-sama namin ang ilang preschool na nag-aalok ng online learning na nagbibigay-daan sa iyong batang mag-aaral na magkaroon ng educational at interactive early childhood education:

HAND Preschool

Para sa mga batang 2 hanggang 5 taong gulang, ang HAND Preschool ay nag-aalok ng progresibong edukasyon na binuo sa paniniwalang ang mga bata ay maaaring magtanong at magbahagi ng kanilang mga ideya. Nag-aalok ito ng holistic education at individualized curriuculum.

Learning Hub Playschool

Nakatuon sa pagdadala ng kasiyahan sa paaralan sa iyong tahanan, ang Learning Hub Playschool ay nag-aalok ng kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng mga interactive online learning sessions. Sa halagang Php1,000 lang, magkakaroon ka ng 3 session sa isang linggo. Tumatanggap ang paaralan ng mga batang 2 hanggang 5 taong gulang.

Smallville Montessori

Itinayo sa pilosopiya ng mga Montessori schools, ang Smallville Montessori ay nakikipag-ugnayan sa mga batang 2.5 taong gulang sa pamamagitan ng masasayang aktibidad sa paaralan na idinisenyo upang makuha ang kanilang imahinasyon. Ang mga guro nito ay nakatutugon din sa mga internasyonal na pamantayan ng Montessori. Gusto mo bang suriin muna ito?

The Little Apprentice Preschool

Perpekto para sa mga bata sa edad na 2, nag-aalok ang The Little Apprentice School ng mga paksang nagpapahusay sa mga kasanayan ng iyong anak: mula sa Math hanggang sa kritikal na pag-iisip at pagbabasa, bukod sa iba pa. Magsisimula ang mga klase sa Agosto 9 at magtatapos sa Abril 22, na may limitadong slots lamang.

Discovery Academy of Innovation

Mga batang may edad na 3-5, ang programa ng preschool ng Discovery Academy of Innovation na nailalarawan sa pamamagitan ng isang mapagalagang kapaligiran, pag-aaral na nakabatay sa laro, global citizenship education, at may layuning paggamit ng teknolohiya.

Alamin ang iba pa tungkol sa Growth at Development ng Toddler at Preschooler dito.

Ang artikulong ito ay orihinal na lumabas sa Edamama at muling ginamit nang may pahintulot:

https://www.edamama.ph/discover/play-learn/what-to-consider-when-choosing-a-preschool

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

02/27/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Benepisyo ng Pagkamahiyain ng Bata

Paano Tulungan ang Visually Impaired na Bata? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement