backup og meta

Paano Magpalaki Ng Curious Na Bata? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Paano Magpalaki Ng Curious Na Bata? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ang curiosity ay isa bagay na kinakailangan mong ituro sa mga bata. Isipin mo, sa oras na isinilang sila, ang iyong anak ay sabik nang matuto. Sa kanilang limitadong abilidad, masinsinan mo silang mapapansin na ibabaling ang kanilang ulo sa tunog at humahawak ng mga bagay na kanilang naabot. Sinasabi ng mga eksperto na ang pagiging curios ay epektibong paraan upang maunawaan ang mga bagay. Para sa rason na ito, ang mga magulang ay kinakailangan na mapalago ang curiosity ng bata. Ngunit paano mo ito gagawin? Paano magpalaki ng curious na bata?

Ang Kahalagahan Ng Curiosity Sa Paglaki Ng Bata

Ang curiosity ay inihahanda ang utak sa pagkatuto. Sinasabi ng mga eksperto na ang pagiging curious ay nagtri-trigger ng pagbabago sa utak na makatutulong na magpanatili ng impormasyon na mas epektibo.

Kung ang mga bata ay hinahayaan na ma-satisfy ang kanilang curiosity sa isang ligtas na kapaligiran, ang pagkatuto ay nangyayari nang natural ay holistiko. Hindi lamang nila ititipon at itatabi ang impormasyon, ngunit magkakaroon din sila ng mga karanasan na maglilinang ng kanilang social, emotional, at pisikal na pagkatao.

Ang curious na bata ay malalim na nakauunawa. Ito ang rason bakit ang mga guro ay naglalaan ng oras upang pukawin ang curiosity ng mga bata sa umpisa ng aralin. Sa pagiging sabik na matuto, ang mga bata ay hindi lang natututo paano nangyayari ang mga bagay, ngunit malalaman din nila paano isasagawa ang mga bagay para sa sarili nila.

Ano Ang Gagawin Kung Marami Ang Tanong Ng Isang Bata?

Isa sa mga paraan kung paano naipapakita ng isang bata ang kanilang curiosity ay sa pamamagitan ng pagtatanong. Kadalasan ito’y sa isang mabilis at tuloy-tuloy na paraan.

Bagaman hindi madali na laging sagutin ang kanilang mga tanong, lalo na kung ikaw ay pagod, abala, o wala sa mood, binigyang-diin ng mga eksperto na huwag babalewalain ang kanilang mga tanong. Iwasan ang pagbalewala sa kanilang mga tanong upang tumigil sila at huwag na huwag na magalit.

Kung hindi mo masagot ang tanong sa puntong iyon, ipagpaliban ang pagpapaliwanag. Sabihan ang iyong anak na ipunin ang mga tanong at itanong na lamang ulit mamaya, siguro pagkatapos ng hapunan o habang ikaw ay naghuhugas ng plato.

Karagdagan, kung hindi mo alam ang sagot, huwag mag-alinlangan na sabihin na hindi mo alam. Subukan na sabihing, “Hindi ko alam… tignan natin mamaya?” Magandang paraan ito na malaman ng mga bata na ang mga matatanda ay natututo rin.

paano magpalaki ng curious na bata

3 Mga Paraan Upang Paano Magpalaki Ng Curious Na Bata

Ang mga bata ay magtatanong lang nang marami kung siya ay nasa paligid na hindi nagsti-stimulate ng curiosity. Upang palaguin ang curiosity ng iyong anak, ikonsidera ang mga sumusunod:

1. Hikayatin ang pag-e-explore.

Dalhin ang iyong anak sa mga lugar kung saan ligtas na makikita at mararanasan nila ang mga bagay sa sarili nilang paraan: sa farm, parke, museo, zoo at iba pa. Maaari din kayong mag-camping, mangisda, o maglakbay. Mas marami ang nakikita nila, mas nagiging curios sila.

Sa oras na makakita ang bata ng bagay na interesado siya, suportahan sila basta’t ito’y ligtas. Iwasan ang pagpigil sa kanilang curiosity dahil ang aktibidad ay makalat at komplikado.

2. Magbigay ng mga gamit na ginagamit ang kanilang pandama.

Ang mga bagay na nakahihikayat na gamitin ang mga pandama nila ay magandang paraan upang palaguin ang curiosity ng bata.

Halimbawa, sa halip na magbigay sa kanila ng mga laruan na de-baterya, bakit hindi sila bigyan ng mga laruan na magagawan nila ng porma o manipula (maghatak ng lever, pumindot ng button, at iba pa).

Maging ang mga ordinaryong bagay ay makasasabik sa kanilang mga pandama: ang sprinkler na pandilig ng halaman, bisikleta at kung paano ito pinepedal upang gumalaw, o ang rubber ducky na lumulutang.

Sa pagiging malikhain, maaari mong magawa ang maraming bagay na isang simpleng eksperimento sa science.

3. Maglaan para sa interaksyon.

Panghuli, huwag kalimutan na palaguin ang curiosity ng iyong anak sa pamamagitan ng social interactions.

Hayaan sila na makipag-usap sa iba pang mga bata at matatanda, sa loob o labas ng pamilya, nakatutulong ito na mapabuti ang abilidad nila sa komunikasyon. Sa proseso, may matututuhan din sila at maaaring mag-develop ng panghabambuhay na pagkakaibigan.

Mahalagang Tandaan

Mahalaga ang curiosity sa paglaki at paglago ng bata.

Paano magpalaki ng curious na bata? Kinakailangan na hindi isantabi ng mga magulang ang kanilang mga tanong. Maaaring samahan din nila ang kanilang mga anak sa maliit na eksplorasyon, magbigay ng mga gamit na magagamit ang kanilang mga pandama, at hayaan silang makipag-interaksyon sa mga tao.

Ang punto rito ay, ikaw ang daan ng iyong anak sa mundo. Sa pamamagitan mo, maaaring magkaroon sila ng pagmamahal sa pagkatuto.

Matuto pa tungkol sa Toddlers at Preschoolers dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Developing curiosity in the young child’s brain, https://www.canr.msu.edu/news/developing_curiosity_in_the_young_childs_brain, Accessed April 26, 2021

Curiosity and Wonder: Cue Into Children’s Inborn Motivation to Learn, https://www.easternflorida.edu/community-resources/child-development-centers/parent-resource-library/documents/curiosity-and-wonder.pdf, Accessed April 26, 2021

8 tips to develop children’s curiosity, https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/8-tips-to-develop-childrens-curiosity, Accessed April 26, 2021

Nature vs. Nurture Child Development: Exploring Key Differences, https://online.maryville.edu/blog/nature-vs-nurture-child-development/#:~:text=In%20general%2C%20nature%20looks%20at,peer%20pressure%20and%20social%20influences., Accessed April 26, 2021

Nurturing care for early childhood development, https://www.who.int/maternal_child_adolescent/child/nurturing-care-framework-first-draft.pdf?ua=1, Accessed April 26, 2021

Kasalukuyang Version

11/08/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Socio-Emotional Development Ng Bata: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Karaniwang Sakit Ng Bata Sa Preschool, Anu-ano Nga Ba?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement