backup og meta

Gamot Sa Sinok Ng Bata: Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Gamot Sa Sinok Ng Bata: Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Madalas na naghahanap ng gamot sa sinok ng bata ang mga magulang. Subalit, karaniwang hindi nakakapinsala ang sinok sa babies. Maraming babies ang sinisinok din sa sinapupunan. Ang rhythmic jerking sensation na nararanasan sa late pregnancy. Isa itong senyales na ang baby ay sininok. Pwedeng mag-aalala ang mommies sa sinok ng sanggol. 

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga sanhi, tips sa pag-iwas, at mga natural na paraan para mapawi ang sinok ng mga bata. Alamin din kung talaga bang mayroong gamot sa sinok ng bata?

Gamot sa sinok ng bata: Ano ang dahilan ng pagsinok ng iyong anak?

Ang hiccups ay resulta ng mabilis na pagsasara ng vocal cords na kasabay ng contracting ng diaphragm. Sinasabi na ang mabilis na pagsasara ng vocal cords ay nagiging sanhi ng tunog ng mga sinok.

Dahil ang mga sinok ay pwedeng makairita sa’yo. Madalas na ipinagpapalagay din ito na maaaring makairita ito sa’yong anak. Ngunit pwedeng hindi ito totoo. Karaniwan, ang mga sinok ay hindi nakakaapekto babies. Maaari silang matulog nang mapayapa nang hindi naiirita.

Gayunpaman, narito ang mga iba pang dahilan na nagdudulot ng sinok sa’yong anak tulad ng:

  • Sobrang pagkain o labis na pagpapakain
  • Paglunok ng labis na hangin
  • Masyadong mabilis na pagkain

Gamot sa sinok ng bata: Mga Paraan para Maibsan ang Mga Sinok 

Maaari mong subukan ang mga strategy na ito upang mapawi ang sinok ng bata:

Pahintulutan ang Iyong Anak na Dumighay

Habang nagpapasuso o nagbibigay ng pagkain sa’yong anak, siguraduhing maglaan ka ng ilang oras para padighayin siya. Nangangailangan ang isang baby na dumighay upang mailabas ang labis na gas na nagdudulot ng sinok. Kung nagbre-breastfeed ang bata, hayaan siyang dumighay sa pagitan ng breast switching.

Gumamit ng Pacifier

Dahil maraming dahilan sa likod ng sinok bukod sa labis na pagpapakain, maaari kang gumamit ng pacifier para pigilan ang mga ito. Pwedeng makatulong ang pacifier sa kanilang diaphragm para makapagpahinga at mapagaan ang mga sinok.

Kuskusin o I-rub ang Likod ng Iyong Anak

Sa pangkalahatan, nawawala ang sinok nang kusa nang hindi iniirita ang iyong baby. Gayunpaman, kung nakakaabala ito sa iyo, i-rub ang likod ng iyong anak upang pigilan ang pagsinok. Ang pagkuskos sa likod ng iyong anak ay nakakatulong na matigil ang mga pulikat na nagdudulot ng pagsinok.

Mga Tips sa Pag-iwas sa Mga Sinok ng Toddler

Natural ang pagsinok at hindi ito mapipigilan. Subalit, pwede mong subukan ang ilang mga bagay para maiwasan ang mga ito. Ang ilan sa tips na ito ay kinabibilangan ng:

  • Siguraduhing kalmado at payapa ang iyong anak habang pinapakain.
  • Habang nagpapasuso, tiyaking nakukuha ng iyong anak ang buong utong sa loob ng kanyang bibig.
  • Pakainin ang iyong baby sa maliit na amount.
  • Habang nagpapadede sa bote, siguraduhing walang hangin malapit sa tsupon.
  • Kuskusin o i-rub ang likod ng iyong anak pagkatapos niyang kumain.
  • Paupuin nang patayo ang iyong anak ng kalahating oras pagkatapos ng bawat sesyon ng pagkain.
  • Iwasan ang mga mabibigat na aktibidad, tulad ng pagtalbog pataas at pababa o paglalaro ng anumang laro — na nangangailangan ng sobrang enerhiya pagkatapos pakainin.

Gamot sa sinok ng bata: Kailan kailangan ng rekomendasyon ng doktor?

Ang mga sinok ay normal sa mga bata hanggang isang taong gulang. Gayunpaman, kung nakita mong madalas ang mga sinok o nadi-distresses ang iyong anak. Dapat kang bumisita sa doktor, Dahil ito’y pwedeng isang indikasyon ng underlying health issue.

Sinasabi na ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay maaaring maging sanhi ng uncomfortable hiccups nang madalas. Para matukoy ang GERD, tingnan ang mga sumusunod na palatandaan:

  • Dumura ng pagkain nang higit sa karaniwan
  • Umiiyak nang higit kumpara sa karaniwan, lalo na habang pinapakain
  • Inii-arch ang kanilang likod nang higit kaysa karaniwan. Partikular sa mga pagkatapos ng pagpapakain at habang pinapakain.

Kung ang mga payo na ito’y makakatulong sa iyo na matukoy ang GERD sa’yong anak. Kumunsulta sa iyong doktor at magpagamot. Ang kondisyong ito sa kalusugan ay madaling gamutin, kaya huwag matakot o mataranta. Sinasabi na ang sinok sa mga bata ay hindi laging malinaw. Gayunpaman, kung ang bata ay nagsusuka na habang sinisinok, kumunsulta agad sa isang pediatrician at kumuha ng tamang gamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

 

How can I get rid of my newborn baby’s hiccups?/https://www.babycentre.co.uk/x1048439/how-can-i-get-rid-of-my-newborn-babys-hiccups/Accessed on 08/11/2019

Your Baby at 1 Week/https://www.ucsfbenioffchildrens.org/education/your_baby_at_1_week/Accessed on 08/11/2019

Hiccups

https://www.nhs.uk/conditions/hiccups/ Accessed July 1, 2021

Hiccups in Children

https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=abk7510 Accessed July 1, 2021

What to Do When Your Baby Has the Hiccups https://health.clevelandclinic.org/heres-what-to-do-when-your-baby-has-the-hiccups/ Accessed July 1, 2021

 

Kasalukuyang Version

01/21/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera

Paano Tulungan ang Visually Impaired na Bata? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement