Kahalagahan ng pagbabahagi ng feelings
Karaniwang nang makakita ng isang batang nagta-tantrum dahil isang laruan o laro. Kalimitan, ang bata ay mabilis na pinatatahimik o pinagagalitan ng mga magulang. Gayunpaman, ang tinatawag na ‘masamang pag-uugali’ ay hindi laging problema sa pagdidisiplina. Ang mga bata ay may mga kumplikadong emosyon tulad ng mga matatanda. Subalit ang feelings ng bata ay kanilang hindi maipahayag nang mabuti sa pagsasalita. Ito ang dahilan ng pagsabog ng emosyon.
Sa matatanda, ang pagkikimkim ng mga emosyon ay hindi nakabubuti. Maaari itong humantong sa problema sa kalusugan pangkaisipan. Ang pagkilala at pagbabahagi ng mga emosyon ay mahalaga rin para sa mga bata. Ang mga batang may kakayahang kilalanin, kontrolin, at ipahayag ang kanilang feelings ay sinasabing may mataas na EQ.
Ang mga batang ito ay madalas na may mas malasakit, may positibong pananaw, at matatag kaysa sa mga kulang sa emosyonal na kakayahan. Dagdag pa, ang mga taong may mas mataas na EQ ay mas madaling makahanap ng kaibigan, nakabubuo ng mas matibay relasyon, at mas mahusay sa paaralan, at di magtatagal ay maging sa trabaho.
Paano ka makatutulong sa pagkilala at pagbabahagi ng feelings ng bata
Payo #1 – Obserbahan ang kanilang pag-uugali
Bagama’t ang mga miyembro ng pamilya ay nakatira sa iisang tahanan, may mga pagkakataong mararamdaman mong hindi mo sila kilala. Ilan lamang sa mga bagay na dahilan ng pagiging abala ng mga tao ay ang trabaho, pag-aaral, kaibigan, at gadgets. Dahil marami ang nangyayari, maaaring madaling hindi mapansin ang mga simpleng kilos at ang mga itinatagong emosyon.
Halimbawa, ang pananatili ng isang bata sa kaniyang kwarto nang mag-isa ay hindi alalahanin para sa iba. Subalit ang ganitong pag-uugali ay maaaring dahil sa stress, pagkabalisa, o maging sa traumatikong pangyayari. Kabilang rito ang pag-iwas, pagkagalit, at pagrerebelde.
Kung walang nagbabantay at sumusuporta sa kanila, maaaring makaramdam ang mga bata ng pagkaligaw o pagkadismaya. Kaya mahalagang maunawaan ng mga magulang ang normal na paraan ng pagbabahagi ng feelings ng bata upang matukoy kung mayroon bang mali.
Payo #2 – Tulungan sila sa kanilang nararamdaman
Tulad ng nabanggit kanina, ang feelings ng bata ay parehas ng sa mga nakatatanda. Subalit minsan hindi nila ito masabi nang wasto upang maibahagi. Kaya sa susunod na makita mong umiiyak ang iyong anak, huwag mo agad siyang patahanin.
Sa mga matatanda, ang pag-iyak ay madalas na may kaugnayan sa kalungkutan. Normal sa ating maglabas ng saloobin at magbahagi ng nararamdaman sa ating matalik na kaibigan o katuwang sa buhay. Ngunit ang pag-iyak ng bata ay hindi laging nangangahulugan ng kalungkutan. Minsan, ang dahilan nito ay pagkagutom, pagkaramdam ng sakit, pagkabigo, o pangangailangan ng atensyon.
Bahagi ng pagiging emotionally intelligent ay ang kakayahang makilala ang sariling damdamin at malaman ang dahilan nito. Para sa isang bata, ang pagkakaroon ng taong mapagkakatiwalaang sabihan ng kaniyang saloobin at emosyon ay nakapapawi ng stress. Sa pamamagitan din nito ay nakaaangkop siya nang mas mablis. Bilang magulang, ang paggabay sa iyong anak sa mga mahihirap na sitwasyon ay nakapagpapatibay ng inyong relasyon at tiwala. At ito ang dahilan upang mas madaling magkaroon ng isang masayang pamilya.
Payo #3 – Makinig, makinig, makinig
Ang pagpapalaki ng anak nang may layuning mapataas ang kanilang EQ ay hindi lamang tulad ng pagbibigay-pangaral sa kanila. Upang maunawaan ang saloobin at paraan ng pagbabahagi ng feelings ng bata, ang aktibong pakikinig ay kailangan.
Tingnan sila sa mata at maupo nang kapantay nila. Sa ganitong paraan ay malalaman nilang nakatuon ang iyong atensyon sa kanilang sasabihin at hindi sila makararamdam ng takot. Iwasan ang pagsasabi ng kung ano ang dapat nilang maramdaman tungkol sa isang partikular na pangyayari o tao, Sa halip, balikan at ulitin ang kanilang mga sinabi upang malaman nilang pinakikinggan mo sila
Ang kasanayang aktibong pakikinig ay mahalaga ring matutuhan ng iyong anak habang sila ay lumalaki. Nakatutulong din ito sa sa pagdebelop ng kanilang EQ.
Payo #4 – Maging mabuting halimbawa
At huli, maging mabuting halimbawa sa iyong anak. Maaari mong isiping namana ng iyong anak ang iyong mga pag-uugali, ngunit hindi ito tama. Karaniwang kung ano ang nakikita ng mga bata ay siya nilang ginagaya. Hindi sila nakatutugon nang mabuti sa mga kontradiksyon. Ang kasabihang, “Gawin mo ang aking sinabi, hindi ang aking ginawa” ay hindi angkop para sa kanila.
Ang mga magulang na hindi makapagpahayag nang mabuti ng kanilang damdamin ay nahihirapan sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na may kakayahang ibahagi ang kanilang emosyon. Negatibong nakaaapekto sa isang tao ang pagsigaw at ang mga mapaminsalang pag-uugali. Mahalagang magpakonsulta sa isang therapist kung ikaw ay matagal nang nahihirapan sa iyong mga saloobin at emosyon. Ikaw at ang iyong anak ay parehong makikinabang mula rito.
Matuto pa tungkol sa pagtulong sa iyong anak na madelop ang kanilang EQ dito.














