Ang pag-alam sa cognitive development sa preschool ay makatutulong sa mga magulang upang mas masuportahan at mas maalagaan ang kanilang mga anak.
Nakasasabik na panahon para sa mga bata ang preschool at kindergarten. Sa edad na 2 at kalahati hanggang 6 na taon, nagsisimula nang maging mas pabago-bago ang pakikipag-ugnayan ng mga bata sa kanilang kapaligiran.
Ito ay mas mapabubuti sa pamamagitan ng mga oportunidad na makihalubilo sa ibang mga batang kasing edad nila habang sila ay pumapasok sa paaralan.
Bagong Kapaligiran Ng Preschoolers
Sa yugtong ito, hinihikayat ng mga magulang at mga guro ang mga bata na maglaro. Sa pamamagitan nito, madedebelop ang maraming mahahalagang debelopmental na aspeto.
Dahil ang mga bata ay napaliligiran ng ibang mga bata at ibang mga tao, nadedebelop ang kanilang mga kasanayang pansosyal, pangwika, at pangkomunikasyon. Ito ay makikita sa kanilang interaksyong habang nakikipaglaro.
Sa pamamagitan ng interaksyon sa mga taong hindi nila kamag-anak, nadedebelop din ang iba pa nilang mga emosyon. Ito ay dahil hindi lahat ng taong nasa kanilang paligid ay laging aalamin at mag-aadjust sa kanilang nararamdaman sapagka’t napaliligiran sila ng ibang preschoolers.
Sa pagpasok sa bagong kapaligiran sa pamamagitan ng paaralan, madedebelop din sa mga bata ang kanilang kasanayang pisikal at motor. Mahalaga sa kanilang pisikal na pagdebelop ang paggalugad sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan noon. Ito ay dahil sa kanilang edad, ang paraan ng kanilang pagkatuto ay sa pamamagitan ng pisikal na interaksyon sa kanilang kapaligiran.
Lahat ng ito ay nakatutulong sa kognitibong pagdebelop ng preschoolers. Habang pisikal na lumalaki at tumatanda ang mga bata, mahalagang matiyak na ang kanilang isip at kasanayan ay umuunlad nang magkasabay.
Sa artikulong ito, alamin ang mga tiyak na kasanayan, gawain, senyales, at milestones para sa holistikong pagsusuri at repleksyon tungkol sa cognitive development sa preschool.
Cognitive Development Sa Preschool: Mga Natututunang Kasanayan
Tulad ng nabanggit kanina, ang mga bata sa edad na ito ay natututo sa pamamagitan ng masusing paggalugad at interaksyon sa kanilang kapaligiran. Sa pamamagitan ng interaksyong ito, natututo sila ng maraming mga kasanayan.
Spatial Na Relasyon
Ito ay kapansin-pansin kung hinahawakan ng mga bata ang mga bagay sa kanilang paligid o iginagalaw ang mga ito. Ito ay maaaring maging sanhi ng maraming gulo subalit ito ang kanilang paraan kung paano matutuhan ang mga bagay-bagay.
Pagtatanong, Pagbibigay-Solusyon Sa Problema
Ang mga bata sa edad na ito ay sobrang mausisa at nadedebelop ang kanilang kasanayan sa pagtatanong at pabibigay-solusyon sa problema. Ito ay nangangahulugang magsisimula silang magkaroon ng inisyatibong linawin ang kanilang pagkakaunawa sa pamamagitan ng pagtatanong at paglalahad ng kanilang saloobin kung nauunawaan ba nila o hindi ang mga bagay-bagay.
Madedebelop ang kasanayan sa pagbibigay-solusyon sa problema kung hihikayatin silang magtanong. Nangangahulugan itong mayroon silang inisyatibong mag-imbestiga, mag-eksperimento, at maging makihalubilo sa ibang mga bata upang matuklasan ang mga kasagutan sa halip na simpleng magtanong sa mga nakatatanda.
Pakikihalubilo At Pakikisama
Ang pakikihalubilo sa mga batang kasing edad nila ay nakatutulong sa kanila na madebelop ang marami nilang senses. Sa pamamagitan nito ay natututo ang mga bata kung paano manggaya (imitation). Gusto ng preschoolers ang gayahin ang kanilang mga kaibigan at magulang.
Memorya
Ang pangunahing kasanayang nadedebelop sa kognisyon ay ang memorya. Habang nagiging regular ang presensya ng mas maraming tao sa buhay ng mga bata, natututo silang alamin ang mga pagkakaiba-iba ng bawat tao. Gayundin sa mga bagay at lugar. Dagdag pa, natututuhan nila ang kanilang mga iskedyul at routines. Ito ay nagbibigay ng structure at routine.
Number Sense, Klasipikasyon, At Symbolic Play
- Ang number sense ay ang pag-unawa sa bilang o kung ilang mga bagay ang mayroon at ang kanilang relasyon o kung paano nakaayos ang mga ito.
- Ang klasipikasyon ay ang pagkatuto kung paano gamitin ang kanilang pang-unawa upang makilala ang pagkakaiba ng mga bagay, tulad ng pagbubukod-bukod o pagsasama-sama o pagkakategorya ng mga bagay.
- Symbolic play ay ang pag-uugnay ng isang bagay na may kaugnayan sa iba pang mga bagay. Ito ay kadalasang nakikita kapag ang mga bata ay naglalaro ng laruang home appliance na alam nilang gamitin sa bahay.
Paano Paunlarin Ang Cognitive Development Sa Preschool?
May mga tiyak na gawain at konseptong makatutulong sa pagdebelop ng mga kasanayang ito. Sa katunayan, maaaring ito ay maaaring magustuhang matutuhan ng iyong anak.
Narito ang ilang karaniwang gawain na magpapaunlad sa cognitive development sa preschool:
- Pagkatuto ng alpabeto o pagbigkas sa mga titik sa tuwing nakikita nila ang simbolismo ng mga ito. Makatutulong ito sa kanilang memorya at pagbigkas habang sila ay nakikipag-usap.
- Ang pagbibilang at pagkatuto sa mga kulay at hugis ay makatutulong sa maraming mga kasanayang pangkaisipan. Ngunit lalo na sa number sense para sa pagbibilang at klasipikasyon para sa mga kulay at hugis.
Cognitive Development Sa Preschool: Milestones At Mga Senyales
Ngayong alam mo na ang mga kasanayang kanilang nadebelop, narito ang ilang milestones na dapat asahan at ang mga senyales na kailangang bantayan para sa mga una, kalagitnaan, at huling taon ng preschool.
Paglalaro Ng Make-Believe
Sa mga unang taon ng preschool, asahan mong ang iyong anak ay magsisimulang maglaro ng make-believe. Maaari ding magsimula na silang pagsama-samahin ang 3 hanggang 4 na simpleng piraso ng puzzles. At gayundin, sa pamamagitan ng number sense ay makapagbibilang na sila nang hanggang sa tatlo.
Kasanayang Fine Motor: Pagsusulat At Paglilipat Ng Pahina
Kasama ng cognitive development sa preschool, asahang ang kanilang motor skills ay madedebelop din. Sa pamamagitan ng kanilang motor skills, makokopya nila ang mga sulat at mga bilog, maging ang paisa-isang paglilipat ng mga pahina.
Kasanayan Sa Pagbibilang
Sa mga kalagitnaang taon ng preschool, lubhang bubuti ang cognitive development sa preschool. Kabilang dito ay ang kanilang number sense. Nangangahulugan ito magiging mas madali para sa kanila ang matutong magbilang hanggang sampu o alamin ang oras.
Kasanayan Sa Pakikinig
Ang kanilang mga kasanayan sa komunikasyon at komprehensyon ay sapat ding nadedebelop upang sila ay makapagsabi at makapakinig ng mga kuwento. Sa yugtong ito, madedebelop din ang kanilang kasanayan sa klasipikasyon at memorya upang kanilang masabi ang mga magkapareho at magkaiba.
Cognitive Development Sa Preschool: Mga Senyales Ng Problema
- Kahirapan sa pagsusulat, paghawak, o paggamit ng mga panulat
- Kawalan ng interes sa pakikihalubilo
- Hindi gustong makipaglaro sa ibang mga bata
- Hindi masama ang mga magkakapareho at magkakaiba
- Kahirapan sa mga simpleng laruan, pagpapanggap, at pagsunod sa mga simpleng panuto sa edad na 3
Makatutulong ito sa iyo upang malaman kung gaano kaepektibo ang mga gawain para sa cognitive development sa preschool.
Sa huling mga taon ng preschool, ang kanilang number sense ay patuloy na madedebelop habang nagbibilang sila nang higit sa 10 at magsisimulang magsulat ng mga titik at numero. Sa pamamagitan ng kanilang motor skills, makokopya nila ang mga simpleng hugis tulad ng tatsulok. Maiguguhit na rin nila ang mga tao nang may features.
Mayroon na silang koneksyon sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pag-alam sa mga regular na bagay at sa kanilang iskedyul. Kung sa yugtong ito ay hindi pa nila natutukoy kung ano ang totoo at hindi, o kung hindi maaari pa bang maglaro o hindi na, maaaring naisin mong kumonsulta sa mga eksperto sa bata.
Key Takeaways
Ito ang panahon para sa isang bata na matutuhan ang kanilang mga kasanayang pantao at mga intelektwal na kasanayan.
Habang ang pag-unlad ay sinusubaybayan nang tama, ang mga panahong ito ay napakasaya at mahalaga para sa iyong anak.
Matuto pa tungkol sa Growth at Development ng Preschooler dito.