Maraming estudyante ngayon ang naka-enrol sa remote education na gumagamit ng teknolohiya at offline resources sa pag-aaral nang hindi pisikal na dumadalo sa klase. Ano ang remote learning advantages at disadvantages na dapat na alam ng mga magulang?
Ano Ang Remote Learning Advantages?
Ang pag-alam kung bakit maganda ang online learning ay nagbibigay sa mga magulang at bata ng pagkakataong samantalahin ito. Kung kasalukuyang nag-aaral ang iyong anak sa remote learning, pwede niyang samantalahin ang mga sumusunod:
Kaginhawahan At Kaligtasan
Ang kaginhawahan (convenience) at kaligtasan (safety) ay dalawa sa pinakamagandang advantages ng remote learning. Ang pag-aaral habang nasa loob ng bahay ay nangangahulugang limitado lamang ang pisikal na pakikisalamuha ng iyong anak sa ibang tao na nagpapababa nang lubos sa panganib na magkaroon ng mga sakit gaya ng COVID-19.
Dagdag pa, convenient ang remote education dahil:
Mas magkakaroon ng maraming oras ang mga magulang dahil hindi na nila kailangang maghanda ng baon, maglaba at magplantsa ng uniporme sa paaralan. Hindi na rin nila kailangang lumabas ng bahay upang ihatid at sunduin ang kanilang anak sa paaralan.
Karamihan sa mga dapat pag-aralan ng mga bata ay available na online o offline (gamit ang ibinibigay na modyul).
Nagsusulong Ng Disiplina Sa Sarili
Hindi makokompleto ang advantages at disadvantages ng remote learning nang hindi binabanggit ang disiplina sa sarili.
Para sa maraming eksperto, lubos na kapaki-pakinabang ang distance learning dahil isinusulong nito ang disiplina sa sarili. Kung makikita mo, kung walang mga gurong pisikal na nagbabantay sa kanila, nasa mga bata na kung gagawin at tatapusin nila ang mga nakaatang na gawain.
Maraming mga tao ang naniniwalang nakatutulong ang online learning upang mapamahalaan ng mga bata ang kanilang oras at matutong magtakda ng mga priyoridad.
Tips:
Tulungan ang inyong anak na gumawa ng iskedyul at hati-hatiin ang kanilang goals sa mas madaling task sa loob ng isang araw o linggo. Sa ganitong paraan, maituturo mo sa kanila ang disiplina sa pamamagitan ng pagsunod sa plano, at magkakaroon sila ng sense of achievement dahil sa mga natapos nilang gawain.
Flexibility Sa Pagkatuto
Sa paaralan, madalas na kailangang manatiling nakaupo ang mga bata sa loob ng ilang oras habang may klase. Sa remote education, pwede silang mamili kung paano matututo.
Halimbawa, kung mas natututo ang iyong anak sa pagbabasa nang malakas, malaya silang gawin ito. Kung nakatutulong ang pakikinig nila sa soft music upang maunawaan nang mas mabuti ang aralin, pwede mo silang hikayating mag-aral sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng mga musikang masarap pakinggan.
Ang bottomline, sa bahay, pwedeng maging flexible ang iyong anak sa paghahanap ng mga paraan kung paano matututo ng mga aralin.
Tips:
Isulong ang flexibility sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong preschooler na makahanap ng mga paraan na pwede silang matuto nang epektibo. Halimbawa, mas magiging masaya ba silang mag-experiment nang totoo o sapat na ang panonood ng videos?
Ano Ang Remote Learning Disadvantages?
Ngayong napag-usapan na natin ang tungkol sa advantages ng remote learning, ipaliwanag naman natin ang disadvantages.
Limitasyon o Pag-Abuso Sa Teknolohiya
Ang unang disadvantage ng remote learning ay ang posibleng mga limitasyon sa teknolohiya. Sa ngayon, hindi lahat ng mag-aaral ay may laptop para sa distance learning. Bukod dyan, problema rin para sa maraming pamilya ang pambayad sa internet connection.
Isa pang pwedeng disadvantage ang sobrang paggamit ng gadgets. Dahil sa online learning, maaaring mabawasan ang physical activity ng iyong anak at masobrahan sa screen time.
Tips:
Ang pagsunod sa iskedyul at pagkakaroon ng madalas na breaks sa paggamit ng gadget ay nakatutulong upang mabawasan ang screen time ng mga bata. Palaging sundin ang guidelines para sa inirerekomendang screen time sa mga preschooler.
Sense of Isolation
Isa pa sa pangunahing disadvantage ng distance learning ay nagdudulot ito kahit papaano ng sense of isolation. Kung mapapansin mo, bagaman nakikita pa rin ng iyong anak ang kanyang mga kaibigan online, iba pa rin kung pisikal silang nagkakausap at nakapaglalaro.
Tips:
Dahil hindi pa rin pwedeng pisikal na makipagkita ang iyong anak sa kanyang mga kaibigan, pwede mo silang payagang makipagkita sa kanilang mga kaibigan online. Makipag-usap sa iba pang magulang at magplano ng online social gathering para sa mga bata nang madalas.
Kakulangan sa School-Life Balance
At ang huli sa ating talakayan tungkol sa remote learning advantages at disadvantages ang school-life balance.
Tulad rin sa mga matatanda na nakararanas ng kakulangan sa pagbabalanse ng buhay at trabaho habang nagtatrabaho sa bahay, ganun din ang mga bata. Dahil nasa kanila ang lahat ng kanilang resources 24/7, maaaring matuksong mag-aral ang iyong anak kailanman nila gustuhin. Dito nawawala ang linya sa pagitan ng buhay sa bahay at buhay estudyante.
Tips:
Paalalahanan ang iyong anak na dapat pa rin niyang sundin ang iskedyul na ginawa ninyong magkasama. Bukod pa dyan, isulat ang kanilang mga ginagawa na labas sa kanilang pag-aaral. Nakapaglalaan pa rin ba sila ng oras na gawin ang kanilang kinahihiligang gawin?
Makatutulong din ang paglalaan ng Sabado at Linggo bilang mga araw ng pahinga.
Matuto pa tungkol sa Growth at Development ng Toddler at Preschooler dito.