Mula sa kapanganakan hanggang sa pagkabata, ang iyong baby ay magkakaroon ng maraming milestones. At sa pag-aaral maglakad at gumapang at abutin ang mga bagay sa paligid ng bahay. Ginagawa ng mga magulang ang kanilang makakaya para maging ligtas ang kanilang mga sanggol, lalo na sa bahay kung saan ginugugol nila ang karamihan ng kanilang oras. Narito ang checklist ng babyproofing ng bahay para matulungan kang panatilihing ligtas ang iyong tahanan.
Mga Hazard Zone
Bago ang babyproofing ng bahay checklist, tingnan muna natin ang mga posibleng delikadong lugar sa paligid ng bahay. Sa gayon, makakatipid ka ng oras at pagod. Tingnan din ang iba pang mga silid kung saan maaaring gumala ang iyong anak. Ito ay kung sakaling mabuksan nila ang mga pinto na sinadya mong i-lock.
Mga Lugar sa Paligid ng Bahay na Dapat Safe Para sa Bata:
- Bedroom
- Bathroom
- Garage
- Kusina at dining area
- Living room
- Window areas
- Malapit sa hagdanan
Ang pagtukoy sa mga lugar ng posibleng aksidente ay para sa iyo na pigilan ang mga ito na mangyari sa umpisa pa lang
Nakakatulong din ito kung mayroon kang first aid kit sa bahay para sa medical emergencies at bawasan ang dagdag na risks.
Mga Posibleng Panganib sa Paligid ng Bahay
- Mga paso mula sa open fires at init
- Electrocution dulot ng mga saksakan at mga de-koryenteng appliances
- Suffocation na dulot ng mga lubid at plastic bag
- Pagkahulog dahil sa hindi nakakabit na mga kasangkapan at hagdan
- Pagkalason sa mga toxic na sangkap
- Pagkalunod sa mga bathtub at swimming pool
- Choking sa maliliit na bagay at hindi ligtas na kondisyon sa pagtulog
Mag-Babyproofing ng Bahay na Nasa Budget
Ang lahat ng maliliit na proyekto sa checklist ng iyong babyproofing ng bahay ay hindi kailangan ng malaking pera. Ang iyong anak sa kalaunan ay lalaki at magiging mas maingat habang sila ay nasa hustong gulang, kaya, sa ngayon, maaari kang tumuon sa mga pangunahing pagbabago sa bahay.
Mag-invest sa mga home improvement na kasama na ang safety ng iyong anak para sa ilang taon ( halimbawa, baby gates). Mag-rely din sa mas matipid at praktical na mga solusyon.
Narito ang ilang mga tips:
- Sa halip na isang mamahaling safety lock, maaari kang gumamit ng mga rubber band o fitted hangers para “i-lock’ ang mga cabinet knobs.
- Itago ang mga de-koryenteng kasangkapan na hindi mo madalas gamitin at tanggalin ang mga ito sa saksakan pagkatapos ng bawat paggamit.
- Panatilihin ang mga mat at medyas na hindi madulas sa pamamagitan ng pagdikit ng hot glue sa mga ito sa sahig. Ginagawa nitong non-slip mat ang mga tela.
- Gawing child-proof ang iyong mga doorknob sa pamamagitan ng paglalagay ng mga medyas sa mga ito at pag-secure ng mga ito gamit ang rubber band. Ginagawa nitong mas mahirap para sa mga bata na buksan ang mga pinto.
- Takpan ang mga saksakan ng kuryente gamit ang washi tape upang maitago ang mga butas. Ito ay isang mahusay at praktikal na solusyon dahil hindi ito nag-iiwan ng adhesive residue at maaari mo itong muling gamitin. Importante ito sa babyproofing ng bahay.
- Gumamit ng pool noodle o pipe insulation upang takpan ang mga matutulis na sulok at mga glass table.
- Gumamit ng mga nakakandadong lalagyan o mga kahon upang hindi maabot ng mga bata ang mga nakakalason na sangkap.
- Alisin ang anumang nakakalason na halaman sa paligid ng bahay, o sa hindi maabot ng bata.
- Gumamit ng lumang tela o plastic mesh netting para sa baby-proof na hagdanan.
- Alisin ang mga nakasabit na bagay sa mga dingding upang hindi ito mahulog sa iyong anak.
- Itago ang mga item gaya ng mga extension cord at charger gamit ang mga lumang kahon ng sapatos na pininturahan ng parehong kulay upang hindi gaanong makita ang mga ito.
- Ilipat malapit sa dingding o cabinet ang mga unstable na gamit tulad ng lampshade at rack. Ito ay para maiwasang matumba ang mga ito. Maaari ding itali ang mga ito o gamitan ng zip-ties.
Key Takeaways
Ang muling paggamit ng mga materyales para sa DIY sa bahay ay hindi lang bawas gastos. Ito aay tulong din sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-iwas sa mas maraming basura. Ang mahalaga rin ay ang pagplano kung ano ang kailangang laging ligtas para sa sanggol at kung ano ang mga posibleng aksidente na maaaring mangyari.