backup og meta

Tamang Pagpapalaki Ng Magulang Sa Anak: Paano Mo Malalaman Kung Tama Ang Ginagawa Mo?

Tamang Pagpapalaki Ng Magulang Sa Anak: Paano Mo Malalaman Kung Tama Ang Ginagawa Mo?

Masaya ang pagiging magulang dahil nakikita mo ang patuloy na paglaki ng iyong anak. Ngunit, kalaunan, sa kagustuhan mong maprotektahan siya, hindi maiiwasan maging strikto ka sa ilang mga kondisyon at mga bagay. Dahil dito, maaaring mapatanong ka sa iyong sarili kung makabubuti ba ang iyong ginagawa para sa iyong anak. Paano mo masisigurong nagagawa mo ang tamang pagpapalaki ng magulang sa anak? Ibabahagi ng artikulong ito ang ilang mga palatandaan na makapagsasabi sa iyong ikaw ay nasa tamang landas. 

Pag-Unawa Sa Tamang Pagpapalaki Ng Magulang Sa Anak

Hindi matatawaran ang pagmamahal at pagsisikap na inihahandog ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Bago pa man sila maipanganak sa mundong ibabaw, pinaghahandaan na ang kanilang pagdating. Mula sa mga gagamitin sa ospital, breastfeeding, hanggang sa patuloy na pag-aalaga sa bahay at pagturo ng iba’t ibang bagay. Ginagawa ng mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyan ng pinakamahusay na pag-aalaga at lumaki nang matiwasay ang mga anak. 

Gayunpaman, may mga pagkakataon din na, bilang magulang, hindi mo sigurado kung ang iyong mga gawi ba ay makokonsiderang tamang pagpapalaki ng magulang sa anak. Mapapaisip ka kung epektibo ba ang mga pamamaraan na nakikita mo sa ibang mga magulang at dapat gumaya na lamang sa kanila. Makatutulong isipin na walang isang wasto at angkop na pamamaraan ng pagpapalaki. Sa halip, ito ay serye ng mga bagay na kailangan mong patuloy na unawain at hasain habang sila ay lumalaki.

Paano Ang Tamang Pagpapalaki Ng Magulang Sa Anak? Heto Ang Mga Palatandaan Na Tama Ang Ginagawa Mo

Kung minsan, hindi naman talaga maiiwasan na mabagabag kung nagagawa mo nang tama ang iyong tungkulin bilang magulang. Kung ikaw ay nangangamba dahil dito, makatutulong kung titignan ang mga sumusunod na mga palatandaan bilang gabay o checklist para sa iyo para sa tamang pagpapalaki ng magulang sa anak.

Hinahayaan Mo Siyang Matuto Mag-Isa (At Magkamali Paminsan-Minsan)

Habang lumalaki ang iyong anak, lumalawak ang kanyang mundo at mas lalong napapaigting ang kanyang kuryusidad sa mga bagay-bagay. Bilang magulang, maaari kang maging overprotective sa iyong anak, ngunit mahalaga rin na hayaan siyang matuto mag-isa at, kung minsan, magkamali. 

Hindi ba kung hindi mo siya binitawan at hinayaan tumayo sa kanyang sariling mga paa, hindi mo malalaman na marunong na siyang maglakad? Gayundin sa realidad. Maaaring tumagal ang proseso dahil sa ilang mga pagkakatumba at pagkakadapa, ngunit ito ang makatutulong sa kanya upang harapin ang mga pagsubok sa buhay. 

Bahagi ng kanilang tagumpay ang ilang mga pagkakamali. Kung hindi mo siya hahayaang matuto (at magkamali), hindi nila kailanman mabubuo ang determinasyon na kailangan upang makabangon pagkatapos ng isang pagsubok. Sa halip na bantayan ang bawat kilos niya bawat minuto, mainam kung palalakasin ang kanyang tiwala sa sarili na kanya niyang gawin ang anumang bagay na kanyang nanaisin. 

Makatutulong ang pagkilala sa kanilang mga nagawa, gaano man ito kaliit. Higit pa sa kanyang lakas ng loob, mararamdaman din niyang may tiwala ka sa kanyang lakas at kakayahan. Sa kabaligtaran, makararamdam ang bata ng pagsasawalang-halaga kung makakarinig siya ng mga nakakaliit na komento ay kung ikukumpara mo siya sa ibang bata.

Nagtatakda Ka Ng Ilang Mga Kondisyon At Limitasyon Upang Madisiplina Ang Iyong Anak 

Madalas na napag-uusapan ang pagdidisiplina kapag ang diskusyon ay tungkol sa tamang pagpapalaki ng magulang sa anak. Ito ay marahil importante ang disiplina sa bawat tahanan. Ito ang nagtuturo sa bata ng self-control at angkop na pag-uugali na kailangan nila sa paglaki. 

Tama ang iyong pagpapalaki kung ikaw ay nagtatakda ng mga alituntunin sa bahay, tulad ng hindi pagnood ng TV habang hindi pa tapos ang takdang aralin. Gayundin, nararapat kang maging role model sa iyong anak at sundin din ang mga naturang mga alituntunin. Kung kaya, dapat masunod ang mga kondisyon kung hindi natupad ang mga napag-usapan.

Naglalaan Ka Ng Oras Upang Makinig At Makasama Ang Iyong Anak

Panghuli sa gabay sa tamang pagpapalaki ng magulang sa anak ay ang paglalaan ng oras kasama ang iyong anak. Ang pagsasama at pakikinig sa kanyang mga hinaing at kwento ay makatutulong upang mas mapaigting ang inyong relasyon. 

Kaugnay sa mga nabanggit, kailangan din maramdaman niyang mayroon siya ng mga sumusunod upang maging matagumpay sa buhay:

  • Seguridad
  • Katatagan 
  • Edukasyon 
  • Pagmamahal
  • Emotional na suporta

Key Takeaways

Ang katotohanan, wala namang one-size-fits-all na paraan sa tamang pagpapalaki ng magulang sa anak. May ilang mga pamamaraan na maaaring maging mabisa sa iyong anak at maaari ring hindi. Ang mahalaga ay patuloy mong pinagsusumikapang ibigay sa kanya ang kanyang mga pangangailangan, tulad ng pagmamahal at emotional na suporta, upang lumaki nang maayos. 

Alamin ang iba pa sa Pagiging Magulang dito

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

7 Tips for Raising Caring Kids, https://mcc.gse.harvard.edu/resources-for-families/7-tips-raising-caring-kids Accessed July 12, 2022

Top 10 parenting mistakes you should avoid, https://www.orchidsinternationalschool.com/blog/parents-corner/10-parenting-mistakes-you-should-avoid-orchids-international-schools/ Accessed July 12, 2022

A therapist shares the 7 biggest parenting mistakes that destroy kids’ mental strength, https://www.cnbc.com/2020/05/25/biggest-parenting-mistake-destroys-kids-mental-strength-says-therapist.html Accessed July 12, 2022

Nine Steps to More Effective Parenting, https://kidshealth.org/en/parents/nine-steps.html  Accessed July 12, 2022

What Every Child Needs, https://www.childrenscolorado.org/conditions-and-advice/parenting/parenting-articles/what-children-need/ Accessed July 12, 2022

Kasalukuyang Version

10/17/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Parenting Styles Sa Pilipinas: Alin Sa Mga Ito Ang Gamit Mo?

Stress Ng Magulang, Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement