backup og meta

Mommy At Daddy May Money Anxiety Ka Na Ba? Alamin Mo Dito!

Mommy At Daddy May Money Anxiety Ka Na Ba? Alamin Mo Dito!

Alam mo ba na delekado ang pagkabalisa sa pera? Kaya naman alamin sa article na ito ang mga senyales ng money anxiety upang maiwasan ito.

morning headache

Managing finances can be a challenge for anyone, lalo sa mga magulang na may mga binubuhay na anak. Sa napakaraming gastusin at bills, mula sa tubig, kuryente, internet, pagkain hanggang sa pag-aalaga ng bata at pagpapaaral, hindi kataka-taka na ang mga magulang ay madalas na nahihirapan. In fact, sa kabila ng kanilang pagsisikap na magbadyet at magtipid, maraming unexpected gastos at bills ang lumitaw, na nagiging dahilan ng kanilang pagkapagod at pagkabalisa.

Kadalasan din ang mga magulang na nahihirapan sa pananalapi ay nagkakaroon ng “money anxiety”, na sanhi ng takot na hindi nila kayang tustusan ang kanilang mga anak. Ito ay maaaring humantong sa mga negatibong epekto tulad ng kahirapan sa pagtulog, hindi magandang relasyon sa anak o asawa, at pagkakaroon ng mga problema sa pisikal na kalusugan. 

Ayon din sa mga psychologist ang patuloy na pagkakaroon ng money anxiety ay maaari ring maging dahilan ng distraction sa pag-enjoy ng mga magulang sa quality time kasama anak, na humahantong sa isang pakiramdam ng pagkakasala at panghihinayang. 

To avoid the negative effects of money anxiety, alamin natin ang kahulugan nito at ang mga senyales na nagtataglay na ang isang tao ng pagkabalisa sa pera.

Money anxiety

Ang money anxiety, na kilala rin bilang “financial anxiety”, ay isang pakiramdam ng pag-aalala, takot, o stress na nauugnay sa personal na sitwasyon sa pananalapi ng isang tao. 

Maaari itong magmula sa iba’t ibang dahilan tulad ng utang, pagkawala ng trabaho, o kawalan ng kakayahan na maabot ang mga layunin sa pananalapi. Ang mga taong nakakaranas ng pagkabalisa sa pera ay maaaring nahihirapan sa pagtulog, pag-concentrate, o paggawa ng mga desisyon. Pwede rin silang makaramdam ng kahihiyan tungkol sa kanilang sitwasyon sa pananalapi.

Sa kabuuan, ang pagkabalisa sa pera ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pangkalahatang kagalingan at kalidad ng buhay ng isang indibidwal.

Senyales ng money anxiety

Narito ang ilang mga senyales ng money anxiety na dapat mong malaman:

  1. Patuloy na nag-aalala tungkol sa pera

Kung makikita mo ang iyong sarili na patuloy na iniisip ang iyong sitwasyon sa pananalapi at nag-aalala tungkol sa kung paano mo babayaran ang iyong mga bayarin o gastos, maaaring ito ay isang senyales ng money anxiety. 

  1. Pakiramdam na nalulula ka sa mga desisyon sa pananalapi

Kapag nahihirapan ka pagdating sa paggawa ng mga desisyon sa pananalapi, tulad kung mamumuhunan ka ba sa isang partikular na negosyo, o kung ano ang unang babayaran na bills, at utang, maaari itong magpahiwatig ng pagkabalisa sa pera.

  1. Pag-iwas sa mga pag-uusap tungkol sa pananalapi

Kung iniiwasan mo ang talakayan tungkol sa financial matters sa mga miyembro ng pamilya, kaibigan, o financial professionals, maaaring ito ay isang senyales ng money anxiety.

  1. Pakiramdam ng pagkakasala tungkol sa paggastos ng pera 

Kapag nakakaramdam ka ng pagkakasala o pagkabalisa tungkol sa paggastos ng pera sa mga hindi mahahalagang bagay, kahit na kaya mo ang mga ito, maaaring ito ay isang senyales ng pagkabalisa sa pera. 

  1. Nakakaranas ng mga pisikal na sintomas

Ang pagkabalisa sa pera ay maaari ring magpakita sa mga pisikal na sintomas tulad ng pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan, at kahirapan sa pagtulog. Kung nararanasan mo ang alinman sa mga senyales na ito, maaaring makatulong na humingi ng suporta mula sa isang financial advisor, therapist, o iba pang propesyonal na makakatulong sa iyong pamahalaan ang iyong pagkabalisa sa pera.

Payo ng mga doktor para maiwasan ang mga senyales ng money anxiety

Money anxiety is the feeling of stress, worry, or fear related to financial issues — at para maiwasan ang mga palatandaan ng pagkabalisa sa pera, maaari mong gawin ang mga sumusunod na hakbang: 

  1. Gumawa ng badyet

Tinutulungan ka ng badyet na subaybayan ang iyong kita at mga gastos, at planuhin ang iyong paggasta. Makakatulong ito sa iyo na maiwasan ang sobrang paggastos at mabawasan ang stress sa pananalapi. 

  1. Bumuo ng emergency fund

Ang pagkakaroon ng emergency fund ay maaaring magbigay ng safety net kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang gastos o pagkawala ng kita. 

  1. Iwasan ang utang

Ang mataas na antas ng utang ay maaaring humantong sa financial stress at pagkabalisa. Subukang iwasan ang pagkuha nang hindi kinakailangang utang at tumuon sa pagbabayad ng mga umiiral na utang. 

  1. Humingi ng payo

Kung ikaw ay nahihirapan sa mga isyu sa pananalapi, humingi ng payo mula sa isang propesyonal sa pananalapi o pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya. Maaari silang magbigay ng gabay at suporta.

  1. Magsanay ng self-care 

Ang pag-aalaga sa iyong pisikal at mental na kalusugan ay makakatulong sa iyo na pamahalaan ang stress at pagkabalisa na may kaugnayan sa mga isyu sa pananalapi. Maaaring kabilang dito ang ehersisyo, pagmumuni-muni, at paggugol ng oras sa mga mahal sa buhay.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Coping with Financial Stress, https://www.helpguide.org/articles/stress/coping-with-financial-stress.htm Accessed June 15, 2023

Coping with financial worries, https://www.nhs.uk/mental-health/advice-for-life-situations-and-events/how-to-cope-with-financial-worries/ Accessed June 15, 2023

Dealing with financial anxiety, https://edu.gcfglobal.org/en/moneybasics/dealing-with-financial-anxiety/1/ Accessed June 15, 2023

Dealing with Financial Anxiety: How to Decrease Stress Around Money, https://www.1stunitedcu.org/more-for-you/financial-wellness/dealing-with-financial-anxiety–how-to-decrease-stress-around-money Accessed June 15, 2023

Money Anxiety: Symptoms, Causes, & Treatments, https://www.choosingtherapy.com/money-anxiety/ Accessed June 15, 2023

Kasalukuyang Version

07/01/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement