backup og meta

Pagpapalaki Ng Bata, Anu-ano Ang Dapat Mong Malaman? Alamin Dito!

Pagpapalaki Ng Bata, Anu-ano Ang Dapat Mong Malaman? Alamin Dito!

Maaaring maging exciting at nakakatakot ang pagpapalaki ng bata,  lalo na sa panahong papasok na sa paaralan ang anak. Kung saan, ito ang isa sa mga yugtong kapana-panabik sa paglaki at pag-unlad ng isang indibidwal. Sa panahong din na ito, madalas napupuno ng lakas ang mga bata, para tuklasin ang kanilang mga interes at makakilala ng mga bagong kaibigan. 

Dagdag pa rito, pwede ring tumulong ang magulang sa anak. Sa pamamagitan ng pag-unawa ng mga magulang sa pisikal, mental, panlipunan at emosyonal na kapasidad, para gawin ng mga bata ang kanilang buong makakaya sa isang partikular na bagay. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa pagpapalaki ng school-age children.

Key Milestones 

Kapag naabot na nila ang school-age, pwede mong asahan na mas magiging pino ang mga galaw ng iyong anak — at magiging mas mabilis ang pagiging independent nila. Nasa ibaba ang mga pangunahing milestone na dapat bantayang mabuti:

Pagpapalaki ng bata: Pisikal

Kapag nagpapalaki ka ng school-age na bata, tandaan na sila’y:

  • Tumaba at lumaki nang tuluy-tuloy (8 sentimetro o 3 pulgada bawat taon)
  • Maaaring magsimulang magkaroon ng permanenteng ngipin.
  • Pwedeng hindi masyado o mas makapagsulat ng kanilang pangalan nang mas malinaw at makapagkulay sa loob ng linya.
  • Nagagawa na nilang magbihis mag-isa at nakikita ng mga bata na medyo madali nang mag-zipper at magbutones.
  • Nagkakaroon ng higit na koordinasyon at balanse ng kalamnan; pwedeng marunong na silang lumangoy, skating, atbp.
  • Maaaring makasakay ng bisikleta nang walang training wheels.
  • Mahusay na silang gumamit ng gunting; pwede na nilang magupit ang buhok sa mas kumplikadong mga hugis.
  • Nagkakaroon na sila ng mas mahusay na eye-hand coordination.

Pagpapalaki ng bata: Cognitive

Sa ilalim naman ng cognitive o mental development grade-schoolers, narito ang mga sumusunod:

  • Nagsisimula na silang matuto ng maraming salita at mas mahusay na napagsasama ang mga ito sa pangungusap.
  • Marunong na silang mangatuwiran at makipagtalo – kahit na sinisiyasat ka sa pamamagitan ng pagtatanong kung bakit at paano.
  • Nauunawaan na nila ang pagkakategorya (mga bagay na kinakain natin, nilalaro, binabasa…)
  • Pwedeng maging mas behaved na sila sa pagkilos: maaari silang umupo kapag inutusan, sundin ang mga direksyon, at gumawa ng mga simpleng gawain nang nakapag-iisa.
  • Nagkakaroon ng mas mahabang attention span.
  • Nagiging masiyahan sa pagbabasa ng libro nang mag-isa.
  • Nauunawaan na ang mga konsepto tulad ng pera, espasyo, fraction, atbp.
  • Maaaring kumuha na sila ng maraming responsibilidad

Pagpapalaki ng bata: Socioemotional

Kapag nagpapalaki ng batang nasa school-age, tandaan na sila’y:

  • Kaya ng magbahagi at magtrabaho nang mas mahusay sa kasama ang teammates.
  • Nagiging mas mahusay sa pag-unawa sa kanilang mga damdamin at paggamit ng mga salita para ipahayag ang kanilang nararamdaman.
  • Maaaring magpakita ng empatiya at aliwin ang iba kapag nalulungkot sila.
  • Pwedeng magpakita ng pagseselos sa mga kapatid
  • Pagkakaroon ng ideya na may consequences ang kanilang mga aksyon.
  • Nagsisimulang magpakita ng sense of humor.
  • Nagpapakita ng competitive spirit at interes sa mga club o sports.

Pagpapalaki ng bata: Mga Pangangailangan sa Nutrisyon

Nangangahulugang haharapin mo ang mga bata na patuloy na lumalaki at tumataba habang nagpapalaki ka ng mga batang nasa school-age. Batay sa mga milestone na tinalakay sa itaas, mauunawaan mo na kailangan nila ng maraming enerhiya para maharap ang kanilang mga araw at iba pang panahon na paparating.

Sa madaling sabi, dapat na maging priyoridad ang kanilang nutrisyon upang matulungan ang iyong grade-schooler na magkaroon ng malusog at balanseng diyeta. Narito rin ang mga dapat mong isaalang-alang na mga sumusunod na tip:

  • Tiyaking kumakain sila ng mga pagkain mula sa lahat ng pangkat ng pagkain: prutas at gulay, grains, protein foods, at dairy. Mangyaring isama din ang masustansyang taba–sa pamamagitan ng paggamit ng healthy cooking oils, pagbibigay sa kanila ng mga mani at buto, o mga prutas gaya ng  avocado.
  • Palaging ihain sa kanila ang almusal, kahit na “on-the-go” ang type na ito.
  • Bigyan sila ng masustansyang meryenda, tulad ng mga prutas, yogurt, chicken sandwich, o mga cereal na may gatas.
  • Anyayahan ang iyong anak na makibahagi sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain.
  • Panghuli, maging huwaran sa pagtatakda ng mabubuting habits.

Mga Tip sa Positibong Parenting Tips

Para makatulong sa pagpapalaki at pag-unlad ng iyong anak, tandaan ang mga sumusunod na positibong tip sa pagiging magulang, partikular sa pagpapalaki ng mga batang nasa school-age:

Panatilihing bukas ang inyong komunikasyon

Pwedeng nakakakuha ng kalayaan ang iyong anak, subalit kailangan pa rin nila ng maraming patnubay. Kausapin sila araw-araw – tungkol sa kanilang paaralan, mga kaibigan, at mga aktibidad.

Hikayatin ang sense of responsibility

Nasasangkot sa pagpapalaki ng batang nasa school-age ang pagbibigay sa kanila ng higit pang mga responsibilidad, batay sa antas ng pag laki ng mga bata. Magtalaga sa kanila ng mga simpleng gawain, gaya ng pag-aayos ng mesa, paglilinis ng kanilang silid, at pag-aayos ng kanilang mesa, at pagtatapon ng basura.

Magpakita ng pagmamahal

Maaring mukhang malaki na paminsan-minsan ang grade-schooler, ngunit hindi dapat na pigilan ang sarili sa pagpapakita ng pagmamahal. Gumawa ng mga masasayang bagay nang magkasama bilang isang pamilya, magbasa pa rin sa kanila, at makisali sa kanilang mga gawain sa paaralan.

Dagdag pa rito, huwag kalimutang purihin sila para sa mabuting pag-uugali. Gayunpaman, mas tumuon sa mga bagay na pinaghirapan nila (“nagawa mo nang maganda ang iyong assignment ngayon”) kaysa sa isang bagay na hindi nila mababago (“napakaganda ng iyong mga mata”).

Suportahan sila sa kanilang mga interes

Kung nagpapakita sila ng interes sa sports, activities, o organisasyon, bilang magulang, bigyan ang bata ng suporta. Makinig sa kanila at i-alok ang iyong suggestions kapag sumusubok sila ng bago.

Tulungan silang magkaroon ng pasensya

Maaaring nakikita silang palaging on-the-go, ngunit paalalahanan sila na mahalaga ang pasensya. Tulungan silang maging matiyaga sa pamamagitan ng pagpayag sa iba na mauna sa kanilang pagkakataon — o pagsigurado na matatapos nila ang isang gawain bago magpatuloy sa susunod na aktibidad.

Magtakda ng mga limitasyon at manatili sa kanila

Huwag kalimutang magtakda ng ilang mga patakaran. Napakahalaga para sa mga bata ng consistency. Kung sasabihin mong pwede lang silang magkaroon ng isang oras ng screen time sa isang araw, siguraduhing sundin ito.

Tingnan ang learning difficulties

Sa wakas, sa sandaling pumasok ang iyong anak sa paaralan, tignan ang mga palatandaan na pwedeng maranasan — at maging ilang mga isyu sa pag-unlad o kahirapan sa pag-aaral. Halimbawa, ang paghahalo ng mga tunog sa mga salita (‘cumberber’ sa halip na pipino). Maaaring isang senyales na ito ng dyslexia. Habang ang batang hindi makapagpakilala ng kanilang sarili sa harap ng mga kaklase ay pwedeng nagpapahiwatig ng social communication disorder.

Para makasigurado, dalhin sila sa kanilang doktor kung nag-aalala ka tungkol sa kanilang pag-aaral at pag-unlad.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

School Age Child
https://www.aboutkidshealth.ca/yourschoolagechild
Accessed February 1, 2021

The Growing Child: School-Age (6 to 12 Years)
https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=the-growing-child-school-age-6-to-12-years-90-P02278
Accessed February 1, 2021

Nutrition: School-Age
https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=school-aged-child-nutrition–90-P02280
Accessed February 1, 2021

Parenting School-Age Children
https://www.healthychildren.org/English/family-life/family-dynamics/Pages/Parenting-School-Age-Children.aspx
Accessed February 1, 2021

Nutrition: School-Age
https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=school-aged-child-nutrition–90-P02280
Accessed February 1, 2021

Middle Childhood (6-8 years of age)
https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/middle.html
Accessed February 1, 2021

Kasalukuyang Version

07/02/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dysgraphia? Paano Ito Nakaapekto Sa Pag-Aaral Ng Bata?

Nahihirapan Ba ang Iyong Anak sa Math? Alamin Kung Ano ang Dyscalculia Dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement