backup og meta

Screen Time Para sa Bata: Gaano ba Dapat Karami ang Screen Time Nila?

Screen Time Para sa Bata: Gaano ba Dapat Karami ang Screen Time Nila?

Sa digital age na panahon ngayon, ibang-iba na ang mga bagay sa nakalipas na mga taon. Noon, bibigyan ng mga laruan ng mga magulang ang kanilang mga anak, o pagkain para huminto sa pag-iyak. Ngayon, ang ilang mga devices ang susi para matigil ang kanilang pagmamaktol. Maliban sa paggamit ng mga ito bilang panlibang, nakatutulong ang gadgets upang matuto ngayong distance learning set-up. Syempre, lahat ng digital ay convenient at accessible. Ngunit, nakapagpapalabo ito ng hangganan kung kailan hihinto sa paggamit ng device kahit na sa mga bata. Paano natin magagawan ng paraan ang paglilimita ng hindi kinakailangan na paggamit ng gadget? Basahin upang malaman ang tungkol sa pagma-manage ng screen time para sa bata.

Paano Naaapektuhan ang mga Bata ng Mahabang Screen?

Ang labis na screen time sa mga bata ay nakaaapekto hindi lang sa kanilang mga mata ngunit maging sa kabuuang pagkatao. Ibinunyag ng American Academy of Pediatrics na ang henerasyon ng mga bata sa kasalukuyan ay naglalaan ng nasa 7 oras kada araw ng screen time, higit sa ⅓ na oras sa isang buong araw. Maaari itong magresulta sa hindi consistent na pagtulog, problema sa pag-uugali at atensyon, maging obesity.

Hindi consistent na pagtulog

Mas mahabang screen time para sa bata, mas mahihirapan siyang makatulog o manatili sa regular na sleep routine. Kung ang bata ay nanonood ng telebisyon bago matulog, mahihirapan siyang makatulog.

Problema sa Pag-uugali at Atensyon

Ang labis na paggamit ng media ay magreresulta sa problema sa akademiko, konsentrasyon, hyperactivity, at maging ang mood at problema sa pag-uugali.

Obesity

Ang mga bata na nakatutok sa screen sa mahabang panahon ay mas less active at maaaring humantong bilang couch potatoes. Kadalasan, kakain sila ng mga pagkain na maraming fat at sugar habang abalang nanonood at nag-eenjoy.

Dahil dito, ang American Academy of Pediatrics ay naglabas ng guidelines para sa inirekomendang screen time para sa bata.

  • Mas bata sa 18 buwan: Kailangan na ilimita ng mga magulang o guardian ang screen time para sa bata para lamang sa video chatting. Kailangan na samahan niya ang bata habang ginagawa ito.
  • 18-24 na buwan: Ang 1-2 taong gulang ay pinahihintulutan na gumamit ng gadgets para sa educational content sa patnubay ng kanilang magulang.
  • 2-5 na taong gulang: Ikontrol ang paggamit sa isang oras sa weekdays at tatlong oras sa weekends.
  • 6 na taong gulang pataas: Walang itinakdang limit, gayunpaman, maaaring i-motivate ng mga magulang ang kanilang mga anak na gawin ang mga healthy habits upang mabawasan ang pagiging dependent nila na gawin ang lahat sa screens. Kailangan nilang magtakda ng limit sa screen time para sa bata.

Ano ang mga Paraan upang Epektibong Ilimita ang Screen Time Para sa Bata?

Sa panahon ngayon na digital age, hindi maitatanggi na ang gadgets at screen ay parte na ng pang-araw-araw nating buhay. Ngunit, may mga paraan upang matulungan natin ang mga bata sa labis na paggamit ng devices, kabilang dito ang mga sumusunod:

Gumawa ng screen time schedule para sa lahat upang sundin

Bago ang lahat, mahalaga na planuhin ang mga araw hindi lamang para sa iyong mga anak ngunit pati na rin sa buong pamilya. Kung nakita nila ang kanilang mga magulang na ginagawa ang kanilang sinabi, susundin nila ito sa pamamagitan ng consistent na schedule.

Maaari kang magsimula sa pagsunod at pagtakda ng ilang mga rules of thumb sa iyong bahay:

  • Walang gadgets habang oras ng pagkain
  • Huwag gumamit ng gadgets at screens isang oras bago matulog

Maglaan ng panahon bilang pamilya

Habang hindi ginagamit ang mga screen, maaari mong kunin ang oportunidad upang gumawa ng mga gawain bilang pamilya, maglaro ng board games, puzzle, o maging ang pag-bake ng cookies.

Maliban sa paglimita ng screen time, maaaring maengganyo ang mga miyembro ng pamilya na magsagawa ng mga gawain upang mag-catch up sa bawat isa. Maaari magsulong ng lugar para sa entertainment at socialization.

Maglaan ng screen-free zone sa bahay

Ang pagkakaroon ng electronic devices sa kwarto ay maaaring makasira ng pagtulog. Ilagay ang lahat ng mga device sa isang hiwalay na lugar bago matulog. Ito ay para makasiguro na hindi maaabot ng iyong anak sa oras na sila ay gumising o bago matulog.

Ang mga kwarto ay dapat na para sa pagpapahinga at pagtulog, kaya mainam na siguraduhin na mangyayari ito.

Humanap ng bagong mapagkakaabalahan upang masubukan nila

Itabi ang mga devices at gumawa ng mga bagong bagay! Yayain ang mga bata na gumawa ng mga pisikal na gawain tulad ng isports, o maging ang musika at sining. Ang mga bata ay nais na makilahok sa mga gawain, lalo na kung ipinakilala ito sa kanila sa mas batang edad.

Ilagay ang mga device kung saan hindi agad makikita ng mga bata. Mas madali na kalimutan ang mga ito kung hindi nakikita palagi, na magreresulta sa kaunting screen time.

Mahalagang Tandaan

Kung ipagsasama sa ibang mga gawain sa labas ng digital world, ang screen time para sa bata ay maaaring maging parte ng healthy lifestyle.

Tandaan na ang pangunahing layunin ay magkaroon ng positibong relasyon sa screens. Mahalaga ang moderasyon sa lahat ng aspekto ng buhay, kahit na sa pagma-manage ng screen time.

Ang mga maliliit na hakbang na ito ay makapagbibigay ng long-term na pagpapabuti sa development ng bata.

Matuto pa tungkol sa kalusugan ng bata dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

10 Ways to Minimize Screen Time, https://fit.sanfordhealth.org/blog/10-ways-to-minimize-screen-time-article Accessed October 21, 2021

Screen time and Children: How to Guide Your Child, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/in-depth/screen-time/art-20047952 Accessed October 21, 2021

Limit Screen Time, https://www.actionforhealthykids.org/activity/limit-screen-time/ Accessed October 21, 2021

Screen Time and Children, https://www.aacap.org/AACAP/Families_and_Youth/Facts_for_Families/FFF-Guide/Children-And-Watching-TV-054.aspx Accessed October 21, 2021

Screen Time Guidelines for Babies and Children, https://kidshealth.org/en/parents/screentime-baby-todd.html Accessed October 21, 2021

The Importance of Limiting Screen Time, https://penfieldbuildingblocks.org/parenting-tips/importance-limiting-screen-time/ Accessed October 21, 2021

Kasalukuyang Version

07/01/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Tulungan Ang Mga Bata Sa Muling Pagpasok Sa Paaralan?

Paano Makipaglaro Sa Bata? At Bakit May Benepisyo Ang Roughhousing?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement