backup og meta

Ano Ang Helicopter Parenting, At Ano Ang Epekto Nito Sa Mga Bata?

Ano Ang Helicopter Parenting, At Ano Ang Epekto Nito Sa Mga Bata?

Unang ginamit ang terminong “helicopter parent” ng mga kabataang nagsabing umaaligid sa kanila ang kanilang mga magulang na parang helicopter. Naging malaganap ang paggamit ng terminong ito at naging popular hanggang sa maging bahagi ng diksyonaryo noong 2011. Bukod sa helicopter parenting, ginagamit din ang mga terminong “lawnmower parenting,” “cosseting parent,” at “bulldoze parenting” upang tukuyin ito. Ano ang helicopter parenting at ano ang epekto nito sa mga bata?

Ang helicopter parenting ay tumutukoy sa estilo ng parenting kung saan ang mga magulang ay sobrang nakapangyayari na umaabot sa puntong pinanghihimasukan na nila ang buhay ng kanilang lumalaking anak.

Noong una, ginagamit lang ang terminong ito sa mga magulang ng mga estuyanteng pumapasok sa hayskul at kolehiyo. Ngayon, ginagamit na rin ito sa mga magulang ng mga mas batang edad. Masyado nilang kinukuha ang responsibilidad sa mga karanasan ng mga bata, lalo na sa kanilang mga tagumpay at kabiguan.

Sino Ang Pwedeng Maging Helicopter Parent?

Ano ang helicopter parenting at sino ang madalas maging helicopter parent? Ang terminong ito ay madalas na tumutukoy sa mga magulang ng mga mag-aaral sa hayskul at kolehiyo na kinukuha ang responsibilidad na dapat sana’y hinaharap ng kanilang mga anak.

Halimbawa, pagtawag sa propesor tungkol sa mababang marka, paggawa ng class routine, at pagkontrol sa exercising habits. Sa toddlerhood, ang helicopter parent ay maaaring patuloy na itinuturo ang dapat na maging ugali ng kanyang anak at hindi siya pinagbibigyang makapag-isa. Idinidikta niya ang bawat sitwasyon sa halip na magpayo at gabayan lamang ang kanyang anak sa pamamagitan ng pakikipag-usap.

Kapag lumaki na ang mga bata, na-de-develop na ang kanilang kakayahang magpahayag ng opinyon at nagiging mga indibidwal na may natatanging personalidad. Dapat nang itigil ng mga magulang ang pagtrato sa kanilang mga anak bilang mga bata upang magkaroon ng sariling opinyon. Mga tao silang umaasa na igagalang sila at makatriwan naman ito. Maaaring malayo pa sila sa pagiging independent at mature, ngunit darating din naman sila doon.

Kaya naman, dapat na magpatuloy ang suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak at bigyan sila ng katiyakan na nandyan lang sila para sa mga ito kung kinakailangan. Ang pagiging dominante ay pwedeng makahadlang sa kakayahan nilang tumayo sa sarili, at pwedeng magdulot sa kanila ng pangmatagalang epekto. Dahil dito, nawawalan sila ng tiwala sa sarili, at humahadlang ito sa kanilang emotional at psychological growth.

Sa elementary school, ang helicopter parenting ay ang magulang na tinitiyak na may partikular na guro o coach ang kanyang anak, pumipili ng magiging kaibigan at co-curricular activities nito, o labis na pagtulong sa anak sa paggawa ng takdang aralin at mga proyekto sa paaralan.

Bakit Nangyayari Ang Helicopter Parenting?

May apat na kinikilalang dahilan kung bakit pinipili ng mga magulang ang helicopter parenting. Kabilang dito ang:

  • Takot sa matinding kalalabasan ng ikikilos ng kanilang anak
  • Pag-aalala sa kasalukuyang kalagayan at kinabukasan ng kanilang anak
  • Sobrang pagbawi dahil sa naging kakulangan sa ibang aspekto ng buhay ng bata gaya ng hindi pagbibigay ng oras
  • Peer pressure mula sa ibang mga magulang

Ano Ang Helicopter Parenting At Mga Consequences Nito?

Marami sa helicopter parents ay nagsisimula nang may mabuting intensyon. Masyado silang nakatuon sa ikabubuti ng kanilang anak ngunit sumusunod sa maling pamamaraan ng pagiging magulang — paraang tiyak na nagdudulot ng masamang epekto sa bata.

Sa kabilang banda, ang engaged parenting ay nagdudulot ng maraming benepisyo sa mga bata gaya ng pagkakaroon ng pagmamahal at pagtanggap, tiwala sa sarili, at pagbibigay ng gabay at pagkakataong umunlad.

Tumataas ang pangangailangan sa helicopter parenting kapag napangungunahan ang mga magulang ng takot na baka hindi nila naibibigay ang sapat na pag-aalaga para sa kapakanan ng kanilang anak at kung anong magiging kinabukasan nito. Dito na nabubuo ang matinding pangangailangan ng mga magulang na kontrolin ang bawat aspekto ng buhay ng kanilang anak sa pamamagitan ng compulsive micromanagement

Ilan sa mga masamang epekto ng helicopter parenting sa mga bata ang:

  • Nababawasan ang kanilang tiwala at pagpapahalaga sa sarili
  • Walang gaanong kasanayan sa pag-handle ng mga bagay
  • Tumitinding depression
  • Sense of entitlement
  • Hindi nalinang na life skills

Paano Maiiwasan Ang Pagiging Helicopter Parent?

Paano mamahalin at aalagaan ng magulang ang kanyang mga anak nang hindi hinahadlangan ang kanilang kalayaan, respeto, at pagpapahalaga sa sarili? Ang susi ay nasa pagbabalanse ng pagtuturo ng mahahalagang life skills at hindi sa sobrang pagkontrol sa kanila. Tiyak na mapanghamon ang unawain at panatilihin ang balanseng ito. Nangangahulugan ito na hayaan ang mga batang magsumikap, na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkamali, at mabigo.

At huli, ang healthy parenting ay tungkol din sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga batang matuto sa kanilang pagkakamali. Sikaping patuloy kang nandyan upang magbigay ng suporta at tulungan silang malagpasan ang mga ito.

Hayaan ang iyong mga anak na harapin ang mga gawain na kaya na nilang gampanan physically at mentally. Hindi matatawag na “hovering” ang pagpapatulog sa iyong 3 taong gulang na anak, maliban kung gagawin mo ito sa 13 taong gulang mong anak. Laging mong isipin na magbigay ng pagkakataon sa sariling magpreno sa pagresolba sa mga problema ng iyong anak. Nakatutulong ito upang lumaki siyang may tiwala sa sarili at mapagkakatiwalaan. Magiging daan ito upang maihanda mo sila sa kanilang kinabukasan.

Matuto pa tungkol sa Paglaki at Development ng School-age na Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is Helicopter parenting? https://www.parents.com/parenting/better-parenting/what-is-helicopter-parenting/, Accessed on November 15, 2020

10 Warning Signs That You Might Be a Helicopter Parent (And How to Stop), https://afineparent.com/be-positive/helicopter-parent.html, Accessed on November 15, 2020

5 Signs You Were Raised By Helicopter Parents, https://afineparent.com/be-positive/helicopter-parent.html , Accessed on November 15, 2020

What is Helicopter Parenting and Why is it Bad? https://www.news-medical.net/health/What-is-Helicopter-Parenting-and-Why-is-it-Bad.aspx, Accessed on November 15, 2020

What Is Helicopter Parenting? Experts Say It’s Too Much For Kids, https://www.goodhousekeeping.com/life/parenting/a27044118/what-is-helicopter-parenting/ , Accessed on November 15, 2020

Kasalukuyang Version

03/29/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Autocratic Parenting, At Paano Ito Ginagawa?

Parenting Styles Sa Pilipinas: Alin Sa Mga Ito Ang Gamit Mo?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement