backup og meta

Ano Ang Dyspraxia, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ano Ang Dyspraxia, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Maaaring mapansin mong ang iyong anak ay nahihirapan sa paggawa ng mga gawaing nangangailangan ng motor skills at koordinasyon. Kung magpatuloy na ang iyong anak na makaranas ng kahirapan sa paggawa ng mga karaniwang kilos tulad paghawak ng lapis, pagsipa ng bola, o maging pagsisintas ng sariling sapatos, maaaring siya ay may dyspraxia. Basahin ang artikulong ito upang maunawaan kung ano ang dyspraxia at kung paano ito mapapansin sa iyong anak.

Ano Ang Dyspraxia?

Ano ang dyspraxia? Binigyang-kahulugan ng Dyspraxia Foundation ang kondisyong ito bilang isang uri ng developmental coordination disorder (DCD) na nakaaapekto sa maliit at/o malaking motor coordination ng mga bata at maging ng mga nakatatanda.

May ilang mga taong napagpapalit ang mga salitang dyspraxia at DCD. Gayunpaman, may malaking pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang dyspraxia at ang DCD: ang DCD ay isang pormal at medikal na kondisyon, habang ang dyspraxia ay hindi.

Ang dyspraxia ay tumutukoy sa mga indibidwal na nakararanas ng karagdagang kahirapan sa pagpaplano, pag-oorganisa, at pagsasagawa ng mga kilos sa wastong pagkakasunod-sunod sa araw-araw na mga sitwasyon. Ito ay nakaaapekto sa mga gawain tulad ng pagsusulat o pagsisintas ng sapatos, gayundin ng motor skills tulad ng pagbibisikleta. Dagdag pa, maaari din itong may epekto sa artikulasyon at pagsasalita, maging sa persepsyon at pag-iisip.

Kadalasan, ang mga kahirapanang ito ay umiiral kasabay ng iba pang mga problema at kondisyon tulad ng mga sumusunod:

Bagama’t sa ilang mga bata ay maaaring mawala ang kondisyong ito, marami ang patuloy na nahihirapang kumilos bilang mga dalaga o binata, at nakatatanda. Ang koordinasyon ng kilos ay isang komplikadong proseso na nanganagailangan ng maraming nerves at bahagi ng utak. Habang nadedebelop ito, maaaring makatulong ang therapies upang makakilos nang angkop at wasto.

Anu-Ano Ang Mga Uri Ng Dyspraxia?

Ilan sa mga propesyonal sa larangan ng kalusugan ang nag-uri sa dyspraxia sa maraming deskriptibong pag-uuri batay sa mga problemang lubhang nakaaapekto sa bata.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Motor Dyspraxia

Ito ay tumutukoy sa kondisyong nagiging sanhi ng kahirapan sa pagkilos kabilang na ang paggamit sa grupo ng muscles sa katawan. Ito ay maaaring malaki o maliit, depende sa laki ng muscles.

Ang mga kasanayang ito ay nangangailangan ng motor na koordinasyon tulad ng pagsusulat, pagbibihis, paglalakad, at maging paglukso.

Ang mga batang may dyspraxia ay kadalasang huli nakapaglalakad kaysa sa iba. Hindi ay may mahinang “pagkontrol sa bola” sa tuwing susubukang sipain o itapon ito. Dagdag pa, maaaring matagalan din silang umakyat ng hagdan dulot ng kanilang balanse. Bilang resulta, ilan sa mga bata ay tinatawag na “malamya” o “hindi maingat”.

Verbal/Speech Dyspraxia

Tulad ng isinasaad nito, ang uring ito ay nakaaapekto sa kahirapang magsalita tulad ng pagbigkas ng salita na dahilan upang mahirapang maunawaan ang bata. Kadalasan silang may limitadong bokabularyo at set ng mga tunog.

Ang verbal dyspraxia ay maaaring mangyari nang mag-isa o kaya ay kaugnay ng motor dyspraxia. Ito ay kadalasang tinutukoy na speech sound disorder.

Oral Dyspraxia

Ito ay inilalalarawan bilang kahirapan sa paggalaw ng bibig at dila. Ang ilang mga bata ay maaari ding mahirapang kontrolin ang dila at labi habang kumakain, na maaaring humantong sa “makalat” na paraan ng pagkain.

Anu-Ano Ang Mga Sintomas Ng Dyspraxia?

Ang mga batang may dyspraxia ay kadalasang nahihirapan sa pagkatuto ng mga kilos na kinabibilang ng motor skills. May ilan din namang may mga problemang pisikal o pag-uugali.

Kabilang ang mga sumusunod sa mga sintomas ng dyspraxia sa mga bata:

  • Pagiging malamya o awkward
  • Nahihirapang magawa ang iba’t ibang mga gawain (halimbawa: pagsusulat, pagsisintas ng sapatos, pagtakbo, o pagtalon)
  • Nahihirapang matuto ng bagong kasanayan
  • Pagbangga sa ibang mga tao o bagay
  • Pag-iwas sa mga gawaing mahirap para sa kanla (halimbawa: pagsusulat)
  • Mabilis na pagkapagod
  • Nahihirap magbihis nang mag-isa
  • Pagiging makalat kumain

Ang mga batang may verbal dyspraxia ay nahihirapang kontrolin ang kanilang muscles upang makapagprodyus ng boses at mga salita. Nahihirapan silang makapagprodyus ng malinaw, matatas, o tiyak na mga salita o pangungusap. Minsan, mabagal silang magsalita o pahinto-hinto.

Maaari din silang makaranas ng mga kahirapan sa mga sumusuond na bagay:

  • Gumawa o mag-ulit ng tunog
  • Ulitin ang parehong mga salita nang walang pagkakamali
  • Intonasyon (pagsasalita nang iisang tono lamang o pagbibigay-diin sa bawat pantig sa parehong paraan)
  • Limitadong bokabularyo
  • Nahihirapang igalaw ang kanilang labi at dila sa tuwing sinusubukang makapagprodyus ng tunog

Sa kabilang banda, ang mga batang may oral dyspraxia ay maaaring mahirapang kumain at lumunok.

Key Takeaways

Sa pamamagitan ng maagang pagtuklas ng dyspraxia sa mga bata, naisasagawa ang maagang interbensyon at praktikal na mga hakbang upang suportahan ang iyong anak na matamo ang pinakamataas na potensyal.
Ang gamutan ng kondisyong ito ay nakatuon sa pagtulong sa mga bata na matutuhan ang mga kasanayang kanilang kailangan, kadalasan ay sa pamamagitan ng pagpapasimple ng mga komplikadong gawain. Ang prinsipyo ng gamutan ay ang paulit-ulit na pagsasanay ay nakatutulong sa utak na bumuo ng bago at epektibong neural connections. Sa pagkontrol ng kondisyong ito, mahalaga ang therapies tulad ng speech therapy, occupational therapy, at physiotherapy.
Ang mga batang kinakitaan ng dyspraxia sa murang edad ay may mababang tyansang mahirapan sa pagbuo ng relasyon sa kanilang mga kaibigan at sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili.

Matuto pa tungkol sa School-Age Na Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dyspraxia in children, https://dyspraxiafoundation.org.uk/dyspraxia-children/, Accessed March 11, 2022

Dyspraxia, https://www.healthdirect.gov.au/dyspraxia, Accessed March 11, 2022

Dyspraxia – Developmental Co-ordination Disorder, https://patient.info/childrens-health/dyspraxia-developmental-co-ordination-disorder, Accessed March 11, 2022

Overview – Developmental co-ordination disorder (dyspraxia) in children, https://www.nhs.uk/conditions/developmental-coordination-disorder-dyspraxia/, Accessed March 11, 2022

What is dyspraxia, https://www.understood.org/articles/en/understanding-dyspraxia, Accessed March 11, 2022

Kasalukuyang Version

11/15/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dysgraphia? Paano Ito Nakaapekto Sa Pag-Aaral Ng Bata?

Nahihirapan Ba ang Iyong Anak sa Math? Alamin Kung Ano ang Dyscalculia Dito


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement