backup og meta

Ano Ang Dysgraphia? Paano Ito Nakaapekto Sa Pag-Aaral Ng Bata?

Ano Ang Dysgraphia? Paano Ito Nakaapekto Sa Pag-Aaral Ng Bata?

Ano ang dysgraphia? Ito ay tumutukoy sa isang learning disability na nailalarawan sa pamamagitan ng mga kahirapan sa paggawa ng nakasulat na bagay, tulad ng pagsusulat, pagta-type, at pagbabaybay.

Ang kapansanan sa pagsulat sa isang bata ay maaaring makahadlang sa kanyang pag-aaral kung paano baybayin nang pasulat ang mga salita. Ito ay dahil sa kahirapan sa mental na pagtatago at pag-alala sa mga titik at numero nang awtomatiko, na nakaaapekto rin sa bilis ng pagsulat nito.

Ang mga batang may ganitong learning disorder ay maaaring may hindi magandang sulat-kamay, mahinang kasanayan sa pagbabaybay (ngunit walang mga problema sa pagbabasa), o parehong may hindi magandang sulat-kamay at mahinang kasanayan sa pagbabaybay.

Maaari din maging comorbid sa iba pang mga kondisyon ang dysgraphia, tulad ng dyslexia, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), language disorders, at maging dyspraxia.

Ano Ang Dysgraphia? Mga Uri Nito

Sa kabila ng kakayahan sa pagbabasa, nakaaapekto ang dysgraphia sa kakayahan ng isang indibidwal na ipahayag nang magkakaugnay ang kanyang mga saloobin gamit ang nakasulat na pahayag. May iba’t ibang mga uri ng dysgraphia na maaaaring makahadlang sa pag-aaral sa iba’t ibang mga paraan:

Motor/Peripheral Dysgraphia

Kilala ang dysgraphia sa kahirapan sa paggawa ng nakasulat na teksto dulot ng kakulangan ng koordinasyon ng muscle. Ang mahinang fine motor skills, mahinang dexterity, at maging ang muscle tone ay maaaring humantong sa mahina hanggang sa walang kakayahang makapagsulat.

Ang isang batang may ganitong uri ng learning disorder ay maaaring maglaan ng mahabang oras upang makapagsulat ng isang titik. At maaaring hindi nila magawa ang gawaing ito sa loob ng karagdagang oras. Gayunpaman, ang mga kakayahan sa pasalitang pagbaybay ay nananatiling hindi naaapektuhan para sa motor/peripheral dysgraphia.

Spatial Dysgraphia

Tumutukoy ang uring ito sa kahirapan sa spatial perception. Kaya naman, lubhang naaapektuhan nito ang kakayahan sa paglalan ng espasyo sa mga titik at maging ang pagguhit. Dagdag pa, nagiging sanhi din ito upang ang mga mag-aaral na may ganitong kapansanan ay makalikha ng hindi mabasang personal na nakasulat na gawain, gayundin ng mga kinopyang gawain. Sa kabila nito, ang mga kakayahan sa pagbabaybay at bilis ng pag-tap ng daliri (isang paraan upang matukoy ang mga problema sa fine motor) ay parehong nananatiling normal.

Dyslexic Dysgraphia

Ang dyslexic dysgraphia ay nilalarawan sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Ang hindi mababasang personal na nakasulat na gawain
  • Magandang gawang kinopya
  • Mahinang kakayahan sa pagbabaybay

Dagdag pa, ang bilis ng pag-tap ng daliri ay nasa normal ding lebel. Ito ay nangangahulugang ang problema ay marahil hindi dahil sa pinsala sa cerebellar.

Mahalagang tandaan na ang isang batang may ganitong uri ng dysgraphia ay hindi palaging may dyslexia.

Sa kabila ng pagiging parehong learning disabilities, ang dyslexia at dysgraphia ay dalawang magkaibang karamdaman. Ang dyslexia ay pangunahing isang disorder sa pagbabasa, samantalang ang dysgraphia ay pangunahing isang karamdaman sa pagsusulat. Ang ilang mga tao ay madalas na nalilito sa dalawang ito dahil ang mga ito ay may magkatulad na mga sintomas at madalas na mangyayari nang magkasama.

Ano Ang Dysgraphia? Mga Senyales Nito

Ang magulong sulat-kamay ay isa sa mga pinakakaraniwang sintomas ng dysgraphia. Ang ilan sa mahahalagang kasanayan sa pagsusulat na maaaring maranasan ng mga bata ay ang mga sumusunod:

  • Pagbuo ng titik
  • Wastong gramatika sa mga pangungusap
  • Wastong espasyo sa pagsusulat ng titik
  • Pagsusulat nang tuwid sa linya
  • Kakayahang kontrolin at gumamit ang instrumento sa pagsusulat
  • Malinaw na pagsulat
  • Pagsusulat ng mga kumpletong salita nang walang nawawalang anomang mga titik

Sa malawak na aspeto, ang nakasulat na gawaing ay maaaring kombinasyon ng malalaki at maliliit na titik, hindi regular na laki at hugis ng titik, at hindi tapos na mga titik.

Higit pa rito, ang mga batang may dysgraphia ay nahihirapan din sa pagsusulat bilang paraan ng komunikasyon. Dahil napakaraming trabaho ang kinakailangang gawin sa aktwal na proseso ng pagsulat, ang kanilang gawa ay maaaring tila kulang sa imahinasyon o pagpaplano. Maaari silang gumamit ng mga hindi pangkaraniwang grip sa pagsulat, tulad ng paghawak sa kanilang mga pulso, katawan, at mga papel sa hindi pangkaraniwang posisyon. Dahil dito, ang kanilang pagsusulat ay nagiging hindi komportable.

Mga Paraang Makatutulong Sa Mga Bata

Makatutulong sa mga batang may dysgraphia na gumawa ng mga aktibidad na nakatutulong sa pagbuo ng titik tulad ng mga sumusunod:

  • Paglalaro ng clay upang lumakas ang muscles ng kanilang kamay
  • Pagpapanatili ng mga linya sa loob ng maze upang mapabuti ang motor control
  • Pag-uugnay ng mga tuldok at/o gitling upang bumuo ng mga kumpletong titik
  • Pag-trace sa mga titik gamit ang hintuturo (o maging ang pambura sa dulo ng lapis)
  • Paggaya sa demonstration ng guro ng mga pagkakasunod-sunod ng stroke sa pagbuo ng titik
  • Pagkopya ng mga titik mula sa mga modelo

Kasunod nito, kapag natutuhan ng isang bata na bumuo ng mga nababasang titik, ang mga panuto ay makatutulong sa pagbuo ng awtomatikong pagsulat ng titik. Maraming mga aktibidad ang maaari ding makatulong upang makapagsanay sa pagsusulat ng bawat titik ng alpabeto sa araw-araw.

Key Takeaways

Ano ang dysgraphia? Ito ay tumutukoy sa isang tiyak na learning disorder na partikular na kinasasangkutan ng kapansanan sa pagsusulat.
May maraming mga paraan upang matulungan ang isang batang may ganitong learning disorder. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng accommodation, modification, o maging remediation. Ang parehong occupational therapy at physical therapy ay maaari ding makatulong sa isang bata upang siya ay mas mahikayat sa proseso ng pagsusulat at komposisyon.

Matuto pa tungkol sa School-Age na Bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

About Dysgraphia, https://mgiep.unesco.org/article/about-dysgraphia, Accessed March 11, 2022

Disorder of written expression and dysgraphia: definition, diagnosis, and management – Peter J. Chung, Dilip R. Patel, and Iman Nizami, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7082241/, Accessed March 11, 2022

Dysgraphia, https://www.sess.ie/categories/specific-learning-disabilities/dysgraphia, Accessed March 11, 2022

Dysgraphia: A learning disability resulting from difficulty expressing thoughts and graphing, https://www.dhss.delaware.gov/ddds/files%5Clearn_curve_july11.pdf, Accessed March 11, 2022

The difference between dysgraphia and dyslexia, https://www.understood.org/articles/en/the-difference-between-dysgraphia-and-dyslexia,  Accessed March 11, 2022

Understanding Dysgraphia, https://dyslexiaida.org/understanding-dysgraphia/, Accessed March 11, 2022

What is Dysgraphia, https://dsf.net.au/what-is-dysgraphia/, Accessed March 11, 2022

What is dysgraphia?, https://www.understood.org/articles/en/understanding-dysgraphia  Accessed March 11, 2022

Kasalukuyang Version

01/06/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dyspraxia, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Nahihirapan Ba ang Iyong Anak sa Math? Alamin Kung Ano ang Dyscalculia Dito


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement