Kapag pinapakain mo ang iyong sanggol, napapansin mo na palagi niyang isinusuka ang kanyang pagkain. Sa pagtatanong, nalaman mo mula sa ibang mga magulang na normal sa mga sanggol na magkaroon ng acid reflux, lalo na sa unang tatlong buwan ng kanyang buhay. Kaya, naghintay ka. Ang problema, isinusuka pa rin ng iyong sanggol ang pagkain kahit na lumampas na sya sa ika-3 buwan. Ngayon, nagtataka ka: nawawala ba ang acid reflux sa sanggol? Paano ginagamot ang acid reflux sa mga sanggol? Alamin dito.
Ang Reflux ay Karaniwan sa mga Sanggol
Nangyayari ang gastroesophageal reflux o simpleng reflux kapag ang mga nilalaman ng tiyan ay bumabalik sa tubo ng pagkain o esophagus.
Sinasabi ng mga eksperto na karaniwan para sa mga sanggol na isinusuka ang kanilang pagkain sa unang tatlong buwan ng kanilang buhay. Sinabi rin nila na ang reflux ay karaniwan para sa mga sanggol na wala pang 2 taong gulang. Ngunit karamihan sa mga kaso ay malulutas ng kusa kapag umabot sila sa 12 hanggang 14 na buwan.
Panghuli, ayon sa mga report na ang reflux ay karaniwan sa mga bata at kabataan.
Bakit Nangyayari ang Reflux sa mga Sanggol
Nawawala ba ng acid reflux sa sanggol? Tulad ng nasabi kanina, karamihan sa mga kaso ay naaayos ng kusa nang walang paggamot. Ito ay kapag umabot na sila sa 12 hanggang 14 na buwan. Pero, bakit nangyayari ang reflux sa mga sanggol?
Ang gastroesophageal reflux (GER) ay karaniwang nangyayari dahil sa isyu sa lower esophageal sphincter o LES. Ito ay muscle sa ibaba ng pipe ng pagkain na nagrerelaks upang makapasok ang mga pagkain sa tiyan. At sumasara rin upang panatilihin ang mga pagkain doon, na pumipigil sa mga laman ng tiyan sa pagtulak paitaas.
Kadalasang may mahinang LES ang mga sanggol. Kaya naman karaniwan na sa kanila ang pagduwal ng kanilang pagkain. Unti-unti, ang kanilang LES ay ganap na made-develop at kusa na mawawala ang acid reflux sa sanggol.
Kailan Dapat Humingi ng Medikal na Tulong ang mga Magulang
Bagamat karamihan sa mga sanggol ay maaaring malampasan ang acid reflux nang walang issue, mahalaga pa rin na malaman ng mga magulang kung kailangan nila ng tulong medikal.
Sinasabi ng mga ulat na dapat dalhin ng mga magulang ang kanilang sanggol sa doktor kung sila ay:
- Hindi tumataba
- Patuloy na pagsuka ng pagkain nang malakas (projectile vomiting)
- Ang pagduwal ng dugo o substance na mukhang butil ng kape
- Pagduwal ng dilaw o berdeng likido
- Hindi karaniwang magagalitin pagkatapos kumain
- Ayaw kumain
Mahalaga rin na dalhin sila sa doktor kapag nahihirapan silang huminga, malalang ubo, at dugo sa dumi. Kailangan din ang tulong medikal kung magsisimula silang sumuka ng pagkain sa anim na buwan o mas matanda pa.