backup og meta

Premature Na Sanggol: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Premature Na Sanggol: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Ang premature na sanggol ay isang sanggol na ipinanganak bago sila umabot sa 37 linggo sa sinapupunan. Ang kaibahan ng mga full-term na sanggol, sila ay mga ipinanganak sa pagitan ng linggo 37 hanggang 40 ng pagbubuntis.

Ang mga premature na sanggol ay maaaring magkaroon ng ilang mga problema sa kalusugan at mga komplikasyon dahil hindi pa sila ganap na buo.

Ang ilang mga premature ay kailangang manatili sa neonatal intensive care unit (NICU) pagkatapos na ipanganak, dahil ang kanilang kalusugan ay delikado, sila ay madaling kapitan ng sakit at sa temperature instability. Ang mga doktor at nars ay mas mahusay na pangalagaan ang mga premature na sanggol.

Ano ang Mangyayari Kapag Napaaga ang Kapanganakan

May malaking epekto kapag napaaga ang kapanganakan sa mga sanggol. Kadalasan, ang sumusunod ay maaaring obserbahan sa mga premature na sanggol. 

  • Ang mga premature na sanggol ay napakaliit, kadalasang tumitimbang ng mas mababa sa 2.5 kg 
  •  Mayroon silang napakaliit na taba ng katawan, at ang kanilang mga kalamnan ay hindi mahusay na nabuo
  •  Ang ilang premature na sanggol ay may napakanipis na balat, at maaari makita ang kanilang mga veins sa ilalim 
  •  Posible rin para sa kanilang na ang kanilang mga ari (sex organs) na hindi pa ganap na buo

Ano ang nagiging sanhi ng premature na sanggol?

Mayroong ilang mga posibleng dahilan kung bakit ang isang nanay ay maaaring magkaroon ng premature na panganganak.

Ang pinaka-karaniwang sanhi ng premature na panganganak ay maiuugnay sa mga problema sa labor at mga komplikasyon. Maaaring kasama dito ang : 

  • Stress
  • Impeksyon sa matris 
  • Pagdurugo sa matris 
  •  Pagiging buntis na may higit sa isang sanggol.
  •  Hindi pa panahon kontraksyon 
  •  Napaaga ang pagputok ng bag ng tubig.
  •  Mga sakit sa maternal, tulad ng hypertension

Sa ilang mga kaso, ang napaagang kapanganakan ay maaaring mangyari kung ang sanggol o ang nanay ay may sakit. Sa ilang mga bihirang mga kaso, kung hindi man malusog ang mga nanay ay maaaring makaranas ng premature na panganganak ng walang anumang babala.

Ano ang mga panganib para sa premature na panganganak ? 

Narito ang ilang mga panganib sa mga babae upang magkaroon ng premature na panganganak:

  • Ang pagkakaroon na ng premature na panganganak 
  • Pagiging buntis sa loob ng isang taon pagkatapos ng panganganak 
  •  Pagdadala ng maramihang mga sanggol sa isang pagkakataon 
  •  Sakit sa puso 
  • Sakit sa bato 
  • Paninigarilyo 
  • Pagigingn bata ang edad sa 16 at mas matanda sa 35 
  •  May problema sa cervical at uterine 

Ang mga buntis na may mga impeksyon, diabetes, mataas na presyon ng dugo, pagdugo ng puki / kiki, mga problema sa kanilang mga inunan, at mga problema sa blood clotting ay nasa panganib din ng premature delivery.

Komplikasyon ng premature na sanggol 

Dahil ang mga premature na sanggol ay hindi pa ganap na buo, sila ay nasa panganib ng ilang mga problema sa kalusugan at mga komplikasyon.

Narito ang isang listahan ng iba’t ibang mga komplikasyon ng premature na sanggol. 

  • Mga impeksyon o neonatal sepsis 
  • Problema sa paghinga, tulad ng respiratory distress syndrome o neonatal pneumonia 
  • Newborn jaundice 
  • Intraventricular hemorrhage o dumudugo ang utak 
  • Necrotizing enterocolitis o pamamalagi ng bacteria sa gastrointestinal system
  • Retinopathy, o kulang sa pag-unlad retina 
  • Mga problema sa pandinig 
  • Anemia.

Kung ang iyong bagong panganak ay may komplikasyon na tulad nito o may mataas na panganib, ang iyong doktor ay magpapayo para sa iyong sanggol na manatili sa NICU o palawigin pa ang pananatili rito. Karaniwan, ang mga premature na sanggol ay mananatili sa ospital hanggang sa makahinga at makontrol ang kanilang temperatura sa kanilang sarili.

Kasama rin sa mga komplikasyon ng premature na sanggol ang ilang mga pangmatagalang problema sa kalusugan, tulad ng sumusunod

  •  Paglaki at mga problema sa timbang 
  •  Cerebral palsy 
  •  Mga problema sa paglaki 
  •  Mga problema sa paningin 
  •  Pagkawala ng pagdinig 
  •  Mga problema sa ngipin 
  •  Mas madaling kapitan ng sakit sa mga impeksyon
  •  Hika 
  •  Pag-uugali o sikolohikal na problema

Ang isang premature na sanggol ay tumatanda, kailangan na subaybayan ng mga magulang ang paglaki ng kanilang anak. Makakatulong ito sa kanila na makilala ang anumang potensyal na alalahanin nang maaga, pati na rin ang anumang posibleng mga problema sa kalusugan na maaaring makuha ng kanilang anak. Kung mas maaga na ang mga problemang ay masuri, mas mahusay ang kinalabasan para sa bata.

Survival Rate ng Premature na Sanggol 

Ang survival rate ng buhay ng mga premature na sanggol ay nakasalalay sa kung gaano karaming oras ang ginugugol nila sa sinapupunan.

Ang mga sanggol na ipinanganak sa 23 linggo ay may 29% na pagkakataon lamang ng kaligtasan. Para sa mga ipinanganak sa loob ng 24 na linggo, ito ay isang 46% na posibilidad ng kaligtasan ng buhay, at sa 25 linggo, ang pagkakataon ng kaligtasan ng buhay ay hanggang sa 69%.

Sa 26 at 27 na linggo, ang pagkakaroon ng kaligtasan ay nasa 78% at 90 %. Sa loob ng 28-31 linggo, ang rate ng kaligtasan ng buhay ay hanggang sa 90-95%, at ang mga sanggol na ipinanganak sa pagitan ng 32-33 linggo ay may 95% na rate ng kaligtasan ng buhay. 

Panghuli, ang mga sanggol na ipinanganak sa 34 na linggo ay may parehong rate ng kaligtasan ng buhay bilang mga bagong panganak na sanggol.

Gayunpaman, mahalaga na tandaan na ang mga premature na sanggol, kahit na sila ay ipinanganak ng 34 na linggo, hindi pa rin sila ligtas sa mga impeksyon at iba pang mga problema sa kalusugan. Kaya mahalaga para sa mga magulang na kumuha ng espesyal na pangangalaga ng kanilang mga anak upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga problemang ito sa hinaharap.

Pag-aalaga sa isang premature na sanggol 

Narito ang ilang mahahalagang bagay na kailangang matandaan ng mga magulang kapag nag-aalaga sa isang premature na sanggol

  • Ang balat ng isang premature na sanggol ay fragile, kaya siguraduhin ang dagdag na pag-aalaga kapag hinawakan sila 
  • Siguraduhin na panatilihin ang kanilang kapaligiran ay malinis, at palaging hugasan ang iyong mga kamay bago sila alagaan. 
  •  Ang mga preamture na sanggol ay karaniwang dinadala sa NICU upang sumailalim sa espesyal na pangangalaga
  • Ang ilang mga preamture na sanggol ay kailangang ilagay sa isang incubator upang makatulong na panatilihing mainit ang mga ito 
  •  Ang kanilang mga vital signs ay subaybayan upang matiyak na okay ang mga ito 
  •  Sa ilang mga kaso, maaari silang mapakain sa pamamagitan ng feeding tubes 
  •  Ang ilang mga premature na sanggol ay maaaring sumailalim sa pagsasalin ng dugo 
  •  Tiyaking bigyan ang iyong sanggol ng anumang gamot na inireseta ng doktor

Key Takeaways

Ang premature na panganganak at ang kanilang mga komplikasyon ay iba – iba sa mga bata Karaniwan sa premature na panganganak, ang mga doktor ay sumubaybay sa iyong anak sa ospital hanggang sa ito ay itinuturing na ligtas upang dalhin na ang iyong bagong panganak na bahay.
Kapag nasa bahay na, kakailanganin nila ang dagdag na pangangalaga at pagsubaybay. Laging kumonsulta sa iyong doktor kung paano mas mahusay na mapangalagaan ang pag-unlad ng iyong anak at kung paano matiyak na lumalaki sila nang malusog at walang anumang problema.

Matuto nang higit pa tungkol sa pagiging magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Prematurity, https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=prematurity-90-P02401, Accessed August 24 2020

Caring for a Premature Baby: What Parents Need to Know – HealthyChildren.org, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/preemie/Pages/Caring-For-A-Premature-Baby.aspx, Accessed August 24 2020

Premature babies | March of Dimes, https://www.marchofdimes.org/complications/premature-babies.aspx, Accessed August 24 2020

Premature baby development: 26-36 weeks | Raising Children Network, https://raisingchildren.net.au/newborns/premature-babies/development/premature-baby-26-36-weeks, Accessed August 24 2020

Premature birth – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/premature-birth/symptoms-causes/syc-20376730, Accessed August 24 2020

Premature birth – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/premature-birth/diagnosis-treatment/drc-20376736, Accessed August 24 2020

Kasalukuyang Version

03/17/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Sakit Na Sepsis? Bakit Ito Nangyayari Sa Sanggol?

Komplikasyon ng Premature na Sanggol, Anu-ano nga ba?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement