backup og meta

Paano Patabain Ang Premature Baby? Heto Ang Dapat Tandaan

Paano Patabain Ang Premature Baby? Heto Ang Dapat Tandaan

Tinatawag na premature babies o “preemies” ang mga batang ipinanganak bago ang ika-37 linggo ng pagbubuntis. Karaniwang hindi sila kabilugan dahil sa kakulangan sa taba, at may mababang timbang nang ipinanganak. Maaari din silang magkaroon ng ilang problema sa kalusugan batay sa kung gaano sila kaaga ipinanganak. Isa sa mga problemang iyon ang nagpapahirap sa paglaki ng mga baby ito. Narito ang ilang mga tip para sa mga magulang kung paano patabain ang premature baby.

paano patabain ang premature baby

Makipagtulungan sa healthcare team

Ang pakikipagtulungan sa healthcare team ang unang hakbang para makatulong na patabain ang premature baby. Makikitang nangangailangan ang mga premature baby ng partikular na pangangalaga, ayon sa kasalukuyang pangangailangan ng bata. Tanging ang healthcare team lamang ang may sapat na alam kung ano ang pinakamainam na paraan para sa iyong preemie.

Ilan sa mga premature baby ang kailangang manatili sa incubator. Hindi pa kasi nila kayang kontrolin ang sariling temperatura ng katawan. Mayroon ding problema sa respiratory ang ibang bata at nangangailangan ng karagdagang oxygen therapy.

Kahit pa nais mahawakan kaagad ang iyong anak at alagaan sila tulad ng pag-aalaga sa isang full-term baby, dapat tandaang maaaring mayroon silang mga espesyal na pangangailangan na tanging ang ospital lamang ang makapagbibigay.

Bigyan sila ng breastmilk

Ang pagbibigay ng breastmilk ang isa sa pinakamabuting tip kung paano patabain ang premature baby dahil naglalaman ito ng tamang halaga ng nutrients para sa preemie. Nagbibigay din ang breastmilk ng proteksyon laban sa ilang partikular na impeksyong maaaring madaling makakapit sa mga preemie.

Ayon sa mga eksperto, iba ang breastmilk ng mga nanay na nanganak nang maaga kaysa sa full-term breastmilk. Iba rin kasi ang pangangailangan sa nutrisyon ng mga preemie. Upang makatulong sa paglaki ng iyong baby, bigyan sila ng breastmilk na ayon sa edad kung maaari.

Gayunpaman, tandaan na maaaring hindi direktang mapapasuso ang iyong baby, lalo na kapag premature sila. Kadalasang may mga problema sa paraan ng pagpapakain sa bibig ang mga preemie. Wala pa kasi silang sapat na gulang para maisagawa ang epektibong pagsuso, paghinga at paglunok.

Upang makatulong sa kung paano patabain ang premature baby, maaaring ipayo ng doktor ang mga sumusunod:

  • Parenteral Nutrition, kung saan matatanggap ng iyong baby mula intravenous (IV) ang kinakailangan nilang nutrisyon.
  • Gavage, kung saan tatanggapin ng iyong baby ang gatas sa pamamagitan ng isang tube na dadaan sa kanilang bibig o ilong papunta sa kanilang tiyan.
  • Cup feeding, kung saan makakainom ang iyong baby ng gatas sa pamamagitan ng espesyal na lalagyan.

Tandaan: kung maaari, ibigay ang breastmilk sa pamamagitan ng gavage at cup feeding. Ito ang pinakamabuting paraan para sa iyong preemie. Kung sakaling hindi makapagbigay ng sariling breastmilk, inirerekomenda ng World Health Organization ang pagbibigay ng human donor milk o infant formula.

Bantayan ang timbang ng iyong baby

Habang nananatili sa ospital, partikular na sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU), babantayan ng healthcare team ang timbang ng iyong baby araw-araw. Tandaan ding maaaring mabawasan kaunti ang timbang ng iyong baby sa mga unang araw (karamihan nito ang mula sa water weight).

Maaaring makapagbigay din sa iyo ng ginhawa na malamang bibigat din ang timbang ng iyong baby kalaunan. Magkakaiba ang bilis ng pagtaba ng mga baby. Maaaring madagdagan ang timbang ng mga preemie ng 5 grams araw-araw. Maaari namang tumaas ang timbang ng baby na ipinanganak sa ika-33 linggo at higit pa ng 20 – 30 grams kada araw.

Hindi papayagan ng iyong doktor na umuwi ang iyong baby habang hindi pa siya patuloy na tumataba at nakakakain sa bibig nang walang suporta ng supplemental gavage feeding.

Hanggat maaari, samahan ang iyong baby

Isa sa mga pinakanakatutulong na tip sa kung paano patabain ang premature baby ang paggugol ng oras kasama ang iyong preemie. Ayon sa iyo at sa kanyang sitwasyon–kung maaari.

Hindi bababa sa isang pag-aaral ang nagpapakitang nakatutulong ang interaksyon ng ina (pakikipag-usap at paghawak sa baby) sa paglaki at pagtaba ng mga premature baby. Dahil dito, samantalahin ang oras na ibinibigay para makasama ang iyong anak.

Karamihan sa mga ospital ang nagpapahintulot sa mga ina na pumasok sa nursery upang pakainin o kalungin at mahawakan ang kanilang anak. Siguraduhin lamang na susundin ang mga protocol, tulad ng wastong paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng naaangkop na protective equipment upang maiwasan ang panganib mula sa impeksyon.

Pag labas ng ospital, sundin ang feeding plan para sa iyong preemie

At panghuli, isa sa mga tip kung paano patabain ang premature baby ang pagsunod sa inaprubahang feeding plan ng doktor.

Iwasan ang matuksong pakainin nang sobra ang iyong baby dahil hindi pa ganap na mature ang kanilang mga intestine. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa kung gaano karami ang kailangan nilang matanggap na pagkain at kung gaano kadalas ang pagpapakain sa kanila.

Kung nagpapasuso, alamin ang tungkol sa wastong posisyon at hawak sa bata. Kung hindi naman makapagpasuso, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pinakaangkop na paraan ng pagpapakain para sa iyong anak.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cup-feeding for low-birth-weight infants unable to fully breastfeed
https://www.who.int/elena/titles/cupfeeding_infants/en/
Accessed December 29, 2020

Breastfeeding premature babies in the NICU
https://raisingchildren.net.au/newborns/premature-babies/breastfeeding/breastfeeding-premature-babies#:~:text=Breastmilk%20for%20premature%20babies,different%20from%20full%2Dterm%20milk.
Accessed December 29, 2020

Premature birth
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/premature-birth/symptoms-causes/syc-20376730#:~:text=A%20premature%20birth%20is%20a,often%20have%20complicated%20medical%20problems.
Accessed December 29, 2020

Neonatal weight gain and nutrition
https://medlineplus.gov/ency/article/007302.htm#:~:text=Premature%20babies%20have%20not%20been,iron%2C%20calcium%2C%20and%20vitamins.
Accessed December 29, 2020

Promoting maternal interaction improves growth, weight gain in preemies
https://www.nih.gov/news-events/news-releases/promoting-maternal-interaction-improves-growth-weight-gain-preemies
Accessed December 29, 2020

Taking Your Preemie Home
https://kidshealth.org/en/parents/preemie-home.html
Accessed December 29, 2020

Kasalukuyang Version

11/20/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Sakit Na Sepsis? Bakit Ito Nangyayari Sa Sanggol?

Komplikasyon ng Premature na Sanggol, Anu-ano nga ba?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement