backup og meta

Komplikasyon ng Premature na Sanggol, Anu-ano nga ba?

Komplikasyon ng Premature na Sanggol, Anu-ano nga ba?

Maaaring dumaan sa maraming komplikasyon sa hinaharap ang mga premature baby na ipinanganak bago ang ika-37 na linggo ng pagbubuntis. Ano ang mga komplikasyon ng premature, at posible ba itong maiwasan? Alamin dito.

Natural lang sa mga premature na makaranas ng short-term developmental problems

Bago natin isa-isahin at ipaliwanag ang mga posibleng long-term na komplikasyon ng premature birth, pagtuunan muna natin ang mga short-term na komplikasyon ng premature na sanggol. Madalas na nakadepende ang mga problema sa kalusugan sa kung gaano kaaga ipinanganak ang bata.

Maaaring buo na ang organs ng mga late preterm baby o mga ipinanganak sa ika-34 hanggang ika-36 na linggo.

Subalit maaari pa rin sila makaranas ng problema sa paghinga at development. Nangyayari ang pinakamapanganib sa extremely premature neonates, lalo na kapag mababa ang kanilang timbang.

Mga Premature Baby: Lahat ng Kailangan Mong Malaman

Narito ang ilan sa mga maaaring short-term na komplikasyon ng premature:

At higit sa lahat, maaari din sila makaranas ng mabagal na development o pag laki. Ang mabuti dito, karamihan sa mga problemang ito ang bumubuti habang lumalaki ang bata.

Maaaring magkaroon ng tuloy-tuloy na komplikasyon sa hinaharap ang mga premature baby

Bukod sa mga panandaliang epekto, maaari ding lumaki na may mga pangmatagalang komplikasyon ang mga premature baby. Narito ang ilan sa mga komplikasyon:

Cerebral palsy

Tinatawag na cerebral palsy ang sama-samang mga karamdaman na nakakaapekto sa balanse, lakas, tayo, at kakayahang gumalaw ng tao. Sinasabi ng mga eksperto na nangyayari ang kondisyong ito dahil sa damage sa nag-de-develop pa lamang na utak. Maaaring mangyari ang damage bago ipanganak, habang ipinapanganak, sa loob ng unang buwan, o sa loob ng unang taon.

Ayon sa Centers for Disease Control, mas mataas ang panganib ng mga premature baby sa cerebral palsy, lalo na kung ipinanganak sila bago ang ika-32 linggo ng pagbubuntis.

Bukod dito, mas mataas din ang panganib ng mga batang may mababang timbang (mas mababa sa 2.5 kilo).

Iyong magagawa:

Hindi mapipigilan ang karamihan sa mga kaso ng cerebral palsy. Kung nagpaplanong magbuntis, gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mabawasan ang panganib sa preterm birth. Sa sandaling ipanganak ang iyong anak, makipag-ugnayan sa doktor tungkol sa mga paraan para mapabuti ang development ng kanilang utak sa tulong ng pagkain at mga aktibidad.

komplikasyon ng premature

Mga problema sa paningin at pandinig

Dalawa sa mga komplikasyon na maaaring maranasan ng premature baby sa kanilang buhay ang mga problema sa paningin at pandinig.

Maaaring mamaga ang mga blood vessel sa retina ng mata ng premature, na magreresulta ng pagsusugat at retinal detachment, na maaaring mauwi sa kapansanan o pagkawala ng paningin. Posible din magkaroon ang mga premature baby ng mga iba pang problema sa mata tulad ng short-sightedness, farsightedness, o squint.

Higit pa dito, maaari din mahirapan ang pandinig o tuluyang mawalan ng pandinig ang mga premature baby. Ang mabuti dito, kaunti lang ang mga bata na nakararanas ng matinding problema sa parehang tainga nila na nangangailangan ng cochlear implants o hearing aid.

Iyong magagawa:

Madalas na may schedule sa regular eye test ang mga premature baby para makita ang mga problema sa pinakamadaling panahon. Dahil dito, mas mataas ang tsansa ng matagumpay na paggagamot.

Ganoon din sa pandinig: madalas din sumasailalim sa hearing test ang mga premature baby bago pa man lumabas ng ospital pag ka panganak. Mahalaga ang mga hearing test dahil kailangan makarinig ng bata para magkaroon ng maayos na language at communication skills.

Mga problema sa pagkatuto

May kakayahan din matuto ang karamihan sa mga premature baby katulad ng mga full-term na bata; ngunit bahagi pa rin sa mga komplikasyon ng premature baby sa hinaharap ang mga problema sa pagkatuto.

Ilang bata ang posibleng nahihirapan sa pagbabasa, pagpaplano, at pag kakaroon ng focus sa ginagawa. Ngunit maaaring hindi pa makita ng mga magulang ang mga isyu na ito hanggang sa hindi pa magsimulang mag-aral ang kanilang mga anak. Kapag nakitang nahuhuli sila sa kanilang mga kaklase.

Ngunit mahalagang tandaan na ilan ding mga pag-aaral ang nagsabi na ilan sa mga premature baby ang “gifted” o mas matalino kaysa sa mga full-term na bata.

Iyong magagawa:

Kung nahihirapan makipagsabayan ang iyong anak,  nakadepende ang iyong magagawa sa maraming dahilan tulad ng uri ng learning difficulty na nararanasan ng iyong anak at kung gaano ito kaaga nakita. Sa kabuuan, maaaring mangailangan ng karagdagang suporta sa paaralan ang mga premature baby.

Social at emotional problem

Bagaman hirap matuto, karamihan sa mga premature baby ang may maayos na social at emotional development. Ngunit may pagkakataon din na iba ang kilos nila kaysa sa mga full-term na bata.

Posible na habang lumalaki ang mga premature baby, mahihirapan silang makibagay. Maaari silang mag-tantrums at magkaroon ng problema sa pagkontrol ng kanilang mga damdamin.

Higit pa rito, mas mataas ang panganib ng mga premature baby sa attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), depression, anxiety, at autism spectrum disorder.

Iyong magagawa:

Tulad ng mga problema sa pagkatuto, nakasalalay sa mga karanasan ng bata ang dapat gawin sa long-term social at emotional effects ng premature birth. Ang pakikipag-usap sa doktor ng iyong anak ang pinakamabuting gawin sa tuwing nag-aalala sa kanilang paglaki.

Key Takeaways

Kahit na ipinanganak nang maaga ang isang bata, maaari pa rin silang lumaki nang malusog at nasa tamang landas ng kanilang developmental milestones.
Gaya ng nakasanayan, pinakamainam na komunsulta sa pediatrician ng iyong anak upang mas makapaghanda para sa anumang mga komplikasyon ng premature sa hinaharap.

Matuto pa tungkol sa mga premature baby dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Premature baby development concerns
https://raisingchildren.net.au/newborns/premature-babies/development/premature-development-concerns
Accessed December 29, 2020

Causes and Risk Factors of Cerebral Palsy
https://www.cdc.gov/ncbddd/cp/causes.html
Accessed December 29, 2020

Cerebral palsy
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cerebral-palsy/symptoms-causes/syc-20353999#:~:text=Most%20cases%20of%20cerebral%20palsy,Make%20sure%20you’re%20vaccinated.
Accessed December 29, 2020

Premature birth
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/premature-birth/symptoms-causes/syc-20376730
Accessed December 29, 2020

Effects of premature birth can reach into adulthood
https://www.sciencedaily.com/releases/2011/06/110615171408.htm
Accessed December 29, 2020

Short and Long-Term Effects of Preterm Birth
https://ukhealthcare.uky.edu/wellness-community/health-information/short-long-term-effects-preterm-birth#:~:text=Preterm%20babies%20can%20suffer%20lifelong,Behavioral%20and%20social%2Demotional%20problems
Accessed December 29, 2020

Kasalukuyang Version

11/20/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Patabain Ang Premature Baby? Heto Ang Dapat Tandaan

Ano Ang Sakit Na Sepsis? Bakit Ito Nangyayari Sa Sanggol?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement