backup og meta

Kanta para sa Premature Baby: Alamin ang Epekto Nito sa Bata

Kanta para sa Premature Baby: Alamin ang Epekto Nito sa Bata

Tinatawag na preemies ang mga preterm baby, na naipanganganak nang mas maaga sa inaasahang panahon. Dahil sa maagang panganganak, nakararanas sila ng health challenges na nagiging dahilan upang magtagal sila sa ospital. Lubhang makaaapekto sa mental health ng mga nanay ang stress na kanilang nararanasan dulot ng pagbubuntis at panganganak kasabay ng kanilang pag-aalala sa kalusugan ng kanilang preterm baby. Ngunit, isang magandang balita ang hatid ng pag-aaral, na ayon sa mga researcher, ang kanta para sa premature baby habang isinasagawa ang kangaroo care ay nakapagbabawas ng maternal anxiety. Narito ang kanilang natuklasan.

Pag-aaral ukol sa “Singing Kangaroo”

Inimbitahan ng mga researcher mula sa University of Helsinki ang 24 na mga nanay ng preterm babies upang makilahok sa isang pag-aaral na naglalayong unawain ang mga epekto ng pagkanta sa maternal anxiety. Ano ang naidudulot ng kanta para sa premature baby?

Hinati ng mga imbestigador sa dalawang grupo ang mga kalahok. Inalalayan at hinikayat nila ang kalahati sa mga kalahok na kantahan ang kanilang mga maliliit na sanggol habang isinasagawa ang kangaroo care – isang pamamaraan na sumusuporta sa skin-to-skin contact sa pagitan ng ina at ng sanggol. Pagkatapos ng inilaang panahon para dito, nagtala ang mga ina ng kung ano ang kanilang naramdaman sa kanilang journal.

Isinagawa rin ng iba pang 12 na kalahok ang kangaroo care. Gayunpaman, hindi nila kailangang kantahan ang mga premature baby. Nagtala rin sila ng kanilang naramdaman pagkatapos sa kanilang journal.

Bago at pagkatapos ng imbestigasyon, na nagtagal hanggang sa umabot sa ika-40 na linggo ng gestation ng preemies, hindi sila pinanganak nang maaga, sinuri ng mga scientist ang anxiety ng kanilang mga kalahok.

Ayon sa istatistika, natuklasan nilang nabawasan ang anxiety ng mga ina na kumanta kumpara sa mga hindi kumantang mga ina.

Dagdag pa dito, naiulat na na-relax ang mga baby bilang tugon sa mga boses ng kanilang ina na kumakanta.

Dahil sa kanilang nakakamanghang natuklasan, lahat ng mga lumahok na ina ay tuloy-tuloy na kinantahan ang kanilang mga baby kahit na natapos na ang nasabing pag-aaral.

Therapeutic ang pagkanta sa premature baby

Narito ang kawili-wiling impormasyon: ang Singing Kangaroo Study ay hindi lamang isang imbestigasyong dapat patunayan kung may therapeutic effect ang pakanta sa mga baby.

Sa iba pang pag-aaral, natuklasang nakalalabas nang mas maaga sa humigit-kumulang na dalawang araw ang mga premature baby na nakarinig sa recorded singing voice ng kaniyang nanay kumpara sa baby na nasa control group.

Sinabi rin ng ilang mga researcher na mas matagal tumugon ang preemies sa maternal speaking kumpara sa maternal singing.

kanta para sa premature baby

Tulungan ang iyong preemie na masanay sa iyong tahanan

Sa oras na pinayagan ka na ng iyong doktor na iuwi ang iyong baby sa bahay, makatutulong na gawin ang mga sumusunod upang sila ay masanay:

Alagaan ang iyong sarili

Hindi mo maaalagaan ang iyong baby nang maayos kung may sakit ka o kung ikaw ay mentally o emotionally down. Kaya, huwag kalimutang kumain ng masustansyang pagkain at magpahinga nang sapat upang bumalik ang iyong energy.

Gayundin, tandaan na okay lang humingi at tanggapin ang tulong mula sa iyong kabiyak o mahal sa buhay.

Patuloy na gawin ang kangaroo Care

Pinakaepektibo ang pagkanta sa premature baby habang isinasagawa ang kangaroo care, kaya bakit hindi mo ito gawin sa bahay?

Humanap ng tahimik at komportableng lugar at humiga. Tanggalin ang damit ng iyong baby bukod sa kanyang diaper, at saka dahan-dahan idikit siya sa iyong dibdib. Ilihis ang kanyang mukha sa isang gilid upang nakadikit ang isa niyang tenga katapat ng iyong puso.

Ang kangaroo care pa lamang ay kapaki-pakinabang na, dahil isinasagawa nito ang mother-child bonding ngunit maaari mo ring kantahan ang iyong baby o kaya naman ay i-hum ang isang kanta. Mainam na magsuot ng mask, kung hindi maganda ang iyong pakiramdam.

Sundin ang nirekomendang feeding plan

Kadalasang may mababang timbang ang preemies, at dahil dito, siguradong bibigyan ka ng iyong doktor ng isang feeding plan.

Kung kaya, hihikayatin ka nilang magpasuso. Kung hindi ito posible, irerekomenda nila ang pumping routine, o bilang huling opsyon, ang paggamit ng formula milk ang maaaring tumugon sa pangangailan ng iyong anak. Sundin ang feeding plan upang matulungan ang iyong preemie na madagdagan ang kanyang timbang.

Iwasan ang mga pampublikong lugar at limitahan ang pagtanggap ng bisita

Kabilang ang babies, lalo na ang mga pinanganak na premature, sa pinakamahinang populasyon. Dahil mahina pa ang kanilang immune system, hindi pa sila handa upang makita o makasalamuha ang maraming tao.

Sa dahilang ito, iwasan ang matataong mga lugar at limitahan lamang ang kanilang paglabas sa pagpunta at pagkonsulta sa doktor. Gayundin sa pagbibilin sa mga bisita na maghugas muna nang maiigi ng kamay. Sabihing huwag muna bumisita kung sila ay may sakit.

Matuto pa tungkol sa Premature Babies dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Singing to preterm infants during kangaroo care reduces maternal anxiety
https://www.sciencedaily.com/releases/2020/12/201214104720.htm
Accessed January 22, 2021

The effects of mothers’ singing on full-term and preterm infants and maternal emotional responses
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/18959452/
Accessed January 22, 2021

Vocal responsiveness of preterm infants to maternal infant-directed speaking and singing during skin-to-skin contact (Kangaroo Care) in the NICU
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31421391/
Accessed January 22, 2021

Kangaroo Care
https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/12578-kangaroo-care
Accessed January 22, 2021

Taking Your Preemie Home
https://kidshealth.org/en/parents/preemie-home.html
Accessed January 22, 2021

Kasalukuyang Version

12/22/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Paano Patabain Ang Premature Baby? Heto Ang Dapat Tandaan

Ano Ang Sakit Na Sepsis? Bakit Ito Nangyayari Sa Sanggol?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement