backup og meta

Unang 100 days ni baby: Mahahalagang tips para sa mga magulang

Unang 100 days ni baby: Mahahalagang tips para sa mga magulang

Maraming South Korean ang nagdiriwang ng “Baek-il,” o ang unang 100 days ni baby. Ang tradisyon ay nagmula sa paniniwala na kapag nakalampas sa ika-100 araw, ang newborn baby, ibig sabihin nakaligtas siya sa isang mahirap na panahon ng pagiging mahina sa maraming sakit.

Bagama’t hindi ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang “Baek-il,” naiintindihan natin na ang unang 100 araw pagkatapos ipanganak ay panahon ng mahalagang adjustment. Paano malalampasan ng mga magulang ang unang 100 days ni baby? Maaaring makatulong ang mga sumusunod na tip: 

1. Maglaan ng Oras Para Matuto (O Muling Matuto) ng Mga Skills

Ang mga first-time parents at ang mga hindi na sanay na magkaroon ng sanggol sa bahay, ay maaaring mangailangan ng oras upang matuto o muling matutunan ang ilang mga kasanayan, tulad ng:

  • Pagdadala ng baby
  • Pagpapakain at pagpapadighay sa kanila
  • Pagpapaligo
  • Pangangalaga sa kanilang umbilical cord stump
  • Pagpapalit ng diapers

Huwag kang mag-madali. Kung kinakailangan, humingi ng tulong sa pamilya at mga kaibigan. Kailangan mo ito sa unang 100 days ni baby.

2. Shop Wisely

Ang isa pang bagay na makakatulong sa iyo na masurvive ang unang 100 days ni  baby ay huwag mag- madali sa pamimili.

Maaaring ma-overwhelm ka sa dami ng kailangan ng anak mo. Gayunpaman, shop wisely at mag-stick sa mga basic na kailangan. Ilan bang damit ang kailangan niya? Tandaan na mabilis lumaki ang mga baby! Gagamit ka ba ng lampin o disposable diapers? Mag-ingat din sa mga skincare products. Siguraduhin na i-check muna sa kanyang doktor bago gumamit ng kahit na ano.

Panghuli, unahin ang safety kapag bumibili ng crib, playpen, carrier, carseat, o stroller. 

3. Matuto Tungkol sa Mga Milestone at Mga Warning Signs 

Madalas na maraming alalahanin ang mga magulang pagdating sa growth at development ni baby. Para malampasan ang unang 100 days ni baby, alamin ang kanilang mga milestone. Gayundin, matuto tungkol sa “warning signs” na nagsasabi kung kailan kailangan ng tulong medikal.

Para sa milestones, i-check ang mga ito:

Para sa mga reflexes, na maaaring magpahiwatig ng kalusugan ng nervous system ng bagong panganak, maaari kang magtungo dito.

Sa wakas, maglaan ng oras na malaman ang tungkol sa mga karaniwang isyu ng sanggol, tulad ng mga pantal, kabag, sipon, pag-ubo, at pagtatae.

4. Alamin Kung Ano ang Epektibong Schedule ng Pagtulog

Madalas sinasabi sa mga magulang na matulog din kapag natutulog si baby. Pero kung minsan, ito ay hindi epektibo.

Kaya naman, pagdating sa oras ng pagtulog, tingnan kung ano ang epektibo para sa iyo ng baby mo. Hindi nito kailangang kapareho sa mga pamantayan ng iba. Kung kailangan mong matulog habang gising ang sanggol, maaaring humanap ng isang tao na mag-aalaga sandali. Mahalaga ito sa unang 100 days ni baby.

Tandaan kailangan ng mga magulang ng sapat na tulog para alagaan ang kanilang sanggol, lalo na ang mga ina na nagpapagaling pa mula sa stress ng labor at panganganak.  

5. Humanap ng Oras Para sa Bonding mo sa Iyong Baby

Importante ba ang bonding sa unang 100 days ni baby? Oo!  Ang pakikipag-bonding sa iyong baby ay hindi lamang mahalaga sa pagbuo ng isang relasyon ng magulang. Maaari mo ring gamitin ang bonding time para i-check ang paglaki ng iyong sanggol. 

Halimbawa, ang pagtawag sa kanilang pangalan ay ay nakakatulong sa kanila na makilala ang kausap. Kasabay nito, kapag nakikita mo silang bumaling o makipag-ugnayan sa iyo kapag tinawag mo sila ay nagsasabi na ayos ang kanilang pandinig. 

Syempre, huwag nating kalimutan na ang pakikipag-bonding sa iyong sanggol ay malaki ang naitutulong sa iyong mental health.

6. Alagaan ang Iyong Sarili

Sa wakas, imposibleng malampasan ang unang 100 days ni baby nang hindi mo inaalagaan ang iyong kalusugan. 

Maglaan ng ilang oras sa ibang miyembro ng pamilya at mga kaibigan. Magpatuloy o magsimulang maglaan ng oras sa iyong sarili. At, kung kinakailangan, ipagpaliban ang paggawa ng ilang mga gawaing-bahay. 

Para sa mga ina, alalahanin ang postpartum blues at postpartum depression dahil maaari rin itong makaapekto sa iyong kakayahang kumonekta at alagaan ang iyong sanggol. 

Key Takeaways

Maaaring hindi tradisyon para sa mga pamilyang Pilipino ang pagdiriwang ng unang 100 days ni baby, pero alam natin na maaaring maging mahirap ang pagdaan dito. Ang ilan sa mga tip na maaaring makatulong ang pag-aaral tungkol sa mga milestone ng sanggol at warning signs, matalinong pamimili ng mga gamit ng sanggol, at pakikipag-bonding sa iyong sanggol.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Baek-il, 100th Day Celebration in Korea, https://asiasociety.org/korea/baek-il-100th-day-celebration-korea, Accessed November 29, 2021

Newborn care: 10 tips for stressed-out parents, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/newborn/art-20045498, Accessed November 29, 2021

Parenting tips for the first two years of life, https://www.unicef.org/parenting/child-development/baby-tips#1-6-months, Accessed November 29, 2021

Bonding With Your Baby, https://kidshealth.org/en/parents/bonding.html, Accessed November 29, 2021

Postpartum depression, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/postpartum-depression/symptoms-causes/syc-20376617, Accessed November 29, 2021

Kasalukuyang Version

04/25/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement