Madalas na gusto ng mga magulang na may baby na magkaroon ng stroller upang madali nilang madala sa labas ang kanilang maliit na anak. Ngunit dahil maraming iba’t ibang disenyo ng stroller na available sa merkado, paano ka pipili ng pinakamainam para sa iyong baby? Narito ang ilang tips sa pagbili ng stroller.
Unang Stroller ng Iyong Baby
Paano Ginawa
Ang unang kailangan mong tingnan sa ilang tips sa pagbili ng stroller ay ang pagkakagawa nito para sa iyong anak.
Kung bibili ka para sa iyong bagong panganak na sanggol, tiyaking humanap ng stroller na makahihiga ang iyong anak na halos lapat ang likod. Ito ay dahil hindi pa niya kayang buhatin ang kanyang ulo pataas. Huwag mag-alala, marami sa mga stroller ngayon ay pwedeng higaan ng bata. Ibig sabihin, pwede mong patagin ang upuan nito at hilahin pataas sa oras na kaya nang buhatin ng iyong anak ang kanyang ulo.
Tingnan din ang modelo nito kung tama lang ba sa bigat, taas, at edad ng iyong anak.
Dagdag pa, dapat mo ring isipin kung bakit ka ba bibili ng stroller? Gusto mo bang ilabas ang iyong baby at maglakad-lakad? Kung ganun, magandang ideya kung pipili ka ng stroller na pwedeng idaan sa malulubak na bangketa. Maaaring praktikal ding piliin ang stroller na may compartment at may payong.
Paalala: Kung naghahanap ka ng jogging stroller, tandaang karamihan sa mga disenyo nito ay may upuang hindi pwedeng ipatag. Kaya naman, mainam kung maghintay hanggang sa mag-anim na buwan ang iyong baby bago ito gamitin.
Harness
Ang unang stroller para sa iyong baby ay dapat na may panseguridad na harness. Inirerekomenda ng mga eksperto ang pagpili ng stroller na may 5-point harness: may straps sa ibabaw ng balikat, bewang, at mga binti.
Preno
Isa sa mga dapat mong tingnan sa pagpili ng unang stroller ng iyong baby ay ang preno nito. May ilang disenyo na may preno sa isang gulong, mayroon namang iba na may preno sa dalawang gulong. Ano man ang piliin mo, ang mahalaga ay piliin ang stroller na may katiwa-tiwala at madaling gamitin kung paano ito mapapahinto.
Isa pang dapat mong tiyakin ay hindi dapat maaabot ng iyong baby ang pihitan ng preno.
Tibay
Ang hindi matibay na stroller ay pwedeng tumaob at masaktan ang iyong baby. Upang matingnan ang tibay ng stroller, suriin ang disenyo nito.
Piliin ang stroller na may malapad na base, at may upuang mababa sa frame. Kapag tinulak mo nang kaunti ang stroller, hindi dapat tumaob ang stroller. Ang compartments ng mga gamit ng baby ay dapat ding nasa ibaba.
Handlebar
Kung ang pinili mong stroller ay may handlebar (grab bar) sa harap kapag umuupo ang iyong baby, tiyaking maisasara mo ang pagitan ng upuan at ng handlebar sa oras na ipatag mo ang stroller.
Mga Panganib
Syempre, huwag kalimutang inspeksyunin ang stroller ng iyong baby pagdating sa:
- Sa mga bagay na pwedeng makaipit sa iyong baby, o sa mga parteng kapag tinupi ay pwedeng makaipit sa mga daliri niya
- Natatanggal ng mga parte na pwedeng masubo ng iyong baby
- Malalaking butas na pwedeng lumusot at mahulog ang baby
Tips para sa kaligtasan ng iyong baby sa paggamit ng stroller
Bukod sa pagpili ng pinakamainam na stroller para sa iyong baby, mahalaga ring alam mo kung paano gamitin ito nang tama. Tandaan ang mga sumusunod na bagay:
- Huwag iiwan basta ang iyong baby
- Gamitin ang harness nang tama
- Kahit may basket ang stroller ng iyong baby, iwasang maglagay dito ng mabibigat na bagay upang hindi ito tumaob. Gayundin, huwag magsabit ng mabibigat na bagay sa handlebar.
- Iwasang maglagay ng kumot o mga laruan sa loob ng stroller. Kung maluwag pa ang stroller, magdagdag ng kumot na maayos na nakarolyo upang hindi mawala sa pwesto ang iyong baby.
- Iwasan ang pagbibilad sa araw, kahit may maliit na payong ang stroller. Pwedeng uminit ang plastic at bakal na bahagi ng stroller at masunog kung mabibilad nang matagal sa araw.
- Dagdag pa, kapain muna ang stroller (pinupuwestuhan ng baby) kung masyadong mainit bago ilagay ang baby.
- Kung nakapirmi ang stroller, tiyaking naka-preno ito.
- At syempre, i-park ang stroller sa patag na daan upang hindi ito gumalaw o gumulong.
- Ang mga sanggol na wala pang 4 na buwan ay hindi dapat natutulog sa stroller.
Huwag kalimutan ang mga tip na ito sa pagbili at paggamit ng unang stroller ng iyong baby.
Matuto pa tungkol sa Baby Care dito.