Ang pagtingin sa mga senyales ng pagngingipin ng baby ay nakatutulong sa mga magulang upang mas maging handa na alagaan ang mas iritableng sanggol. Nakatutulong din ito na makita agad kung ang mga senyales at sintomas ng kanilang bulinggit ay higit pa sa pagngingipin. Mga magulang, narito ang mga basics tungkol sa pagngingipin ng baby.
Facts tungkol sa Senyales ng Pagngingipin ng Baby
Ang ibang mga magulang ay nangangamba pa rin na ang pagngingipin ay magdadala ng alalahanin tungkol sa isyung pangkalusugan tulad ng lagnat, kombulsyon, at diarrhea. Upang mapawalang bisa ang mga haka-hakang ito tungkol sa mga senyales ng pagngingipin sa mga baby, tignan ang mga facts sa ibaba:
1. Ang pagngingipin ay karaniwang nagsisimula sa edad na 6 na buwan
Ang ilang mga baby ay ipinanganak na may mga ngipin (natal teeth), ngunit madalang ang mga kasong tulad nito. Maaaring magsimula na magngipin ang mga baby sa edad na 4 na buwan, habang ang iba ay maaaring wala pang kahit na isang ngipin sa kanilang unang kaarawan. Sa pangkalahatan, ang unang ngipin sa mga baby ay nagsisimulang tumubo sa edad na anim na buwan.
2. Karaniwang senyales ng pagngingipin ng baby
Tinukoy ng mga pag-uulat ang mga pinaka karaniwang senyales ng pagngingipin ng baby at iyo ay mga sumusunod:
- Labis na paglalaway at pagtulo nito
- Labis na pagnguya, pagkagat o pagnguya ng mga bagay sa paligid. Sa maraming mga kaso, kinakagat din ng mga baby ang kanilang caregivers o magulang.
- Pagkamot sa tenga
- Namumulang pisngi
- Namamaga at mapulang gilagid, lalo na sa bahagi kung saan tutubo ang ngipin
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Kabilang sa ilang mga pag-aaral ang mga sumusunod bilang karaniwang senyales ng pagngingipin ng baby:
- Pagkiskis sa gilagid; mapapansin mo na ang iyong baby ay nagkikiskis ng kanilang gilagid
- Pagsubo
- Iritable
- Nababawasan ang gana sa solid foods
- Kaunting pagtaas ng temperatura ng katawan
- Rashes sa mukha na kaugnay ng skin irritation dahil sa paglalaway
3. Hindi nagiging sanhi ng pagngingipin ang mataas na lagnat at pagtatae
Ngayon na alam na natin ang mga pinaka karaniwang senyales ng pagngingipin ng baby, talakayin natin ang mga sintomas na kaugnay ng pagtubo ng ngipin.
May isang clinical trial na kabilang ang 270 na mga bata na nagpahayag na “walang kaugnayan sa pagitan ng pagngingipin, lagnat at diarrhea.”
Sa isa pang pag-aaral na inilathala sa Journal of The American Academy of Pediatrics, ang mga mananaliksik ay naobserbahan na ang lagnat na lampas sa 38.8° C, ang dami ng beses ng pagtae, at stool looseness ay walang koneksyon sa pagngingipin.
Binigyang-diin din ng pag-aaral na ang mga sumusunod na sintomas ay walang kaugnayan sa pagngingipin:
- Congestion
- Ubo
- Pagbawas ng gana para sa mga liquids
- Rashes liban sa rashes sa mukha
- Pagsusuka
- Hirap sa pagtulog
Gayunpaman, mahalaga na tandaan na sa ibang mga pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagtala ng hirap sa pagtulog sa mga baby. Gayundin, sinabi ng mga doktor na ang mababang lagnat hanggang 38.2° C ay maaring maramdaman.
4. Maaaring lumabas ang sintomas sa loob ng 8 araw
Iba-iba ang bilang ng mga araw na mararanasan ng iyong baby ang pagngingipin, ngunit itinala ng pag-uulat na ang mga senyales ay kadalasang tumatagal ng 8 araw. Ang mga sintomas ay tipikal na nagsisimula ng 4 na araw bago ang pagtubo ng ngipin, sa araw na tumubo, at 3 araw pagkatapos tumubo ang ngipin.
5. Ang ilang mga salik ay maaaring makaapekto sa mga senyales ng pagngingipin ng baby
Ipinakita ng pag-aaral na ang ilang mga salik sa early-life ay nakaaapekto sa kung paano mararanasan ng baby ang mga senyales ng pagngingipin. Halimbawa, ang isang pag-aaral ay nag-recruit ng higit sa 1,000 mga bata na inobserbahan ang exposure sa sigarilyo ng tobacco, pinanganak sa pamamagitan ng C-section, at kulang sa maternal vitamin habang pinagbubuntis ay apektado ng sakit sa pagngingipin.
Paano Pagaanin ang Senyales ng Pagngingipin ng Baby
Inirerekomenda ng mga eksperto ang mga sumusunod na tips sa pagpapagaan ng pagngingipin ng baby:
- Marahan na kuskusin ang kanilang gilagid ng iyong malinis na daliri, maliit na malamig na kutsara, o basang gauze pad. Nakatutulong ito sa namamaga at masakit na gilagid.
- Bigyan sila ng malinis na teether na pwede nilang kagatin. Hangga’t maaari, pumili ng mga teething rings na gawa sa solid rubber. Iwasan ang liquid-filled o iyong mga gawa sa plastics (maaari itong masira).
- Punasan ang laway sa kanilang mukha upang maiwasan ang facial rashes.
- Mag-ingat sa teething biscuits dahil marami sa mga iyon ay hindi masustansya; sa katunayan, madalas itong naglalaman ng added sugar at salt.
Iwasan ang teething rings na may belladonna, lidocaine, o benzocaine. Maaari itong magdulot ng pamamanhid sa kanilang masakit na ngipin, ngunit sinabi ng mga eksperto na maaari itong magkaroon ng side-effects.
Sa isang pag-uulat, itinala ng mga mananaliksik na ang cuddle therapy, teething rings, at pagkiskis ng kanilang gums ay ang mga “pinaka epektibong paraan upang mabawasan ang sintomas.” Matuto pa tungkol sa pagpapagaan ng pagngingipin ng baby dito.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Sanggol dito.