backup og meta

Sinok Ng Baby, Paano Ito Agad Mawawala? Alamin Dito!

Sinok Ng Baby, Paano Ito Agad Mawawala? Alamin Dito!

Sina mommy at daddy ay madalas natutuwa sa baby hiccups (sinok), subalit kapag madalas ang sinok ng baby— at para bang non-stop ito ay hindi maiiwasan nina mommy at daddy na mag-alala. 

Kaya naman, narito ang tips kung paano mawala ang sinok ng baby.

Bakit Nangyayari ang Sinok ng Baby?

Bago natin pag-usapan ang hakbang kung paano mawala ang sinok ng baby. Ipaliwanag muna natin paano ito nangyayari.

Ayon sa mga eksperto, ang sinok ay nangyayari kapag ang diaphragm, ang dome-shaped muscle sa ibaba ng mga baga — ay nagkaroon ng involuntarily spasm o contracts. Ang contractions ay nagtri-trigger sa vocal cords na mag-close nang napakaikli— na nagiging sanhi ng cute na “hic!” sounds.

Mangyaring tandaan na ang mga bagong silang at mga sanggol ay madalas nakakaranas ng sinok. Ang eksaktong dahilan kung bakit mas karaniwan ang mga ito sa mga sanggol ay hindi pa malinaw. Ngunit maaaring may kinalaman ito sa gas ng tiyan. Ang gas ay maaaring maging sanhi ng paglaki ng tiyan at pag-rub against sa diaphragm na nagbubunga ng hiccups.

4 Tips Kung Paano Mawala ang Sinok ng Baby

Narito ang magandang balita: ang sinok sa pangkabuuan ay hindi nakakaabala sa mga sanggol at naglilimita sa sarili. Dahil ang iyong maliit na bata ay maaari pa rin makatulog at kumain.

Gayunpaman, kung nais mong ihinto ang kanilang hiccups, maaari mong isaalang-alang ang mga sumusunod na tip:

1. Burp Your Baby o Pagpapadighay

Sa maraming kaso, nakakatulong ang burping sa sinok ng baby dahil inaalis nito ang labis na hangin.

Inirerekomenda ng mga eksperto ang burping pagkatapos ng bawat pagpapakain. Ngunit kung sa tingin mo ay makakatulong ito ng malaki sa baby. Ang burping ay maaaring gawin sa feeding session. Halimbawa, kung ikaw ay nagpapasuso, magkaroon ng burp break bago ka mag-switch. Para sa bottle-feeding, isaalang-alang ang burping pagkatapos ng 2 hanggang 3 onsa ng gatas.

2. I-rub ang Kanilang Likod

Another tip kung paano mawala ang sinok ng baby ay hagurin ang kanilang likod.

Ito ay hindi lamang nakakatulong sa kanila para makapagpahinga (na maaaring mapawi ang diaphragm spasms) ngunit tumutulong din ito sa pagpapalabas ng labis na hangin.

3. Sinok ng Baby: Bigyan Sila ng Pacifier

Ang pagbibigay ng pacifier sa’yong anak kung minsan ay nakakatulong sa paghinto ng mga hiccups attacks.

Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang sucking motion ay nakakarelaks sa sanggol at maaaring makatulong ito sa paghinto ng diaphragm spasms.

4. Baguhin ang Kanilang Posisyon

Kung nagsisimula ang pagsinok ng iyong anak sa panahon ng pagpapakain, isaalang-alang ang pagbabago ng kanilang posisyon. Ayon sa mga doktor, ang pagse-set sa kanila ng patayo ay isang magandang posisyon para maiwasan ang paglanghap ng hangin.

Mga Bagay na Hindi Mo Dapat Gawin

Ang mga “unique” na paraan kung saan sinusubukan ng mga matatanda na pigilan ang sinok ay maaaring makapinsala sa babies. Para sa kadahilanang ito, huwag ipilit na ilabas ang kanilang dila. O pigilin sila sa kanilang paghinga sa pamamagitan ng pagkurot ng kanilang ilong at pagtakip sa kanilang bibig. Tandaan din na huwag gawin ang sadyang pananakot sa kanila para mawala ang sinok.

Maging maingat din sa “traditional” tips kung paano mawala ang sinok ng baby. Tulad ng paglalagay ng piraso ng sinulid o papel sa noo ng bata. Ang mga ito ay maaaring mukhang hindi nakakapinsala sa una. Ngunit ang iyong anak ay maaaring kunin ang sinulid o papel at ilagay ito sa kanilang bibig.

Bukod pa rito, mag-ingat sa gripe water, isang blend of herbs, na sinasabi ng manufacturers na makakatulong sa colic at tummy troubles. Bagama’t ligtas ang maraming brand ng gripe water, palaging kumunsulta muna sa pediatrician bago ito ibigay sa’yong sanggol.

Huwag din kalimutan na ang sanggol na wala pang 6 na buwan ay hindi dapat magkaroon ng anumang bagay maliban sa formula o gatas ng ina.

Sinok ng Baby: Kailan Dapat Dalhin ang Iyong Baby sa Doktor

Tulad ng nabanggit kanina, ang sinok ng baby ay karaniwang hindi nakakapinsala at naglilimita sa sarili. Kung ang pagsinok ng iyong baby ay nagdudulot sa kanila ng pananakit o nakakagambala sa pagtulog at pagpapakain ng iyong sanggol. Dalhin sila sa doktor para sa karagdagang assessment.

Gayundin, kumunsulta sa isang pediatrician kung ang kanilang sinok ay may kasamang pagsusuka. Ito ay maaaring magpahiwatig ng acid reflux o gastroesophageal reflux disease (GERD).

Ang iba pang mga palatandaan ng GERD ay kinabibilangan ng:

  • Spitting up
  • Pag-ubo
  • Matinding pag-iyak o inis
  • Pag-arching ng kanilang likod, lalo na sa panahon o pagkatapos ng pagpapakain

Key Takeaways

Ang sinok ng baby ay karaniwang hindi isang dahilan ng pag-aalala. Maliban kung sila ay may iba pang mga sintomas tulad ng pananakit o pagsusuka. If you’re looking for tips kung paano mawala ang sinok ng baby, subukan silang padighayin matapos kumain. Ang pagpapalit ng kanilang posisyon, pagbibigay sa kanila ng pacifier, at paghagod sa kanilang likod ay maaaring makatulong din.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Here’s What to Do When Your Baby Has the Hiccups, https://health.clevelandclinic.org/heres-what-to-do-when-your-baby-has-the-hiccups/, Accessed May 6, 2021

Hiccups: a common problem with some unusual causes and cures, https://bjgp.org/content/66/652/584, Accessed May 6, 2021

Your Baby at 1 Week, https://www.ucsfbenioffchildrens.org/education/your-baby-at-1-week, Accessed May 6, 2021

Hiccups in Children: Care Instructions, https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=abk7510, Accessed May 6, 2021

Why Babies Spit Up, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/feeding-nutrition/Pages/Why-Babies-Spit-Up.aspx, Accessed May 6, 2021

Kasalukuyang Version

09/20/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement