backup og meta

Salmon patch: Ano ang mga ito, at dapat ba itong ipag-alala?

Salmon patch: Ano ang mga ito, at dapat ba itong ipag-alala?

Ang balat sa mga sanggol ay nangyayari nang mas madalas kaysa sa iniisip ng mga tao. Ang mga maliliit na markang ito na makikita sa katawan ng sanggol ay maaaring magdulot ng takot sa mga magulang. Maaari itong lubos na nakababahala sa kanila dahil sa pag-iisip na ito ay permanenteng pilat sa kanilang anak. Kung alam lamang nila ang katotohanan, maaari silang magulat na ang mga ito ay unti-unting nawawala. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga balat, at tinatawag itong “salmon patches.” Ano ang salmon patch? Basahin ang artikulong ito upang malaman ang kasagutan.

Ano ang Salmon Patch? 

Ano ang salmon patch? Tinatawag ding nevus flammeus simplex, ito ay ang pinakakaraniwang vascular lesions sa mga sanggol. Ang mamula-mula o malarosas na kulay na patches na ito ay kadalasang nakikita sa taas ng hairline sa likod ng leeg. Nakikita rin ang mga ito minsan sa talukap ng mata o sa pagitan ng mga mata ng sanggol. 

Tinatawag din ang salmon patches na “stork bites” o “angel kisses.” Ito ay sanhi ng mga maliliit na ugat na malapit sa balat ng sanggol. Ang salmon patches ay makikita sa 44% ng lahat ng neonate Caucasian na mga sanggol. Ito ay hindi gaanong karaniwan sa mga sanggol na may maitim na kulay ng balat. 

Batay sa pananaliksik noong 1989 na tungkol sa mga Caucasian na sanggol, natuklasang ang patches ay nakita sa 43.6% ng mga lalaking sanggol at 43.8% sa mga babaeng sanggol sa maagang yugto ng neonatal. Hindi nakita ng mga mananaliksik ang patches sa mga lalaki matapos sumapit sa 6 taon at 5 taon sa mga babae. 

Ang mga markang ito ay kulay rosas o scarlet, patag, at lubhang maputla. Ito ay kadalasang nagkakaroon ng madilim na kulay kung nagsasagawa ng nakapapagod na gawain, umiiyak, pilit na dumurumi, pinipigil ang hininga, o may pagbabago sa temperatura ng paligid.

Kaibahan sa Port Wine Stains 

Kadalasang simetriko ang itsura ng salmon patches. Ito ay kabaligtaran ng port wine stains na maaaring sa iba’t ibang bahagi nakikita. Isa pang pagkakaiba ng dalawang ito ay ang salmon patches ay kusang nawawala, samantalang nananatili naman ang port wine stain. 

Ang port wine stain ay isang pambihirang congenital disorder na kinabibilangan ng hindi normal na pagdebelop ng mga ugat. Ito ay karaniwang nakikita sa katawan ng sanggol kaysa sa mukha. Ang napakamaliliit na ugat o capillaries, na makikita sa ibabaw na layer ng balat ang sanhi ng ganitong uri ng balat. 

Hindi katulad sa ibang birthmark, ang port wine stain ay hindi unti-unting nawawala. Ito ay nananatili habambuhay, mas umiitim sa paglipas ng panahon, at nangangailangan ng ilang uri ng gamutan upang matanggal ito. Samantala, ang salmon patches ay maaaring mawala habang lumalaki ang isang bata. Subalit ang mga patch sa batok ay maaaring maging permanente.

Gamutan para sa Salmon Patches 

Karaniwan ang salmon patches sa yugto ng neonatal matapos ipanganak ang sanggol. Ang mga patch na ito ay maaaring mawala pagsapit ng ikatlong taon ng bata. Ang mga nasa bumbunan at batok ay maaaring mas tumatagal. Bihira ang pagakaroon parin ng mga marka sa mukha matapos ang puberty, at hindi pa ito naitatala sa mga nakatatanda. 

Dapat mapanatag ang kalooban ng mga magulang na ang mga marka na ito ay mawawala. Bagama’t bihira, may posibilidad na ito ay may kaugnayan sa occult spinal dysraphism. Sa ganitong mga kaso, inirerekomendang doktor ang routine ultrasonography imaging ng lumbosacral spine para sa mga may salmon patches sa bahagi ng sacral.

Pangunahing Konklusyon

Ano ang salmon patch? Ito ay isa sa mga balat na maaaring makita ng mga magulang sa kanilang bagong silang na sanggol. Katulad ng iba pang mga balat, nawawala rin ang mga ito paglipas ng panahon, at hindi tumatagal nang higit sa ikatlong taon ng bata. Ang mga capilliary na ugat na malapit sa balat ng sanggol ay ang pangunahing sanhi nito, at ito ay hindi mapanganib. Upang matukoy ang pagkakaiba ng salmon patch sa port wine stains, ang salmon patches ay hindi nangangailangan ng anomang gamutan. Samantala, ang port wine stain ay nananatili sa balat ng sanggol makalipas ang isang taon ng bata. Ito rin ay lumalalim at mas lumilitaw ang kulay.

Matuto pa tungkol sa pag-aalaga ng sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Slide show: Birthmarks, https://www.mayoclinic.org/birthmarks/sls-20076683?s=6, Accessed January 14, 2022

Does the salmon patch reappear? https://www.thelancet.com/journals/lancet/article/PIIS0140-6736(05)79001-2/fulltext, Accessed January 14, 2022

Salmon Patches, https://www.consultant360.com/articles/salmon-patches, Accessed January 14, 2022

Persistent Salmon Patch on the Forehead and Glabellum in a Chinese Adult, https://www.hindawi.com/journals/crim/2014/139174/, January 14, 2022

Salmon Patches in Caucasian Children, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/j.1525-1470.1989.tb00813.x, Accessed January 14, 2022

Kasalukuyang Version

03/30/2023

Isinulat ni Jason Inocencio

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jason Inocencio · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement