Maging maingat sa mga potensyal na makasasamang sangkap ng mga produkto para sa sanggol. Ang mga produkto na para sa sanggol ay kadalasang imina-market na ligtas — ngunit hindi lahat ng produkto ay ganito. Bagaman may mga nakalagay sa labels na “mild,” “tear-free,” at “gentle,” nasa 100% ba talaga na ligtas ang mga ito? Bilang isang responsableng magulang o caregiver, laging basahin ang mga nakalistang sangkap bago bumili at gumamit ng mga produkto para sa iyong anak. Narito ang ilang mga produktong masama para sa sanggol na dapat iwasan.
Limang Produktong Masama Para sa Sanggol
#1: Phthalates
Ano ang mga phthalates? Ito ay mga kemikal na kilala bilang plasticizers, na nakikita sa daan-daang produkto mula sa mga laruan, detergents, parte ng kotse, at personal hygiene na produkto. Bagaman ang phthalates ay nasa maraming mga produkto, walang sapat na pag-aaral upang ipakita ang epektong pangkalusugan nito sa mga sanggol. Sa isang pag-aaral, ang phthalates ay nakita sa ihi, na nagsasabing nakapapasok ito sa katawan at sa sirkulasyon.
Tingnan ang label para sa mga sangkap tulad ng dibutyl phthalate (DBP), dimethyl phthalate (DMP), at diethyl phthalate (DEP). Ang DEP ang pinaka karaniwan at laging inilalagay para sa mga amoy. Ilang sa mga animal lab na pag-aaral na ginagamit ang phthalates ay nagpakita ng epekto sa reproductive system at hormones. Bagaman maraming mga pag-aaral pa ang kinakailangan para sa paksa, mainam na iwasan ang mga produktong para sa sanggol na may phthalates.
#2: Talc
Ang talc ay malambot na puting mineral na pangunahing sangkap sa mga pulbo ng sanggol. Bagaman ang baby powder ay karaniwang gamit sa bahay at baby care essential, maaaring may potensyal na banta ito ng cancer (partikular na sa ovarian cancer). Ito ay sa kadahilanan na ang talc ay mayroong asbestos, kilala itong carcinogen. Bilang isang pulbo, madali itong masisinghot at ma-absorb.
Sa kabutihang palad, ang asbestos ay hindi na karaniwan ngayon. Ang mga pulbo para sa baby na mabibili sa tindahan ay pangkalahatang ligtas. Para sa kaligtasan, ang FDA ay regular na nag-iinspeksyon at nag-uulat ng mga produkto na nagtataglay ng mataas na lebel ng contaminants tulad ng asbestos at lead. Manatiling vigilante para sa mga ganitong uri ng produkto.
#3: BPA
Ang BPA ay pinaikli para sa bisphenol. Ito ay kemikal na karaniwang makikita sa mga plastic containers tulad ng water bottles at food packaging. Bagaman kapaki-pakinabang, ang BPAs ay maaaring masamang sangkap para sa produkto ng sanggol. Ang panganib ay nasa potensyal na epektong pangkalusugan sa utak at nervous systems, lalo na sa mga sanggol at nagde-develop na mga fetus.
Ang BPA ay maaaring maipasa mula sa container papuntang produkto o pagkain. Tingnan ang packaging para sa salitang “BPA-free” at iwasan ang mga plastics na may recycle na simbolo na may numerong 3 at 7. Iwasan ang pag-init ng mga plastic containers sa microwave o iwan itong expose sa init, dahil makapagpapataas ito ng dami ng BPA na maaaring maipasa.
#4: Mga Fragrance
Para sa halatang rason, ang mga diaper ng sanggol ay hindi lang ang masarap na amuyin na bagay sa mundo. Maiisip mo siguro na magandang ideya na maglagay ng pabango at scented na produkto, ngunit ang mga ito ay mas nakasasama lang kaysa nakabubuti. Kahit na sa mga matatanda, ang mga produkto na naglalaman ng perfumes at fragrances ay nagdudulot ng allergic reactions (contact dermatitis). Ang mga sanggol ay mas may sensitibong balat at immune system, kaya’t ang epekto ng mga ganitong sangkap ay mas nakasasama.
Tingnan ang labels upang makasiguro na walang synthetic perfumes o fragrances. Halimbawa ng mga ingredients ay kabilang ang benzenes, aldehydes, at toluene. Pumili ng mga produktong may label na “fragrance-free” kaysa sa “unscented.” Ang mga unscented na produkto ay mayroon pa ring mga kemikal na mayroong neutral na amoy o tinatakpan ang ibang amoy, ngunit maaari pa ring nakasasama.
#5: Formaldehyde
Panghuli, ang formaldehyde. Habang huli sa listahan, ang formaldehyde ay isa sa pinaka mapanganib na kemikal sa listahan. Ito ay kadasalang makikita sa industrial na produkto, bagaman maaaring maging sangkap sa mga shampoo at sabon ng baby. Halimbawa nito ay disinfectants, plywood, at insulation materials. Karagdagan, ang mga nag-eembalsamo ay ginagamit ito upang mapreserba ang katawan.
Ang pangunahing panganib ng formaldehyde at formaldehyde releasing ingredients ay ang pagtaas ng banta na magkaroon ng cancer. Maraming mga pasyente na nagkaroon ng cancer ay napag-alaman na regular na expose sa mataas na lebel ng formaldehyde sa kanilang trabaho. Bagaman mayroon pa ring kulang na pag-aaral sa epekto nito sa mga sanggol, mainam pa rin na iwasan ang formaldehyde hangga’t maaari.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Parenting dito.