backup og meta

Play Pen ni Baby: Mga Safety Tips para sa Magulang

Play Pen ni Baby: Mga Safety Tips para sa Magulang

Kung ang pag-uusapan ay ang play pen ng iyong baby, mahalaga na tumuon sa parehong comfort at kaligtasan para sa iyong bulinggit. Ngunit maliban sa pagbili ng tamang uri ng play pen ni baby, ang mga magulang ay kailangan din malaman ang basic na tips sa kaligtasan upang maiwasan ang aksidente.

Magbasa upang matuto tungkol sa tips pangkaligtasan.

Play Pen ni Baby: 7 Tips na Kailangan mong Malaman

Pumili ng magandang kalidad ng play pen para sa baby

Una sa lahat, mahalaga na pumili ng kagalang-galang na brand ng play pen para sa iyong baby. Huwag bumili ng mga gamit na o pumili ng mga mumurahin at hindi kilalang brand.

Dahil ang mga gamit na play pens, at iyong hindi kilalang brands, ay maaaring may kwestyunableng kalidad. Maaaring madali lang din itong masira, o madaling mahati, at maging sanhi ng injury sa iyong baby.

Alalahanin: laging magandang ideya na gumastos ng higit sa inaasahan sa mga baby items para sa kaligtasan ng iyong anak, maging ang iyong kapayapaan ng isip.

Laging bantayan ang iyong baby

Isang mahalagang bagay na dapat alalahanin kung ang pag-uusapan ay play pen ni baby ay hindi ito para sa unsupervised na paglalaro. Ang ibig sabihin nito ay kung iiwan mo ang iyong baby sa loob ng kanilang play pen, siguraduhin na bantayan sila sa lahat ng pagkakataon.

Kung ikaw ay may babysitter, mahalaga na paalalahanan sila na laging bantayan ang iyong baby, at huwag iiwan na walang bantay sa play pen. Kung ang pag-alis ay hindi maiwasan, mahalaga na gawin sa maikling panahon lamang.

Huwag silang hayaang tumagal sa loob

Isa pang mahalagang bagay para sa mga magulang na alalahanin ay huwag iwanan nang matagal sa loob ng play pen ang kanilang anak. Dapat lamang silang naroon sa maikling panahon, at hindi permanenteng lugar ng paglalaro ng baby.

Ito ay dahil ang mga baby ay kailangang kumilos, at mag-explore sa paligid. Ang hayaan sila na manatili sa loob sa mahabang panahon ay maaaring potensyal na magpabagal sa kanilang development.

Iwasan ang paglalagay ng stuffed toys o unan

Hindi uncommon sa mga nanay at tatay na maglagay ng mga stuffed toy at unan upang lagyan ng dekorasyon ang play pen para sa baby. Gayunpaman, ito ay hindi magandang ideya, dahil ang mga bagay na ito ay maaaring magdulot ng banta ng pagkasakal para sa mga baby.

Posible rin sa mga baby na gamitin ang mga laruan upang umakyat palabas ng kanilang play pen, at potensyal na masugatan nila ang kanilang sarili.

Ideally, ang play pen ay dapat mayroon lamang na kaunti o walang laruan sa loob upang maiwasan na mangyari ang aksidente.

Laging tingnan kung ang play pen ay may sira

Sa paglipas ng panahon, ang play pen ay maaaring masira o magkaroon ng defects. Maaari itong maging sanhi ng aksidente, kaya’t kailangan na regular na tingnan ang play pen ng baby.

Tingnan kung mayroong exposed na matutulis na bagay o metal na parte. Ang padding na sira o foam na exposed ay maaari ding makasakit sa mga baby.

Huwag ilagay ito malapit sa bukas na bintana, pinto, o hagdan

Mahalaga rin na ikonsidera kung saang lugar na ilalagay ang play pen ni baby. Huwag ilagay ito malapit sa mga pinto, bukas na bintana, o mga hagdan, dahil ito ay potensyal na hahantong sa aksidente.

Ang ideal na lugar ay kung saan madali mong mababantayan ang iyong baby, at malayo mula sa mga gamit na mahuhulog o makasasakit sa kanila.

Unawain na magkaiba ang kuna (crib) at play pen ni baby

Panghuli, ang play pens ay kaiba mula sa kuna o crib. Ang kuna ay dinesenyo para sa mga baby na matulog, habang ang play pens ay pinaikling playtime.

Mahalaga na iwasan na gamitin ang play pen bilang crib, dahil karamihan ng play pens ay hindi dinesenyo para sa mga baby na matulog magdamag. Siguraduhin na basahin ang panuto para sa kaligtasan ng play pen na bibilhin, at sundin ito hanggang dulo, upang masiguro na ang iyong baby ay ligtas at protektado.

Mahalagang Tandaan

Ang play pen ni baby ay magandang pandagdag sa iyong bahay. Nakapagbibigay sila ng espasyo sa iyong baby upang maglaro, at para sa mga magulang upang bantayan ang kanilang mga baby. Gayunpaman, mahalaga rin na malaman at sundin ang tips sa kaligtasan para sa maayos na paggamit ng play pens upang maiwasan ang aksidente.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Nursery/Playroom Continued – Child Development & Parenting: Infants (0-2), https://www.gracepointwellness.org/461-child-development-parenting-infants-0-2/article/11360-nursery-playroom-continued, Accessed April 26, 2021

Playpen safety – Canada.ca, https://www.canada.ca/en/health-canada/services/infant-care/playpens.html, Accessed April 26, 2021

Choosing Safe Baby Products: Playpens (for Parents) – Nemours KidsHealth, https://kidshealth.org/en/parents/products-playpens.html, Accessed April 26, 2021

Playpen Safety, https://www.safekid.org/images/SafetyDocuments/Playpen%20Safety.pdf, Accessed April 26, 2021

Playpen Safety – HealthyChildren.org, https://www.healthychildren.org/English/safety-prevention/at-home/Pages/Playpen-Safety.aspx, Accessed April 26, 2021

Kasalukuyang Version

04/07/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Bianchi Mendoza, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement