backup og meta

Paglilinis Ng Tenga Ni Baby: Heto Ang Dapat Tandaan

Paglilinis Ng Tenga Ni Baby: Heto Ang Dapat Tandaan

Ang paglilinis ng tenga ni baby ay mahalagang parte ng good hygiene. Ang earwax na kilala rin sa tawag na cerumen ay pino-produce ng ating katawan upang protektahan ang mga tenga. Mula sa dead skin cells ang wax sa tenga, at ito ay gawa sa malagkit, at makapal na materyal. Ang materyal na ito ay na-produce gamit ang glands na naka-lining sa tenga. Ang earwax ay parehong may antibacterial at lubricating properties. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng earwax ay normal lamang at parte ng pangangatawan ng baby. Wala itong kahit na anong banta sa kalusugan ng sanggol hanggang sa magpakita ng mga tiyak na malalang sintomas. Ipagpatuloy ang pagbabasa upang malaman ang tips upang malinis ang mga tenga ng baby at kailan hihingi ng medikal na tulong.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Normal Ba Ang Pagkakaroon Ng Earwax?

Ang mga bata sa lahat ng edad ay may wax na namumuo sa kanilang mga tenga. Kadalasang tinatanggal ng mga magulang ang wax sa tenga ng kanilang mga anak bilang personal hygiene. Ngunit madalas ang earwax ay natatanggal nang kusa. Ang isang pagkakataon lamang na dapat mag-aalala sa isyu ng earwax ay kung may mga tiyak na senyales at sintomas, na tatalakayin ng artikulong ito.

Ganap na normal lang kung nakakita ka ng ilang mga wax sa tenga ng iyong anak. Minsan, mas makakakita ka pa ng maraming earwax sa kabilang tenga. Walang tiyak na bilang o dami na masasabing normal na earwax.

Paglilinis Ng Tenga Ni Baby: Ano Ang Maaring Gawin Ng Mga Magulang?

Huwag gumamit ng cotton sponge o wipe upang linisin ang earwax ng baby, dahil madalas, ito ang sanhi ng pamumuo ng wax. Siguraduhin na gumamit ng malinis na damit upang linisin nang marahan ang labas na parte ng ear canal ng baby. At iwan ang canal.

Maaari mo ring subukan ang paggamit ng Debrox (eardrop). Tinutunaw nito ang wax, at hinahayaan na magkaroon ng daan papalabas sa tenga nang kusa.

Mayroon ding mga tiyak na lunas sa bahay na maaari mong subukan upang tanggalin ang matigas na wax sa mga tenga ng iyong baby. Maaari mo itong gawin gamit ang dalawa hanggang apat na patak ng mineral oil o olive oil.

  1. Kumuha ng oil mula sa lalagyan at painitin ito sa temperatura na akma sa balat ng baby.
  2. Kumuha ng ilang patak sa iyong dropper.
  3. Dahan-dahang ibuhos ito sa apektadong tenga ng baby (may earwax).
  4. Ihiga ang baby sa parte ng tenga (na binuhusan mo ng oil). Hayaang tumagos ang oil sa tenga ng ilang mga minuto.
  5. Maaari mo itong gawin ng isang beses o ulitin ito ng ilang mga araw depende sa tigas at dami ng wax.
  6. Ang earwax ay dahan-dahang matutunaw at magsisimulang lumabas nang kusa. Hindi ito mabilis na lalabas ngunit sa panahon ng maghapon o dahan-dahan.

Kailan Kokonsultahin Ang Doktor?

Kung tungkol sa paglilinis ng tenga ni baby, kung ang earwax ay hindi lumalambot at hindi lumalabas nang kusa, kahit na sinubukan, kailangan mong bumisita sa doktor. Ang mga doktor ay gumagamit ng tiyak na instrumento na tinatawag na curet upang tanggalin ang earwax o padaluyin ito sa mainit na tubig.

Gayundin, kung naobserbahan ang mga sumusunod na sintomas sa iyong baby, oras na upang seryosohin ang earwax issue.

  • Ang iyong sanggol ay nagsisimulang makaranas ng sakit sa mga tenga
  • Pakiramdam ng pangangati ng tenga
  • Hindi makarinig nang maayos o ilang pagbabago sa pandinig
  • Kung may nana o dugo nang nagsimulang lumabas mula sa tenga
  • Discharge na lumalabas mula sa tenga
  • Ilang mga ringing na tunog sa tenga

Ang earwax ay normal na pangyayari sa mga sanggol maging sa mga matatanda. Maaari itong malunasan sa pamamagitan ng simpleng lunas sa bahay o hayaan itong lumabas nang kusa. At kung sa mga oras na ang earwax ay magsimulang maging sanhi ng malaking problema, bumisita sa iyong doktor nang walang kahit na anong pagkaantala.

Para sa mga alalahanin kung paano ang paraan ng paglilinis ng tenga ni baby, mainam para sa iyo at sa iyong baby na bumisita sa Ears, Nose and Throat (ENT) na doktor kada taon.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What’s Earwax? https://kidshealth.org/en/kids/earwax.html, Accessed on 8/11/2019

Earwax Buildup & Blockage, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14428-ear-wax-buildup–blockage, Accessed on 8/11/2019

Earwax blockage, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/earwax-blockage/diagnosis-treatment/drc-20353007, Accessed on 8/11/2019

Dealing With Earwax, https://kidshealth.org/en/parents/earwax.html, Accessed on 8/11/2019

Ear cleaning: How to clean your child’s ears, https://www.aboutkidshealth.ca/Article?contentid=1974&language=English, Accessed on 8/11/2019

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Baby Bathtub Na May Net: Mga Tips Sa Paggamit Ng Ganitong Bath Tub

Swaddle Sa Sanggol: Heto Ang Tamang Paraan Ng Paggamit Nito


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement