backup og meta

Nawawala ba Ang Birth Mark o Balat? Alamin Dito

Nawawala ba Ang Birth Mark o Balat? Alamin Dito

Iba-iba ang hugis at laki ng birthmark. Bagaman karaniwan ang mga birthmark, mas kilala ang ilan kaysa sa iba. May mga birthmark na naglalaho paglipas ng panahon, ngunit marami ding hindi. Ilan sa mga pinakakaraniwang birthmark ang Mongolian spots o Mongolian blue spots. Kilala ito sa Pilipinas bilang balat. Nauugnay ang pagkakaroon ng balat na ito sa kamalasan, ayon sa mga sabi-sabi. Ngunit paano ba talaga nagkakaroon ng birthmark at nawawala ba ang birth mark?

Ano ang Mongolian Spots?

Ang Mongolian spots ang pinakakaraniwang uri ng birthmark sa mga sanggol. Halos lahat ng doktor ang nagsasabing benign ito. Kaya kung makita ang birthmark na ito sa iyong anak, walang dapat ipag-alala.

Mas madalas kaysa sa hindi, nasusukat ang mga birthmark ng mas mababa pa sa 5cm at hindi rin pantay-pantay ang hugis nito. Maaari ding bluish green ang kulay nito, blue-gray, o kayumanggi ang kulay.

Taliwas sa tawag sa kanila, hindi palaging may birthmark na agad pagkasilang. May ilang sanggol na saka lang nagkakaroon nito paglipas ng ilang linggo. Karamihan sa birthmark ang permanente na ngunit may ilan ding maaaring mawala habang lumalaki ang bata.

Ayon sa isang pag-aaral noong 1981, mas nakikita ang mga birthmark na ito sa sacro-gluteal region, o sa likod ng hita at ibaba ng puwitan ng mga sanggol. Kasunod ang balikat sa pinaka madalas na lugar kung saan din sila lumilitaw. Nagkakaroon ng ganitong balat ang mga sanggol anuman ang kanilang lahi o kultura.

Nawawala ba ang Birth Mark?

Noong 1988, isang pag-aaral ang nailathala ang nag-aral tungkol sa partikular na birthmark na ito sa mga batang Chinese-Canadian. Nakita ang Mongolian spot sa kanilang pagkasilang, at unti-unti rin nawala. Pagkaraan ng anim na taon, mas bumilis ang rate ng pagkawala nito. Pagtungtong ng mga bata ng 10 taong gulang, hindi na muli nakakita ng luma o bagong balat ang mga mananaliksik sa mga bata.

Ang gluteal at lumbar area (ang puwitan at ibabang likod) ang ilan sa iba pang mga lugar kung saan makikita ang mga balat na ito sa mga bata. Anuman ang edad, 58% ng mga lalaki at 53% naman ng mga babae ang may birthmark.

Isa pang pag-aaral ang isinagawa noong 2010 upang matukoy ang dalas at itsura ng mga Mongolian spot. Ginawa din ito upang masuri kung nagbabago ba ang mga birthmark na ito kasabay ng pagtanda. 2,313 sa mga sanggol na pinag-aralan ang mayroong isang patch na mas maliit pa sa 5cm ang laki. Paglipas ng anim na buwan, 11.5% ang nagpakita ng pagkupas ng kanilang birthmark, habang 13.1% naman ang nawalan. Pagkaraan naman ng isang taon, 14.2% ang kumukupas, habang 42.3% naman ang tuluyang nawala.

Ang maraming patch, extrasacral position, sukat na mas malaki sa 10 cm, at dark-colored lesions, tanda lamang sila ng pamamalagi ng mga birthmark ng higit pa sa isang taon.

Birth Mark bilang Problema sa Metabolism

Bagaman benign ang tingin ng mga doktor sa Mongolian spot, posibleng senyales sila ng iba pa. Isang pag-aaral noong 2005 ang nagsabi na maaaring pahiwatig ng posibleng problema sa metabolism ang pagkakaroon ng marami ng balat na ito. Kabilang sa problema sa metabolism ang mucopolysaccharidosis at GM1 gangliosidosis. Hinihikayat ang karagdagang pag-aaral pa para sa mga partikular na birthmark na ito.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Nawawala ba ang Birth Mark: Key Takeaway

Kabilang ang Mongolian blue spot sa mga pinakakaraniwang birthmark sa mga sanggol. Lumilitaw ito sa mga sanggol anuman ang lahi at kultura nila, kadalasan sa sacro-gluteal region, kasunod ang mga balikat bilang pinakamadalas na lugar kung saan sila makikita. Karaniwang lumalabas ang mga ito ng wala pa sa 5cm ang laki at hindi rin pantay-pantay ang hugis.

Nawawala ba ang birth mark? Hindi kailangang alisin ang mga ito dahil natural na nawawala ang mga birthmark sa paglipas ng panahon. Sa kabila ng pagiging pinaka karaniwang birthmark, kadalasang hindi ito tumatagal ng higit pa sa isang taon sa mga sanggol. Maaaring mas magtagal ang mga mas malalaki at maiitim na birthmark, ngunit kahit pa mangyari ang mga ito, hindi kailangang mag-alala. Benign ang mga Mongolian blue spot at wala silang nakakapinsalang epekto sa kalusugan ng iyong anak.

Pindutin ito para sa iba pang baby care.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mongolian spots in the newborn: do they mean anything? https://europepmc.org/article/med/15717433, Accessed January 7, 2022

Mongolian Spots-A Prospective Study, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/pde.12191, Accessed January 7, 2022

Mongolian Spots in Chinese Children, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/j.1365-4362.1988.tb01282.x?casa_token=LY2V4a4ZyocAAAAA:MBIN8JkrDaeyFqS5hSWWe6emLjOUkd8hEjT1t31F2W8pF6Sed6nXnCfkUMCeBd6ICKadrEmiXdnwUAY8, Accessed January 7, 2022

Extensive Mongolian Spots: A Clinical Sign Merits Special Attention, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0887899405004133, January 7, 2022

The Mongolian Spot: A Study of Ethnic Differences and a Literature Review, https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/000992288102001105, January 7, 2022

Kasalukuyang Version

04/13/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement