backup og meta

Nasal Aspirator Para Sa Sanggol: Tips Para Sa Mga Magulang

Nasal Aspirator Para Sa Sanggol: Tips Para Sa Mga Magulang

Ang nasal congestion sa mga sanggol ay nangyayari dahil sa maraming mga rason. Halimbawa, ang mild congestion ay maaaring karaniwan sa mga bagong silang na sanggol sa mga unang araw ng kanilang buhay, ngunit maaari rin itong senyales ng airway obstruction. Ang mga sanggol na nakaranas ng regurgitation ay maaaring magkaroon ng irritated nasopharyngeal tissues na maaaring humantong sa problema sa paghinga. At, syempre, mayroong allergic reactions o respiratory infections na magtri-trigger sa labis na nasal discharge. Dito natin tipikal na kailangan ang nasal aspirator sa mga sanggol.

Ano ang Nasal Aspirator Para sa Sanggol?

Ang nasal aspirator ay isang gamit na humihigop sa mucus mula sa ilong ng iyong sanggol. Ang mga gamit na ito ay madaling gamitin kung ang iyong sanggol ay nahihirapan mula sa baradong ilong at nahihirapan na huminga.

Sa kasalukuyan, makikita mo na maraming mga uri ng nasal aspirator para sa mga sanggol. Sa pangkalahatan, mayroon tayong traditional bulb syringe, ang manual nasal aspirator, at ang automatic na uri.

Bagaman ang mga uri na ito ay may iba’t ibang panuto, pareho pa rin sila ng gabay, kabilang na rito ang:

  • Oras at Dalas: Mainam na gumamit ng nasal aspirator para sa sanggol bago ang oras sa pagkain, makakain sila nang mas madali sa klaro na ilong. Ngunit, hindi mo maaaring gamitin ang aspirator ilang beses mo nais dahil ito ay nagpapataas ng banta ng iritasyon.
  • Gumamit ng nasal saline drops: Kung ang iyong sanggol ay may tumutulong sipon, hindi mo kailangan ng saline drops; ngunit kung mayroon silang makapal at malagkit na mucus, magandang ideya na palambutin muna ito sa pamamagitan ng drops.
  • Kalinisan. Ang nasal baby aspirator ay kailangang linisin bago at pagkatapos gamitin upang mabawasan ang pagkalat ng pathogen. Kung paano mo ito lilinisin, syempre, ay nakadepende sa uri.

Paano Gamitin ang Nasal Aspirator Para sa Sanggol

Ang nasal aspirator para sa mga sanggol ay walang ibang accessories maliban sa bulb. Bago simulan, ihanda ang saline drops (kung kailangan) at ilang mga tissue.

  • Ihiga ang iyong sanggol
  • Pisilin ang bulb upang lumabas ang hangin; panatilihin na nakapisil ang bulb.
  • Ilagay ang dulo sa butas ng ilong ng iyong sanggol, ngunit huwag ipasok ito nang sobra.
  • Marahan na i-release ang bulb; ito ay nakabubuo ng suction na hihigop sa mucus palabas ng ilong ng iyong sanggol.
  • Pisilin ang mucus sa tissue.
  • Higupin ang kabilang butas ng ilong ng sanggol, at pisilin palabas ang mucus sa tissue.
  • Punasan ang ilong ng sanggol ng tissue upang maiwasan ang iritasyon.
  • Limitahan ang paghigop sa 3 beses kada araw.

Matapos ang paghigop, linisin ang syringe sa mainit at masabon na tubig sa pamamagitan ng pagpisil nito nang maraming beses. Tanggalin ang tubig sa loob at alugin din ang aspirator bago tanggalin ang tubig. Pakiusap na alalahanin na ang bulb syringe ay madaling masira, kaya’t kailangan mo itong palitan nang ilang beses. Ang magandang balita ay, ang bulbs ay tipikal na hindi mahal.

Paano Gamitin ang Manual Nasal Aspirator para sa Sanggol

Ang manual nasal aspirator para sa sanggol ay tipikal na mayroong tube; ang kabilang dulo ay may mouthpiece kung saan manual na hinihigop sa pamamagitan ng iyong bibig, at ang isa pang dulo ay may syringe na naghihigop ng mucus palabas sa ilong ng iyong sanggol.

Huwag mag-alala sa pagpunta ng mucus sa iyong bibig; ang manual nasal aspirators ay kadalasan na may disposable filters, na inilalagay sa dulo ng syringe.

  • Iayos ang manual aspirator para sa sanggol mula sa panuto ng manufacturer. Huwag kalimutan na ilagay ang filter.
  • Ihiga ang iyong sanggol.
  • Gumamit ng saline drops kung kinakailangan.
  • Ilagay ang nozzle ng syringe sa labas ng butas ng ilong ng sanggol. Huwag ito ilagay sa loob; malapit lang upang masara ang butas.
  • Sa pamamagitan ng mouthpiece, marahan na ilagay ang suction upang mahigop ang mucus palabas.
  • Ulitin sa kabilang butas ng ilong.
  • Linisin ang ilong ng iyong sanggol.
  • Gamitin ito 3 hanggang 4 na beses kada araw.

Itapon nang maayos ang filter; laging gumamit ng bagong filter. Tanggalin ang mga parte ng manual nasal aspirator para sa sanggol at linisan ito ayon sa panuto (kadalasan sa mainit at masabong tubig). Ganap na patuyuin ang mga ito. 

Paano Gamitin ang Automatic Nasal Aspirator?

Ang panuto sa paggamit ng automatic nasal aspirator para sa mga sanggol ay depende sa brand nito. Kadalasan itong gumagana tulad ng bulb syringe – ang isang pagkakaiba lamang ay hindi mo na kailangan higupin manually. Kailangan mo lang pindutin ang button at hayaan itong gumana ng ilang mga segundo.

Maraming automatic nasal aspirators na mayroong detachable tips. Ang malaki ay para sa makapal na mucus, at ang maliit ay para sa loose discharge. Laging limitahan ang paggamit sa 3 hanggang 4 na beses kada araw upang maiwasan ang iritasyon.

Ang care na panuto ay iba rin dahil kadalasan ito ay pinagagana ng baterya. Kadalasan, kailangan mo paghiwalayin ang gamit at linisin ang magkakahiwalay na parte gamit ang masabong tubig.

Key Takeaways

Ang nasal aspirator para sa mga sanggol ay nakatutulong upang makahinga nang mas madali sa mga panahon na nararanasan nila ang baradong ilong. Sa kaso na magpatuloy ang iyong sanggol sa problema sa pagkain at paghinga, dalhin sila sa doktor para sa maayos na pagtataya.

Matuto pa tungkol sa Pangangalaga ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Maintenance of effective nasal breathing in children: hygienic aspects
https://doaj.org/article/daa3caa4ebd24d498ab074ed0d762c9f
Accessed March 10, 2021

Suctioning the Nose with a Bulb Syringe
https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/health-wellness-and-safety-resources/helping-hands/suctioning-the-nose-with-a-bulb-syringe
Accessed March 10, 2021

How to Use a Manual Nasal Aspirator
https://www.childrensmercy.org/siteassets/media-documents-for-depts-section/documents-for-health-care-providers/evidence-based-practice/clinical-practice-guidelines–care-process-models/manual-nasal-aspirator.pdf
Accessed March 10, 2021

Safety of use, efficacy and degree of parental satisfaction with the nasal aspirator Narhinel in the treatment of nasal congestion in babies
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17947838/
Accessed March 10, 2021

The impact of nasal aspiration with an automatic device on upper and lower respiratory symptoms in wheezing children: a pilot case-control study
https://link.springer.com/article/10.1186/s13052-018-0489-6
Accessed March 10, 2021

Kasalukuyang Version

04/20/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement