backup og meta

Mga Dapat Bilhin Para sa Baby, Anu-ano nga ba?

Mga Dapat Bilhin Para sa Baby, Anu-ano nga ba?

Bilang bagong magulang, maaaring maging stressful ang pagpili ng mga dapat bilhin para sa baby. Alamin dito kung ano ang mga dapat bilhin para sa baby, mula sa araw ng kanyang kapanganakan hanggang sa kanilang mga unang buwan.

Narito ang mga essential at non-essential na gamit na maaaring isaalang-alang.

Mga dapat bilhin para sa baby

Diaper

Mahalaga para sa mga baby ang diaper dahil wala pa silang sapat na bladder at bowel control. Kapag bumibili ng diaper, maaaring pumili ng mga reusable o mga pagpipilian na madaling mabili sa tindahan.

Rash Cream

Karaniwang problema sa mga baby ang diaper rash. Kadalasan itong nangyayari kapag nagsusuot ng basang diaper ang mga baby at saka nakakaapekto sa kanilang balat. Makatutulong ang paggamit ng rash cream para gamutin ang irritated nilang balat. Komunsulta muna sa iyong doktor para sa pinakamabuti at pinakamabisang treatment dito.

Baby wipes

Mahalaga ito at madali ring gamitin tuwing naglilinis ng singit at puwitan ng baby habang nagpapalit ng mga diaper nila.

Malambot na cotton towel, muslin towel, face towel

Nakatutulong ang malambot na cotton towel para mapanatiling tuyo at malinis ang iyong baby. Sa pagpili ng cotton towel, hanapin iyong malambot para sa balat ng baby upang makaiwas sa irritation. Kapag naglalaba naman ng mga damit at tuwalya, piliin ang mga detergent na walang pabango at ginawa para hindi masyadong matapang para sa balat ng iyong baby.

Thermometer

Malaki ang tulong ng thermometer sa tuwing kailangang tingnan ang temperatura ng isang baby, dahil madali lang kapitan ng mga impeksyon ang mga bata.

Baby (hindi matulis/rounded tip) nail clippers at nail files

Mahalagang alagaan ang mga kuko ng iyong baby, dahil maaaring magkamot ng mga mukha ang mga baby at masaktan nila ang kanilang sarili. Posibleng mauwi ito sa mga impeksyon at pagkakaroon ng pilat.

Baby car seat

Kung mayroong sasakyan, mahalagang bagay ito sa tuwing umaalis kasama ang iyong baby. Kinakailangan din ito sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Baby Stroller

Mahalaga ang stroller kapag sinasama ang iyong baby sa labas tuwing may lakad. Mas nagiging madali at ligtas ang paggalaw-galaw kasama si baby.

Cotton bedding at cotton na damit

Malambot at hindi makati sa malambot na balat ng baby ang mga cotton fabric, habang nananatili breathable. Non-allergenic din ang mga ito.

Dapat may kasama ring onesie, sombrero/beanie, at isang pares ng booties/medyas ang mga damit ng baby sa bahay.

Baby crib/ bassinet

Nakakita ng mataas na panganib mula sa Sudden Infant Death Syndrome (SIDS) ang pagpapatulog ng baby sa hiwalay na kwarto o parehong kama ng kanilang magulang, kaya dapat itong iwasan.

Nakatutulong ang pagbili ng baby crib, o mas praktikal, isang bassinet, at ang pagpapatulog sa baby sa parehong kwarto na maiwasan ang mga panganib dahil hindi nakaka-suffocate sa baby ang mga padding dito.

Mga nonessential na baby care product

Pumapangalawa lang ang mga ito sa listahan, ngunit napapadali din nila ang tungkulin ng mga magulang. Narito ang mga gamit na maaaring bilhin kapag naghahanda sa kapanganakan ng iyong anak.

Changing mat

Nagiging madali dito ang pagpapalit ng diaper ni baby dahil nakatutulong ito na mapanatiling ligtas at mas hindi maglikot ang iyong baby habang nagpapalit. Gayunpaman, maaari ring gumamit ng makapal na cotton towel.

Baby monitor

Hindi talaga masyadong mahalaga ang bagay na ito, lalo na kung natutulog malapit o nasa isang kwarto lamang ang iyong baby. Gayunpaman, madalas binibili ito ng mga magulang kung natutulog sa hiwalay na kwarto ang kanilang baby. Nakatutulong ito sa mga magulang na mabantayan at marinig kung umiiyak o nababalisa ang kanilang anak.

Paliguan para sa baby

Kahit mukhang madali gamitin ang paliguan para sa baby, maaaring gumamit na lang din ng bath sink o bath tub kapag nagpapaligo ng baby.

Night lights

Hindi ito kinakailangan ngunit nakatutulong din ito lalo na sa pagpapagatas at pagpapalit sa gabi. Inirerekomenda ito, ngunit dapat patayin ang ilaw kapag natutulog na ang baby o ilagay na ito sa dim mode para masiguro ang mahimbing na tulog ng anak.

Mga high chair o feeding chair

Ginagamit ito kapag nagpapakain ng solid food sa iyong baby na nasa 6 na buwang gulang pa lamang. Maraming murang alternatibo para sa high chair, tulad ng mga booster seat na maaari ilagay sa mga karaniwang upuan sa kusina.

Gayunpaman, iwasan ang pagbili ng mga high chair na maaaring ihiga dahil dapat tuwid na kumakain ang mga bata para maiwasan silang mabulunan.

Sleeping bag para sa baby

Kahit nakitang kapaki-pakinabang ang mga sleeping bag para panatiliin ang temperatura ng isang baby at mapababa ang panganib nila mula sa SIDS, hindi pa rin ito mahalaga dahil posible pa ring matulog sa tabi ng baby.

Maaari pa rin naman bumili nito para sa karagdagang kaligtasan at kapanatagan ng isipan.

Baby bottle

Sa unang 6 na buwan ng buhay ng isang bagong panganak, inirerekomenda na pasusuhin ang baby. Gayunpaman, kung balak sila painumin ng formula, mahalaga at madaling makakuha ng mga baby bottle.

Mga pacifier

Karaniwang ligtas gamitin ang mga pacifier para sa iyong anak at maaari ring makatulong sa maselan na baby. Dagdag pa rito, magagamit din ito para maiwasan ang pagsubo nila sa kanilang daliri.

Mga nursing pad

Tinatawag na nursing pad ang mga disposable na tela na maaaring isuot sa paligid ng nipple para maiwasan ang pagtapon ng gatas. Natutulungan nito ang mga nanay na maiwasan ang mahirap na sitwasyon, lalo na kapag nasa labas ng bahay.

Key Takeaways

Maraming baby care products ang maaaring bilhin, karamihan dito ang essential para sa pangangalaga sa iyong baby. Maaaring mas madali makuha at mas praktikal ang ilang non-essential product, ngunit may mga murang alternatibo naman na may ibibigay na parehong benepisyo. Mahalagang malaman kung ano ang mga dapat bilhin para sa baby, at kung ano ang labis na mahalaga para sa iyo sa tuwing nag-aalaga ng iyong bagong panganak. Ugaliin ding komunsulta sa iyong doktor.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Baby Essentials, https://www.plunket.org.nz/being-a-parent/preparing-for-your-baby/baby-equipment/baby-essentials/, Accessed on March 25, 2021

21 Things you can do with a muslin cloth, https://parental-instinct.co.za/blogs/visit-us-weekly-for-a-fresh-slice-of-pi/21-things-you-can-do-with-a-muslin-cloth, Accessed on March 25, 2021

Diaper Rash, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diaper-rash/symptoms-causes/syc-20371636, Accessed on March 25, 2021

Neonatal Infections, https://www.hopkinsallchildrens.org/Patients-Families/Health-Library/HealthDocNew/Neonatal-Infections, Accessed on March 25, 2021

Nail care for newborns, https://medlineplus.gov/ency/article/001914.htm, Accessed on March 25, 2021

Car Seat Safety, https://kidshealth.org/en/parents/auto-baby-toddler.html, Accessed on March 25, 2021

Room Sharing with Baby, https://rednose.org.au/article/room-sharing-with-baby, Accessed on March 25, 2021

Why Cotton is the Choice for Babies, https://www.healthguidance.org/entry/11489/1/why-cotton-is-the-choice-for-babies.html, Accessed on March 25, 2021

Baby monitors and sensors, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/baby-monitors-and-sensors, Accessed on March 25, 2021

Bedtime habits for infants and children, https://medlineplus.gov/ency/article/002392.htm, Accessed on March 25, 2021

Safe sleep for babies, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/safe-sleep-for-babies, Accessed on March 25, 2021

Kasalukuyang Version

04/28/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement