backup og meta

Kulay ng Dumi ng Baby: Anu-ano ang Ibig Sabihin ng mga Ito?

Kulay ng Dumi ng Baby: Anu-ano ang Ibig Sabihin ng mga Ito?

Isa sa mga bagay na hindi pa nasasabi sa bagong mga magulang na magiging obsessed sila sa poop ng kanilang sanggol. Kung ang iyong sanggol ay tumae, titignan mo ang kulay at texture nito. Kung ang iyong sanggol ay hindi tumae sa loob ng dalawang araw, matutuwa ka nang lubos kapag nakatae na sila. Ang kulay ng dumi ng baby at consistency nito ay maaaring magandang indikasyon ng kalusugan ng iyong anak. Narito ang maaaring ibig sabihin nila.

Uri ng Baby Poop

May iba’t ibang uri ng dumi ng baby. Hindi sila pare-pareho lahat at tiyak na hindi magkakatulad, magkaamoy, o pareho ng pakiramdam. Minsan, maaari itong madilaw, berde na itim, brown, o light yellow. Kaya, ano dapat ang itsura ng poop ng iyong sanggol?

Newborn Poop or Meconium

Ang meconium o tinatawag din ng iba na newborn poop ay nangyayari sa unang dalawang araw matapos isilang ng iyong sanggol. Ang meconium ay gawa sa amniotic fluid, mucus, skin cells, at iba pang mga bagay na na-ingest ng iyong sanggol sa utero o sa loob ng sinapupunan kaya ito ay tulad ng motor oil. Ito ay greenish-black at malagkit na poop ngunit wala itong amoy.

Matapos ang 2 hanggang 4 na araw, ang dumi ng iyong baby ay magpapalit sa mas berde na kulay. Ito ay senyales na mabuting gumagana ang intestinal tract. Ang dumi rin ng iyong sanggol ay mas hindi malagkit at magmumukhang tulad ng kulay na army green.

May maliit na pagkakaiba sa poop ng umiinom ng gatas na sanggol mula sa suso at ang umiinom ng gatas na mula sa formula. Ang mga sanggol na pinapasuso ay mayroong matubig na consistency ng dumi. Ito ay madilaw o slightly green at ito ay maaaring malambot o creamy pagdating sa texture. Maaari rin itong medyo matubig.

Nakakaapekto sa dumi ng sanggol kung ano ang kinakain ng nanay. Kung ang poop ay mukhang bright green at mabula, ibig sabihin ay hindi mo siya napapasuso nang sapat sa kada suso. Huwag mag-alala, kailangan mo lang simulan ang pagpapasuso sa iyong sanggol sa huling suso na ininuman niya ng gatas. Ito ay nakasisigurado na ang iyong sanggol ay nakakukuha ng maraming hindmilk kaysa sa foremilk.

Ang sanggol na umiinom ng gatas sa bote ay may amoy ang dumi kumpara sa pinasususong sanggol. Ang amoy ay hindi gaanong masangsang kaysa sa sanggol na nagsimula nang kumain ng solid food at madali lang na matutukoy ang amoy. Ang dumi ay magmumukhang peanut butter ngunit maputla at mas yellow-brown o green brown kumpara sa pinasususo na mas yellow-green.

Siguraduhin na agad na tawagan ang iyong doktor kung ang kulay ng dumi ng baby ay naging puti, itim o pula.

Mga Baby sa Solid Food

Sa oras na magsimula na ang iyong sanggol sa pagkain ng solid food, maaari mong asahan ang mabilis na pagbabago sa kanyang dumi . Ito ngayon ay magmumukhang brown papuntang dark brown at mas magiging makapal bagaman malambot. Ang amoy ay ang pinaka tiyak na magbabago dahil ang amoy ay mas magiging mabaho.

Minsan, makakikita ka ng chunks ng pagkain na kinain ng iyong sanggol. Ito ay maaaring marahil sa mga sumusunod na rason:

  • Ang digestive system ng sanggol ay walang sapat na oras upang makompleto na matunaw ang lahat.
  • Ang iyong sanggol ay hindi nanguya nang mabuti ang pagkain bago lunukin.
  • Maaaring marami na siyang nakain ng pagkain na pareho ang uri.
  • Kumain siya ng pagkain na hindi madaling tunawin.

Tawagan ang doktor kung ito ay regular na nangyayari upang matingnan ng doktor ang bituka ng iyong sanggol at masiguro na ito ay nag a-absorb ng pagkain, tumutunaw, at nakakukuha ng lahat ng nutrisyon nang maayos.

Kung ang dumi ng baby ay mas matubig kaysa solid, maaaring mayroon siyang diarrhea. Ang kulay ay maaaring dilaw, green, o brown at magmumukhang may maliit na pagsabog, minsan maaaring tumagas ito sa diaper.

Kung ang iyong sanggol ay may 3-4 na pagpapalit ng diaper sa isang araw na may dumi na katulad nito o kung ito ay tumagal sa loob ng 2 araw, kailangan mong tawagan ang iyong doktor. Maaaring maging sanhi ito para sa bata na ma-dehydrate.

Constipation

Kung ang poop ng sanggol ay tulad ng maliit na mga bato at nahihirapan siyang umire, ang iyong sanggol ay maaaring constipated. Hangga’t ito ay hindi higit sa 3 beses na sunod-sunod na nangyari, hindi kailangan na tumawag ng doktor.

Bloody Poop at Poop na may Mucus

Kung ang iyong sanggol ay may dugo sa poop niya, agad na tumawag ng doktor.

Kung may konting mucus, hindi ito dapat ikabahala. Kung maraming mucus na may kasamang dugo, kailangan mong tumawag ng doktor. Ang dugo at mucus sa dumi ng sanggol ay nangangahulugang allergy, isang gastrointestinal na infection, o iba pang problema.

Gaano kadalas dapat tumae ang isang sanggol?

Ang dalas ng pagdumi ay iba-iba sa bawat sanggol. Hangga’t ang dumi na lumalabas ay katanggap-tanggap na malambot at ang iyong sanggol ay nagpo-poop isang beses kada araw. Ang ibang mga sanggol ay nagpo-poop kada matapos padedehin, lalo na kung sila ay pinasususo. Ngunit ang mga pinadede ng formula na mga sanggol ay dumudumi ng isang beses kada araw. Ang ibang mga sanggol ay dumudumi ng isa o dalawang beses kada linggo. Hangga’t ito ay consistent, walang dapat na ipangamba.

Paano Tulungan ang mga Sanggol Tumae

Minsan nahihirapan ang iyong sanggol na tumae. Narito ang ilang mga paraan upang tulungan ang iyong sanggol na tumae ngunit siguraduhin na hindi dumepende sa mga ito.

  • Mainit na paligo, ang mainit na tubig ay nakapagre-relax sa muscles ng iyong sanggol at makatutulong sa pagdumi niya.
  • Bicycle legs. Dahil ang mga sanggol ay laging nakahiga, wala silang sapat na physical stimulation sa kanilang digestive system. Ang paggalaw ng kanilang mga binti nang marahan, tulad ng pagbibisikleta ay makatutulong na ma-trigger ang kanilang digestive system.
  • Tubig o juice. Ang pagbibigay sa iyong sanggol ng kaunting ounces ng tubig o pear juice ay makatutulong sa pagtunaw at bowel movement
  • Masahe. Ang pagmasahe sa tiyan at lower abdomen ay nakakapag-stimule ng bowel upang dumumi ang sanggol. Maaari kang magsagawa ng pagmamasahe kada araw hangga’t ang sanggol ay receptive at hindi nagiging iritable hanggang siya ay dumumi.

Key Takeaways

Laging mag-aalala ang mga magulang sa poop ng kanilang sanggol, gaano kadalas, ano ang itsura, at maging ang amoy nito. Ang pag-alam sa kung anong normal at kung kailan tatawag ng doktor ay napaka halaga kaya’t tandaan ang poop ay iba-iba sa bawat sanggol at magbabago ito kung nagbago ang diet ng sanggol. Hangga’t nanatiling aktibo ang iyong sanggol at hindi naabala ng kanyang poop pattern, hindi ka rin dapat mag-alala. Ang mahalaga ay dumudumi ang sanggol kung kailangan niya kailangan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.unitypoint.org/blankchildrens/article.aspx?id=40567710-74c7-4ef2-a040-847be9fbd35a 

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/baby-poop/faq-20057971 

https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/baby/diapers-clothing/Pages/Babys-First-Bowel-Movements.aspx 

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement