backup og meta

Hirap Matulog si Baby: Tips para sa mga Magulang

Hirap Matulog si Baby: Tips para sa mga Magulang

Sa wakas, nararamdaman mo nang nagiging mas madali ang pagiging magulang, ilang buwan matapos dumating ng iyong supling na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan. Oo, kailangan mo silang pakainin bawat oras at palitan ang hindi mabilang na maruming lampin. Ngunit mas madalas, natutulog lamang na tila anghel ang iyong anak. Hanggang sa hindi na. Sa ilang kadahilanan, hindi na natutulog nang mahimbing ang iyong anak katulad ng dati. Nagpapanatili sa iyo – at marahil, sa buong bahay – na gising din. Tinatawag itong sleep regression ng mga eksperto. At bagaman karaniwan hindi nakapipinsala ang hirap matulog si baby, maaaring magdala ito sa iyo (at sa iyong anak) ng pagkainis.

Ano ang Sleep Regression?

Nangyayari ang sleep regression kapag biglang hirap matulog si baby (18 months old kadalasan) na madali at mahimbing namang nakakatulog noon.

Maaaring tumutukoy ito sa mas maikling oras ng pag-idlip, pag-ayaw matulog, o paggising sa gabi. Hindi lahat ng mga bata ang nakararanas ng sleep regression. Ngunit medyo karaniwan ito lalo na sa kanilang ika-4, ika-8, o ika-18 na buwan. Iba-iba ang edad kung kailan nararanasan ito para sa bawat bata.

Ang mabuting balita dito, hindi nagtatagal ang sleep regression, at may mga praktikal na paraan upang malampasan ito.

Bakit Nangyayari ang Sleep Regression?

Maaaring mangyari ang sleep regression dahil sa ilang dahilan, depende sa edad, kapaligiran, at development ng baby.

Halimbawa, kadalasang nagdudulot ng pagiging makulit ang pagngingipin, na nakakaapekto sa kanilang sleeping pattern. Maaari ding maging sanhi ng kanilang regression ang emosyonal at pisikal na mga pangangailangan ng isang karamdaman; minsan, kahit na gumaling na sila. Ang paglaki at pagkakaroon ng higit pang kakayahan at mas malalim na pag-unawa sa mundo ang maaari ding dahilan kung bakit ayaw pa nilang matulog.

Ngunit paano kung hindi mo maiintindihan ang kanilang regression? Dapat ka bang mag-alala?

Hindi naman.

Ipinaliwanag ng mga doktor na maaaring mangyari ang sleep regression dahil nag-de-develop pa ang kanilang circadian rhythm. Hindi tulad ng matatanda na may mababaw at malalim na tulog, kadalasang malalim ang tulog ng mga bagong panganak. Ngunit habang tumatanda sila, nagsisimula din silang matuto matulog nang mababaw, kung saan mas madali silang magising.

Paano Haharapin ang Sleep Regression?

Mahirap malaman kung gaano katagal ang pananatili ng regression. Ngunit maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na tip para malampasan ito:

1. Sanayin sila kaagad sa bedtime routine

Ang pagkakaroon ng bedtime routine ang unang tip para harapin ang sleep regression. At oo, inirerekomenda ito kahit sa mga baby na kasing bata ng dalawang buwang gulang.

Routine ang tawag sa maraming bagay na karaniwan mong ginagawa sa parehong oras at sa parehong pagkakasunod-sunod.

Bago matulog, isaalang-alang ang pagpapaligo sa iyong anak o pagpapalit ng lampin, pagbabasa sa kanya ng libro, at pagpapasuso sa kanila. Tandaan na pakainin sila nang mabuti. Mapapababa nito ang posibilidad na magising sila dahil sa gutom.

2. Hayaan silang umiyak

Marahil ang hayaan ang mga sanggol na paginhawain ang kanilang mga sarili pabalik sa pagtulog ang pinakapraktikal na tip.

Tinatawag din na “cry-it-out” method, ang ibig sabihin ng paraan na ito. Hahayaan mong manggulo o umiyak ang iyong anak hanggang sa makatulog siya. Hindi mo sila kakargahin o patutulugin.

Maraming magulang ang nahihirapan sa cry-it-out method dahil masakit sa kanila na marinig ang iyak ng kanilang anak. Ngunit ipinaliwanag ng mga eksperto na maaaring magdulot ang madalas na pagkarga sa kanila ng masyadong pagdepende sa iyo.

Narito ang mahalagang punto: Maaari mong puntahan ang iyong anak kapag nagising sila sa gabi. Aliwin sila, at ipaalam sa kanila na naroon ka. Huwag lamang buksan ang ilaw, kausapin sila, o kargahin sila.

3. Pahigain sila sa kama nang inaantok, habang gising pa

Hanggang sa maaari, huwag kargahin o patulugin ang iyong anak bago sila ilipat sa kama. Sa halip, patulugin sila hanggang sa antukin sila at saka sila ihiga. Nakatutulong ito sa kanila na makatulog nang mag-isa, isang kapaki-pakinabang na kakayahan para kapag nagigising sila sa gabi.

4. Gawing angkop ang kapaligiran nila para sa pagtulog

Habang lumalaki ang iyong anak, nagiging mas malay siya sa kanyang paligid.

Siguraduhing tahimik, madilim, at maaliwalas ang silid. Maaari mo ding isaalang-alang ang pagkakaroon ng white noise o malumanay na tunog para mapakalma sila.

Key Takeaways

Nangyayari ang sleep regression kapag biglang hirap matulog si baby na wala namang problema dati sa pagtulog. Kabilang sa mga posibleng dahilan ang pagngingipin, karamdaman, pagkakaroon ng bagong kakayahan, o pagiging mas malay sa kanilang kapaligiran. Gayundin, maaari din itong mangyari dahil nag-de-develop pa lamang ang kanilang circadian rhythm.
Para malampasan ito, isaalang-alang ang pagkakaroon ng bedtime routine, pagpapatulog sa kanila sa kama, pagkakaroon ng kapaligiran na angkop para sa pagtulog, at hayaan silang umiyak kapag nagigising sa gabi.

Matuto pa tungkol sa Baby Care dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The 4-Month Sleep Regression: What Parents Need to Know, https://health.clevelandclinic.org/the-4-month-sleep-regression-what-parents-need-to-know/, Accessed October 7, 2021

Typical sleep behaviour (4) – toddlers 1 to 2 years, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/typical-sleep-behaviour-nb-1-2-years#typical-sleep-behaviour-information-in-community-languages, Accessed October 7, 2021

Important Milestones: Your Child By One Year, https://www.cdc.gov/ncbddd/actearly/milestones/milestones-1yr.html, Accessed October 7, 2021

Getting Your Baby to Sleep, https://www.healthychildren.org/english/ages-stages/baby/sleep/pages/getting-your-baby-to-sleep.aspx, Accessed October 7, 2021

Helping baby sleep through the night, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/in-depth/baby-sleep/art-20045014, Accessed October 7, 2021

Kasalukuyang Version

07/19/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement