Maaaring nahihirapan kang marinig ng iyong anak, ngunit hindi ito nangangahulugang hindi na kayo makakapag-usap nang maayos at magkakaroon ng bonding. Sa katunayan, maraming paraan para masuportahan ang isang sanggol na hindi makarinig. Alamin pa ang mga paraan dito.
[embed-health-tool-child-growth-chart]
Una sa lahat: Manatiling optimistic
Napakahirap malaman na may problema ang iyong anak sa pandinig. Sa ilang pagkakataon, maaari mong maisip ang kanyang hinaharap kung saan nahihirapan siyang makipag-ugnayan sa iba at maging mahusay sa paaralan.
Gayunpaman, tandaan na hindi nangangahulugang mas mababa ang kakayahan ng iyong anak dahil sa pagkabingi. Maraming batang may sensory loss ang lumaking may matibay na pagkakaibigan, makabuluhang career, at masayang buhay.
Makatutulong sa iyo ang pagtingin sa mga bagay sa mas positibong paraan para mapanatiling bukas ang isip sa lahat ng paraan na magagamit mo upang masuportahan ang iyong anak.
Paano suportahan ang sanggol na hindi makarinig
Bago ang lahat, tandaang kailangan na kailangan bilang bahagi ng pagsuporta sa kanilang growth at development ang malapit na pakikipagtulungan sa doktor ng iyong anak. Dahil maraming pumapailalim sa kondisyon ng iyong anak na nakakaimpluwensya sa kurso ng kaniyang care plan.
Kasama ng rekomendasyon ng iyong doktor, nakatutulong ang mga sumusunod na tip para masuportahan ang hindi makarinig na sanggol.
1. Alamin at tumugon sa paraan ng pakikipagkomunikasyon ng anak
Kahit na hindi makarinig ang sanggol, maaari pa rin kayong mag-usap ng iyong anak sa pamamagitan ng paningin at pakiramdam. Maaaring makatulong ang dalawang tip na ito:
Hikayatin silang tumingin sa iyong mukha at makipag-eye contact. Nakatutulong ito sa kanila na makilala ang iba’t ibang ekspresyon ng iyong mukha.
Bigyang-pansin ang kanilang paraan ng pakikipag-usap. Maaaring umiyak lamang nang kaunti ang iyong anak. Kaya napakahalaga ng pakikinig sa iba pa nilang paraan ng pagpapahayag ng sarili nila. Bukod sa pag-iyak at pagngiti, igagalaw din niya ang kaniyang katawan, tititig din sila, at lalapit.
At siyempre, huwag kalimutang sumagot sa mga senyales ng iyong anak. Kapag malungkot sila o nababagabag, gumamit ng mahinahon na tono, hawakan sila para magbigay ng comfort, at magpakita ng nakapapawing ekspresyon sa mukha.
2. Makipag-usap sa doktor tungkol sa hearing aid o cochlear implants
Sa tingin mo ba napakabata pa nila para gumamit ng mga hearing aid o sumailalim sa operasyon ng cochlear implant?
Sinasabi ng mga ekspertong maaaring magsuot ng mga hearing aid ang mga sanggol na nasa loob ng 2 hanggang 3 buwan kapag nakitang hindi makarinig ang sanggol. Sa kabilang banda, karaniwang inirerekomenda ng mga doktor ang mga cochlear implant para sa mga sanggol na mas bata sa 12 buwan na may mas matinding pagkawala ng pandinig.
Nakatutulong ang mga hearing aid para masuportahan ang isang sanggol na hindi makarinig dahil binibigyan sila nito ng pagkakataong makarinig. Pinapasuot sa kanila ito sa mga oras na gising sila. Sa araw, sanay din ang ilang sanggol na suot ito tuwing natutulog sila. Ginagawa sila nitong komportable sa pagtulog o magising sa mga tunog.
Naiiba ang cochlear implant: sinasalin nila ang mga tunog sa electrical signal at direktang pinapadala ito sa utak.
3. Magsaya, at gamitin ang oras ng paglalaro para makipag-bonding sa kanila
Sinasabi ng mga eksperto na hindi dapat hayaan ng mga magulang na humadlang ang kanilang pag-aalala sa pagkakaroon ng masasayang oras ng paglalaro kasama ang kanilang anak. Isang magandang pagkakataon ang paglalaro para mag-bonding at matuto.
Parehong natutuwa sa pag-aaral mula sa mga simpleng aktibidad at pang-araw-araw na bagay ang mga batang nakakarinig at mga may problema sa pandinig. Ilan lamang ang peek-a-boo, mga makukulay na building blocks, at paglalaan ng oras sa labas, sa mga bagay na maaaring makatulong sa isang sanggol na hindi makarinig.
Upang mapunan ang kakulangan ng tunog, gumamit ng mas malalaking kilos at mas maraming ekspresyon sa mukha kapag nakikipaglaro. Gayundin, huwag kalimutang makipag-usap! Hindi ka man nila marinig nang mabuti, ngunit nalalaman naman nilang may sinasabi ka sa kanila kapag nakikita nilang gumagalaw ang iyong labi.
4. Magpatugtog ng musika at kumanta ng mga lullaby
Naisip mo na ba kung maaaring makatulong ang musika para masuportahan ang isang sanggol na hindi makarinig? Kung sa gayon, sinasabi ng mga eksperto na posible ito!
Kahit pa hindi makarinig ang sanggol ng musika kagaya natin, maaari pa rin itong makatulong sa kanila na mapahusay ang kakayahan nilang makinig sa tuwing gumagamit ng hearing aid o cochlear implants.
Kaya huwag mag-atubiling bigyan sila ng mga laruang instrumentong pangmusika. Magpatugtog din ng mga nursery rhymes o lullaby para sa kanila.
Maraming paraan upang masuportahan ang isang sanggol na hindi makarinig. Ngunit tandaan: ang pakikipagtulungan sa doktor ang pinakamahalagang hakbang. Aalamin nila kung gaano kalubha ang pagkawala ng pandinig ng iyong anak. Mula doon, magpaplano para sa mga paraang makatutulong sa kanila.
Matuto pa tungkol sa Baby Care dito.