backup og meta

4 Na Simpleng Gamot Sa Ubo Ng Sanggol Na Aprubado Ng Mga Eksperto

4 Na Simpleng Gamot Sa Ubo Ng Sanggol Na Aprubado Ng Mga Eksperto

Hindi na bago sa mga sanggol na makaranas ng ubo at sipon, lalo’t ang kanilang immune system ay nadedebelop pa lamang. Kaya’t napakahalaga para sa mga magulang na malaman ang tamang gamot sa ubo ng sanggol upang makasigurong mabilis na gagaling at giginhawa ang kanilang mga anak.

Bago tuluyang magsimula sa pagbabasa ng article na ito, ang lahat ng mga mababasang impormasyon dito ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo, diagnosis, at paggamot. Mas maganda pa rin na humingi ng konsultasyon sa doktor.

Ligtas at Epektibong Gamot sa Ubo ng Sanggol

Hindi gaya ng mas nakatatandang bata at matatanda, ang mga sanggol ay nangangailangan ng espesyal na pangangalaga kung mayroon silang ubo. Salamat, dahil maraming ligtas at epektibong mga lunas na maaaring makatulong sa pagbibigay sa iyong sanggol ng ilang mga kinakailangan para sa kaginhawaan niya.

Gayunpaman, mahalagang tandaan na kapag ang iyong sanggol ay nagpapakita ng iba pang sintomas, o ang kanilang ubo ay matagal nang hindi nawawala, magandang ideya na dalhin sila sa doktor. Sa ganitong paraan, maaari nilang matanggap ang posibleng pinakamahusay na pangangalaga.

Ngayon, narito ang ilan sa mga ligtas at epektibong lunas sa ubo ng sanggol 

Panatilihin silang hydrated

 Kung ang iyong sanggol ay may ubo, napakahalagang panatilihin silang hydrated. Para sa mga sanggol na 6 na buwan o mas bata, ang maligamgam na breast milk o formula milk ay maaaring makatulong upang  paginhawahin ang kanilang lalamunan. Isa ito sa mga epektibong  gamot sa ubo ng sanggol.

Para sa nakatatandang bata, maaari mong bigyan sila ng tubig o sariwang fruit juice. Nakatutulong ito na panatilihing hydrated ang mga daanan ng kanilang hangin at maaari ring makatulong paginhawahin ang kanilang ubo. Ito ay isa sa mga pinakasimple at epektibong lunas sa ubo ng sanggol.

Isang bagay na dapat tandaan,  iwasan ang pagbibigay ng matamis na inumin sa inyong mga anak. Kabilang na rito ang sweetened fruit juice o powdered fruit juice. Dahil ang mga produktong ito ay naglalaman ng maraming asukal, na maaaring aktwal na mapinsala ang lalamunan ng iyong anak at magresulta ng mga bagay na malala sa halip na mabuti.

Gumamit ng Saline Drops

 Ang paggamit ng saline drops sa ilong ng iyong sanggol ay maaaring labanan ang ubo at sipon. Dahil ito ay makatutulong na maiwasan ang post nasal drip, na nakapag-iirita sa lalamunan ng iyong sanggol at maaaring magbunsod sa pag-ubo.

Ang isa pang benepisyo sa paggamit ng mga saline drops ay nakatutulong na panatilihing mamasa-masa ang mga nostrils ng iyong sanggol. Pinipigilan nitong maging tuyo at iritable at tumutulong din sa pag-alis ng baradong ilong.

Mahalaga din na sundin ang mga paalalang  nakasulat sa package at huwag lumampas sa nakasaad dito. Nasa 3-4 patak sa bawat butas ng ilong ang makasasapat upang maiwasan ang pangangati at mabawasan ang pag-ubo. Ito ay isang epektibong gamot sa ubo ng sanggol na ligtas at madaling magagamit!

I-on ang humidifier 

Ang panunuyo ng mga daanan ng hangin, lalo na ang lalamunan, ay maaaring maging rason para sa isang sanggol na magkaroon ng ubo. Ito ay kadalasang nangyayari kapag ang panahon ay lalong malamig at ang hangin ay tuyo.

Isang epektibong paraan upang harapin ito ay gumamit ng humidifier. Ang humidifier ay isang device na nag-iisprey ng tubig sa nakapalibot na hangin, na nagpapataas ng kahalumigmigan.

Nakatutulong ito upang maiwasan ang pangangati at pinapanatiling mamasa-masa ang daanan ng hangin ng iyong sanggol upang hindi sila mairita. Siguraduhing malinis na tubig ang gagamitin sa loob ng iyong humidifier, dahil kung ito ay marumi, hindi lamang nito mapipinsala ang device, kundi pati na rin ang nakapalibot na hangin.

Karamihan sa mga humidifier ay inirerekomendang distilled water ang gamitin, kaya’t ito na ang pinakamainam sa halip na chlorinated water.

Bigyan ng honey (ang mga batang may edad 1 taon at higit pa) 

Isa pang gamot sa ubo ng sanggol ay honey. Ito ay isang natural na lunas para sa namamagang lalamunan. Maaari itong makatulong na mabawasan ang pangangati, maibsan ang ubo, at mayroon din itong ilang mga antibacterial properties.

Ang pagbibigay sa iyong sanggol ng isang kutsarang honey ay isang mahusay na paraan upang makatulong na mapawi ang anumang ubo at ito ay mas masarap kaysa sa karaniwang gamot sa ubo ng sanggol.

Gayunpaman, dapat mo lamang bigyan ng honey ang  batang nasa edad 1 taon o higit pa. Ang dahilan sa pagbibigay sa iyong sanggol ng honey nang masyadong maaga ay maaaring maging sanhi ng infant botulism. Ito ay isang malubhang karamdaman na nangangailangang ma-ospital ang bata, sa ilang mga bata kahit na naka-attach sa mga ventilator. 

Nangyayari ito dahil ang honey ay maaaring minsan ay naglalaman ng mga mikrobyo na nagiging sanhi ng botulism. Para sa mas nakatatandang bata at matatanda, kadalasan ito ay walang hatid na panganib habang ang kanilang immune system ay may sapat na lakas upang labanan ang mga mikrobyo. Ngunit ang mga sanggol na mas bata sa 1-taong-gulang ay maaaring magkaroon ng mahinang immune system at kaya mas madaling silang kapitan ng sakit na botulism.

Pagdating sa gamot sa ubo ng sanggol, laging kumonsulta sa iyong doktor lalo na ukol sa ubo na hindi nawawala.

Matuto rito nang higit pa tungkol sa pag-aalaga ng sanggol.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Eight facts about baby and newborn coughs and colds | NCT, https://www.nct.org.uk/baby-toddler/your-babys-health/common-illnesses/eight-facts-about-baby-and-newborn-coughs-and-colds, Accessed April 22, 2021

First Aid: Coughing (for Parents) – Nemours KidsHealth, https://kidshealth.org/en/parents/cough-sheet.html, Accessed April 22, 2021

Coughs: Meds or Home Remedies?, https://www.seattlechildrens.org/conditions/a-z/coughs-meds-or-home-remedies/, Accessed April 22, 2021

Coughs and Colds: Medicines or Home Remedies? – HealthyChildren.org, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/chest-lungs/Pages/Coughs-and-Colds-Medicines-or-Home-Remedies.aspx, Accessed April 22, 2021

Colds, coughs and ear infections in children – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/baby/health/colds-coughs-and-ear-infections-in-children/, Accessed April 22, 2021

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Ruben Macapinlac, MD, DPPS

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Ruben Macapinlac, MD, DPPS

Pediatrics · Philippine Pediatric Society


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement