Normal na sa magulang ang paggamit ng diaper para kay baby. Bukod sa convenient ito, mas madali itong isuot sa bata. Masasabi na hindi masusukat ang excitement ng mommies at daddies. Partikular, kapag nandiyan at nailabas na si baby sa sinapupunan ni mommy. Ang pagtanggap ng isang sanggol sa pamilya ay tanda ng pagkakaroon ng bagong responsibilidad — kung saan bahagi nito ang pag-aalaga at pagtiyak na ligtas ang anak. Kaugnay nito, isa sa “most basic things” na kailangang matugunan ng magulang ang pagbibigay ng pinakamagandang diaper para kay baby.
Pag-Iwas sa Diaper Rash
Maaaring simple ito, ngunit ang pagpapalit ng diapers ay isang pundasyon ng pangangalaga sa sanggol. Pwedeng makapinsala sa balat ng baby ang hindi pagpapalit ng diaper sa loob ng mahabang panahon. Kung saan, ito ang isa sa dahilan ng diaper rash. Ang sensitivity at chafing ng balat ng sanggol ay iba pang factors sa pagbuo ng diaper rash.
Madali mong makikita ang diaper rash sa itsurang kulay pula, tender-looking skin sa rehiyon ng diaper — na sumasakop sa rehiyon ng puwit, hita, at ari.
Bukod sa mga pisikal na palatandaan, ang mga pagbabago sa infant’s disposition ay nagmamarka rin ng pagkakaroon ng diaper rash. Nakikita ito sa oras na hindi komportable si baby — at mas nagiging magulo kumpara sa karaniwan. Ang sanggol na may diaper rash ay kadalasang umiiyak kapag hinawakan o hinuhugasan ang kanilang diaper area.
Ano ang Pinakamagandang Diaper para kay Baby?
Dapat na isaalang-alang ang mga diaper na hindi magreresulta sa diaper rash. Partikular sa paghahanap ng pinakamahusay na diaper para kay baby. Sa madaling salita, pinapanatili ng pinakamahusay na diaper na tuyo ang sanggol — kahit na natutulog ito sa magdamag. Ang pinakamahusay na diaper para kay baby ay karaniwang maginhawa sa pakiramdam at paggamit ng bata.
Ang pagpili ng diaper ng sanggol ay pwedeng maging isang personal na desisyon. Kung saan, nakasalalay ito sa maraming mga kadahilanan. Ngunit, dapat na maging “absorbent” ito upang masipsip ang likido mula sa baby nang madali. Sinasabi rin na ang pagbuo ng superabsorbent polymers ay nagreresulta partikular, sa mga diaper na pwedeng sumipsip at magpanatili ng malaking amount ng ihi at dumi ng sanggol.
Ano ang Nasa Loob ng Disposable Diaper para kay Baby?
Ang disposable baby diapers ngayon ay binubuo ng tatlong layer. Ito ang top sheet, na pinakamalapit sa balat, na naghihiwalay sa balat ng baby, mula sa inner core ng diaper. Sinasabi rin na ang absorbent core ay naglalaman ng “fluff pulp,” isang mixture ng superabsorbent polymers sa cellulose core. Ang backsheet ay isang waterproof outer material ng polyethylene o polypropylene.
Ang komposisyon, dami, at superabsorbent polymer distribution ay naiiba sa bawat brand ng diaper.
Bagama’t maginhawa at lubos na sumisipsip ang mga disposable diaper. Mapapansin na may dilemma ito tungkol sa ecological ramifications. Ang global production ng mga disposable diaper ay tumataas nang husto. Sa kasamaang-palad, wala pang pinagkasunduan sa kung ano ang mga pinakamahusay na paraan. Para sa pag-recycle ng mga diaper, maging sa mga produktong panlinis na sumisipsip, gaya ng baby wipes.
Gaano Ka-Organic ang Diapers?
Sa mga nagdaang taon, ang baby diaper manufacturers ay gumagawa ng diapers mula sa iba’t ibang fibrous na komposisyon. Mayroong gawa sa pure na fiber ng kawayan, organic cotton, at pinaghalo na cotton at fiber ng kawayan. Ang diapers ay naglalaman ng superabsorbent polymer sodium polyacylate upang mapahusay ang kanilang kapasidad sa pagsipsip.
Bagama’t ang reusable diapers ay maaaring maging mas mahal bawat piraso at mas labor intensive, pwede silang maging mas cost-effective sa mahabang panahon. Kung saan, ang paggamit ng mga natural, breathable na materyales tulad ng cotton ay ginagawang komportable ang mga ito para sa baby at binabawasan nito ang panganib ng diaper rash maging ang environmental impact.
Ang mga antibacterial activity test ay isinagawa din sa mga diaper ng baby — laban sa S. aureus at E coli. Makikita na ang mga diaper ay sumailalim din sa product density, kapal, kapasidad ng pagsipsip — at iba similar test. Mapapansin din na ang diaper na gawa sa kawayan/organic na koton (70/30) ay nagpakita ng pinakamahusay na bisa. Marahil ang ang komposisyon ng diaper na ito ay ginagawang mas eco-friendly — at mas madaling mabulok ang mga ito kaysa sa mga naunang nabanggit na standard disposable diapers.
Kinikilala ng pag-aaral na inilathala noong 2017 ang environmental waste dulot ng disposable diapers. Humigit-kumulang 20 bilyong diaper ang nakahanap ng daan patungo sa mga landfill taun-taon. Ito’y bumubuo ng higit sa 3.5 milyong tonelada ng basura ng diaper na hindi mabubulok hanggang sa halos 500 taon. Samakatuwid, ang proyekto ng pananaliksik ng PolYBioSkin European ay naglalayong pag-aralan ang mga natural na biopolymer — at mga makabagong non-woven tissues. Ang end goal nito ay makapag-produce ng biodegradable baby/elderly diapers, facial beauty masks at advanced medications.