backup og meta

Bakit Utot nang Utot Si Baby? Dapat ba Akong Mag-alala?

Bakit Utot nang Utot Si Baby? Dapat ba Akong Mag-alala?

Bakit utot nang utot si baby? Hindi lang nababahala ang mga magulang sa madalas na pag-utot ng bagong panganak na baby at hindi dumudumi. Hindi rin ito mabuti sa pakiramdam ng baby. Gayunpaman, walang dapat ipag-alala kung utot nang utot si baby. Karaniwan itong kondisyon at maraming solusyon na maaaring subukan.

Bakit Utot nang Utot si Baby?

Maraming dahilan kung bakit madalas umutot ang baby pero hindi dumudumi. Kapag kaunti lang o hindi nadudumi, nag-aalala agad ang mga magulang na maaaring may problema sa digestive system ng kanilang anak. Ngunit mayroong iba’t ibang dalas ng pagdumi ang mga batang nasa iba’t ibang edad na may magkakaibang kinakailangang nutrisyon. Kailangang alamin ito nang mabuti upang malaman kung normal ang pagdumi ng iyong baby.

Ilang Beses sa Isang Araw Dumudumi Ang Bagong Panganak na Baby?

Nakadepende sa edad ng baby ang dalas ng kanyang pagdumi. Halimbawa, mas kaunti ang pagdumi ng mga baby na nasa ilang linggo hanggang ilang buwang gulang kaysa sa mga baby na ilang araw pa lang ang edad.

Mayroong 2 buwan o mas matanda pang baby ang dumudumi minsan ng isang beses sa isang araw o higit pa. Dumudumi rin kada ilang araw o minsan lang sa isang linggo ang iba pang mga baby.

Dagdag pa sa edad, nakasalalay ang dalas ng pagdumi ng baby sa kinakain at iniinom nito.

  • Kung breastfed lang ang iyong baby, maaaring hindi sila dumumi araw-araw. Pwedeng gamitin ng kanilang katawan ang mga bumubuo sa breast milk para sa nutrisyon kaya kaunti lang ang kanilang nailalabas. Pagtapos ng humigit-kumulang unang 6 na linggo, maaaring hindi dumumi ang baby sa loob ng 1 hanggang 2 linggo.
  • Maaaring dumumi ang mga formula-fed na baby nang apat na beses sa isang araw o isang beses lang sa bawat ilang araw.
  • Ganap na magbabago ang dalas ng pagdumi ng baby kapag nagsimula na silang kumain ng mga solid food. Sa puntong ito, mapapansin kung aling mga pagkain ang nagiging sanhi kung bakit utot nang utot si baby.

Hindi kailangang labis na mag-alala kung madalas ang pag-utot ng baby at hindi dumudumi. Obserbahan ang kilos ng iyong anak upang malaman ang sanhi ng problema.

Ang Rason Kung Bakit Utot nang Utot si Baby at Hindi Dumudumi

Minsan dahil sa constipation kung bakit utot nang utot si baby at dumudumi. Karaniwan lang ito sa mga bata. At kung dumumi sila, matigas, tuyo at maliit ang itsura.

Ngunit may mga panahon ding hindi constipated pero madalas ang pag-utot ng baby. Nakadepende ang dahilan nito sa diet at sa nagdudulot ng gas.

Breastfed Baby

Halos hindi nagkakaroon ng constipation ang mga batang breastfed dahil karaniwang mas madaling matunaw ang breast milk kaysa sa formula milk. Gayunpaman, maaaring magbago ang pagdumi ng iyong baby habang nagbabago ang breast milk.

Mga 6 na linggo pagkatapos manganak, kakaunti o mawawala na ang protina na tinatawag na colostrum sa breast milk. Tinutulungan nito ang immune system ng baby na labanan ang mga mikrobyo. Sinusuportahan din ng nito ang pagdumi ng baby sa mga unang ilang linggo ng kanyang buhay. Kapag nabawasan ang gatas o wala na ang colostrum, maaaring mas madalang na ang pagdumi ng iyong baby.

Madalas Ang Pag-utot ng Baby Dahil sa Formula Milk

Kung formula-fed ang iyong baby, maaari silang umutot nang umutot dahil sa pagsipsip nila ng hangin habang umiinom o kung nagbago ang kanilang gatas mula sa bote. Normal lang ito dahil sensitibo pa rin ang digestive system ng baby. Kung sakaling utot nang utot si baby at walang sintomas ng constipation o iba pang digestive problem, hindi kailangang mag-alala ng mga magulang.

Madalas ang Pag-utot ng Baby at Hindi Dumudumi Dahil sa Pagkain ng Solid Food

Kapag pinakain na ng mga solid food ang baby, maaaring hindi sila dumumi at magkaroon ng maraming gas. Karaniwan itong nangyayari kapag sinusubukan ng baby ang mga bagong pagkain.

Maaaring paunti-unting simulan na magpakain ng mga bagong pagkain sa baby, mas mabuti kung paisa-isa upang matukoy ang mga pagkaing nagdudulot ng gas o constipation.

Kung madalas ang pag-utot ng bagong panganak ngunit hindi dumudumi, tingnan ang iba pang mga senyales at sintomas ng constipation:

  • Ayaw sumuso
  • Mayroong matigas at maliit na dumi
  • Madalas umiyak at mainis
  • Mayroong tuyo at itim na dumi
  • Lubhang ninenerbyos at namumula ngunit hindi dumudumi

Mga Solusyon Para sa Utot Nang Utot na Baby

Nawawala ang karamihan sa mga kaso ng gas o constipation habang nag-de-develop ang digestive system ng baby. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kaso kung kailan kailangan umaksyon ng mga magulang.

Kailan Pupunta sa Doktor

Kung madalas umutot ang iyong baby, hindi pa dumumi sa loob ng ilang araw, at wala pang 6 na linggong gulang, agad na dalhin sa doktor. Sa mga bihirang kaso, maaaring senyales ng mas seryosong problema sa kalusugan ang hindi pagdumi. Maaaring obserbahan ang iba pang mga sintomas tulad ng:

  • Lagnat
  • Pagsusuka
  • Abdominal distention
  • Labis na pag-iyak
  • Hindi umiinom ng gatas o kumakain
  • Namamaluktot na parang nasasaktan

Makararanas paminsan-minsan ng constipation ang mga sanggol na higit sa 6 na linggong gulang. Dalhin ang iyong anak sa doktor kung hindi pa dumudumi nang lagpas sa isang linggo o kung nakararanas ng constipation o madalas na matigas ang kanyang dumi.

Home Treatment

Matapos dalhin ang iyong anak sa doktor, magtanong sa doktor kung ano ang maaaring subukang home remedy para sa anak. Kabilang sa mga paraan ang mga sumusunod:

    • Bigyan ang baby ng karagdagang pagkain. Maaaring magbigay ng dagdag na breast milk o formula sa baby kung nais pa nilang kumain.
    • Bigyan ang baby ng tubig. Lalo na para sa mga baby na higit sa 6 na buwang gulang, nararapat silang bigyan ng kaunting tubig na maiinom. Pwede ring magtanong sa doktor kung maaaring magbigay ng laxative juice sa baby tulad ng apple o pear juice. Makatutulong sa pagpalambot ng dumi ang pagbibigay ng tubig sa mga baby na mas matanda sa 6 na buwan.
    • Baguhin ang diet. Kung kumakain na ng mga solid food ang baby, maaari silang bigyan ng mga pagkaing mayaman sa fibre upang mapadali ang kanilang pagdumi.
    • Bigyan ng ehersisyo ang baby. Maaaring kailanganin mag-ehersisyo ng iyong baby upang mapadali ang kanilang pagdumi. Igalaw ang mga binti ng iyong baby na parang nagbibisikleta upang makatulong sa pagtunaw nila. Maaari rin silang subukang patayuin sa iyong kandungan habang hawak-hawak sila upang makapaglakad sila.
    • Bigyan ang baby ng mainit na masahe at paligo. Pwede ring masahihin ang tiyan at katawan ng baby upang makatulong sa kanilang pagpapahinga at pagginhawa ng masikip nilang kalamnan sa tiyan. Maaari ring bigyan sila ng maligamgam na paligo upang makatulong sa kanilang makapagpahinga.
    • Medikasyon. Kung nagbago ang pagpapakain, diet, o ehersisyo ng baby at hindi pa rin nawawala ang constipation, maaaring irekomenda ng doktor ang glycerin para sa bata. Maaaring mapabuti ng gamot na ito ang pagdumi ng iyong baby. Tumutulong ito sa kanila na maging mas komportable at makatulog nang mas mahimbing.

Key Takeaways

Nakadepende sa edad at nutrisyon ang dahilan kung bakit utot nang utot si baby. Kailangang alamin ang mga sanhi nito upang matulungan ang iyong anak na mapabuti ang kanilang kondisyon.

Matuto pa tungkol sa Pag-aalaga ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Your Baby’s Growth: 3 Months, https://kidshealth.org/en/parents/growth-3mos.html, Accessed December 21, 2021

Constipation in babies, https://www.pregnancybirthbaby.org.au/constipation-in-babies, Accessed December 21, 2021

Constipation: Infant, https://www.nationwidechildrens.org/conditions/constipation-infant, Accessed December 21, 2021

How Can I Tell if My Baby Is Constipated? https://kidshealth.org/en/parents/constipated.html, Accessed December 21, 2021

How Long Can A Baby Go Without Pooping? https://childrensmd.org/browse-by-age-group/newborn-infants/long-can-baby-go-without-pooping/, Accessed December 21, 2021

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement