backup og meta

Ano Ang Apgar Score, at Bakit Ito Mahalaga sa mga Sanggol?

Ano Ang Apgar Score, at Bakit Ito Mahalaga sa mga Sanggol?

Pagkatapos maisilang ng sanggol, madalas na may sinasabi na numero ang nars o doktor. Tinatawag na APGAR score ang numerong ito. Kung malapit ka nang magkaroon ng anak, makatutulong sa iyo na maintindihan kung ano ang APGAR score value. Matuto pa tungkol dito.

Ano ang APGAR Score

Una, alaming isang acronym ang APGAR. Kumakatawan ito sa: appearance, pulse, grimace, activity, at respiration. Talakayin natin ang bawat isa sa ibaba.

Appearance

Matapos ang panganganak, kailangan agad suriin ng nars ang itsura ng sanggol, lalo na ang kanilang kulay. Narito ang ibig sabihin ng mga score:

  • 2: May normal na kulay sa buong katawan ang sanggol, at kulay pink ang kanilang mga kamay at paa.
  • 1: May normal na kulay ang sanggol, ngunit bluish ang kanilang mga kamay at paa.
  • 0: Maputla o bluish-gray ang buong katawan ng bagong panganak.

Pulse

Ang pulso o heart rate ang pangalawang point of assessment sa APGAR score. Nagbibigay ng sumusunod na score ang healthcare practitioner:

  • 2: May normal na pulso ang sanggol: higit pa sa 100 beats per minute.
  • 1: Mas mababa sa 100 beats per minute ang pulso.
  • 0: Walang pulso ang sanggol.

Grimace

Marahil medyo kakaiba na kabilang ang grimace sa APGAR score. Ngunit hindi lang nito tinuturo ang karaniwang nangangasim na ekspresyon ng sanggol pagtapos maipanganak. Tumutukoy ang grimace sa reflex irritability ng sanggol.

Mga ibig sabihin sa likod ng score:

  • 2: Nagpapakita ng irritability sa stimulation ang sanggol. Maaaring umubo, bumahing, pumiglas, at umiyak nang malakas ang iyong anak.
  • 1: Nagpapakita ng grimace sa stimulation ang sanggol, ngunit wala nang iba.
  • 0: Walang tugon ang sanggol sa stimulation.

Activity

Aktibo ang malusog na sanggol pagtapos ipanganak. Tumutukoy sa muscle tone ang activity sa APGAR score. Narito ang mga score:

  • 2: Kusa at aktibong gumagalaw ang sanggol.
  • 1: Mayroong muscle tone, ngunit makikita lamang ito sa pag-flex (maliit na paggalaw) ng mga braso at binti.
  • 0: Walang muscle tone ang sanggol. Ibig sabihin, loose at floppy ang kanyang muscle.

Respiration

At panghuli, R naman para sa respiration. Narito ang mga score:

  • 2: Kung maayos o malakas umiyak ang sanggol.
  • 1: Mabagal o hindi regular ang paghinga at mahina ang pag-iyak ng sanggol.
  • 0: Hindi humihinga ang sanggol

Pagsasama-sama at Pagbibigay-kahulugan sa mga Score

Karaniwang tinitingnan ng mga healthcare practitioner ang APGAR score nang dalawang beses. Isang minuto pagtapos maisilang at saka pagtapos ng 5 minuto. Sinasabi ng score sa unang minuto kung gaano kahusay napagdaanan ng sanggol ang proseso ng panganganak. Sinusuri naman ng score sa ikalimang minuto kung gaano kahusay kinaya ng sanggol sa labas ng sinapupunan ng ina.

Sa madaling sabi, pinagsasama-sama ng nars ang mga score sa bawat area (pinakamataas ang 10). Tinuturing na mabuti ang score na 7 pataas, ngunit hindi nangangahulugan na hindi malusog ang iyong anak dahil sa mababang score na nakuha (lalo na sa unang minuto). Maaaring nangangahulugan lamang ito na nangangailangan ng mas maraming oras ang iyong anak na mag-adjust.

At siyempre, kung mananatiling mababa ang score, maaaring magpahiwatig iyon na nangangailangan ng medical treatment ang sanggol. Halimbawa, maaaring mangailangan ng suctioning ang isang sanggol na nahihirapan huminga para maalis ang sobrang mucous.

Nasasabi ba ng APGAR Score ang Kalusugan ng Sanggol sa Hinaharap?

Bago namin sagutin ang tanong na ito, tandaan na maaaring may mababang APGAR score ang mga malulusog na sanggol sa unang ilang minuto ng kanilang buhay 

Gayunpaman, sinabi ng American College of Obstetricians and Gynecologists na maaaring may kaugnayan ang mababang 5 minuto na score sa panganib ng cerebral palsy. Sinabi nila na may 20-100x na mas mataas na panganib ang mga sanggol na may mababang marka sa 5 minutong na score kumpara sa mga sanggol na may markang 7 hanggang 10.

Sa huli, HINDI ginagamit ng mga healthcare professional ang APGAR score para masabi ang hinaharap at pangmatagalang kalusugan ng sanggol.

Key Takeaways

Ang APGAR score, na kumakatawan sa appearance, pulse, grimace, activity at respiration, ang nagbibigay ng kabuuang ideya kung gaano kahusay kinaya ng sanggol ang proseso ng panganganak at ang buhay sa labas ng sinapupunan ng kanyang ina. Gayunpaman, hindi nito sinasabi ang kanilang future at pangmatagalang kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

APGAR Score, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470569/, Accessed March 7, 2022

Apgar score, https://medlineplus.gov/ency/article/003402.htm#:~:text=The%20Apgar%20score%20is%20based,newborn%20is%20in%20good%20health., Accessed March 7, 2022

What Is the Apgar Score?, https://kidshealth.org/en/parents/apgar0.html, Accessed March 7, 2022

The Apgar Score, https://www.acog.org/clinical/clinical-guidance/committee-opinion/articles/2015/10/the-apgar-score, Accessed March 7, 2022

Apgar Scores, https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/prenatal/delivery-beyond/Pages/Apgar-Scores.aspx, Accessed March 7, 2022

Kasalukuyang Version

06/03/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Hindi Mapatahan Si Baby? Narito Ang 5 Tips!

Anong Marapat Gawin Kung May Singaw Si Baby?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement