Ang babies na wala pang 6 months ay hindi dapat uminom ng ibang fluids, maliban sa breastmilk. Ngunit, pinapayuhan na dapat silang maging hydrated lalo na sa mainit na panahon mainam sa pamamagitan parin ng gatas ng ina o formula milk. Kapag nakumpleto ni baby ang 6 na buwan. Pwede mong unti-unting ipakilala ang tubig para sa baby. Partikular, kapag nauuhaw sila — at habang inaalis sila breastmilk o formula. Ang pagpapakilala ng tubig sa babies ay isang mahalagang milestone. Gayunpaman, ang labis na pagpapainom nito ay pwedeng humantong sa pananakit ng tiyan o pagiging masyadong busog. Dahilan para hindi makakain ang anak.
Kapag ang iyong baby ay marunong ng kumain ng solid foods — at uminom ng whole milk pagkatapos ng kanilang first birthday. Maaari mo siyang payagan na uminom ng mas maraming fluids hangga’t gusto niya. Lalo na kapag siya ay nauuhaw talaga.
Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang ilang mga katanungan at pagdududa na karaniwang mayroon ang mga bagong ina. Tungkol sa pagpapakilala ng tubig para sa baby.
Tubig para sa baby: Hindi dapat para sa sanggol na wala pang “6 na buwan”
Ang maagang pagpapakilala at labis na pag bigay ng tubig sa babies na wala pang 6 months ay maaaring humantong sa mga sumusunod:
- Makagambala sa kakayahan ng kanilang katawan na sumipsip ng mga sustansyang nasa gatas ng ina o formula milk.
- Pwede silang maramdaman ng kabusugan sa kanilang tiyan. Kung saan, pinapatay nito ang kanilang gana — at hindi ito nagbibigay sa kanila ng mga sustansya na mahalaga para sa kanilang holistic na paglaki at pag-unlad.
Ang pag-inom ng labis na fluids ay pwede ring humantong sa isang kondisyon na tinatawag na “pagkalasing sa tubig” o “water intoxication”. Maaari itong magresulta sa mga seizure at maging dahilan ng coma at kamatayan.
Sinasabi na ang pagkalasing sa tubig ay nagaganap. Kapag ang malaking dami ng fluids ay lampas sa dami na pwedeng matunaw o digest ng isang baby sa edad niya. Ito ay nagpapalabnaw sa konsentrasyon ng sodium sa katawan. Masama itong nakakaapekto sa kanilang ratio ng kanilang sodium sa fluid. Nakakagambala rin ito sa electrolyte balance. Kung saan, humahantong din ito sa pamamaga ng tissues.
Kapag ang babies ay umiinom ng labis na fluids. Hindi nagiging balanse ang ratio ng kanilang sodium sa fluid. Kung saan, pwede silang mamatay sa pagkalasing sa tubig.
Maaari ko bang i-dilute ang Formula sa Tubig?
Maingat na sundin ang package guidelines para sa paggawa ng formula. Gamitin lamang ang halagang sinasabi kaugnay sa paglikha ng partikular na formula. Ang pagdaragdag ng masyadong maraming fluids sa formula ay hindi lamang nagiging dahilan ng panganib ng pagkalasing sa tubig. Dahil pinipigilan din nito ang katawan sa pagsipsip ng mga sustansya mula sa formula.
Ano ang Dapat Kong Gawin Kung ang Aking Baby ay Dehydrated?
Pwedeng makaramdam ng pagka-dehydrate ang iyong sanggol. Kapag sinimulan mo siyang alisin sa gatas ng ina o formula milk. Partikular, kapag nasa pagitan sila ng 6 na buwan at isang taon. Gayunpaman, siguraduhing hindi mo pinainom ang iyong anak ng maraming healthy fluids. Ang halaga ay dapat na limitado sa ilang sips. Ito ay dapat lamang na gawin kapag sila ay nauuhaw. Sinasabi na ang sobrang pagpapainom ay pwedeng magresulta sa kanila ng sakit sa tiyan o gastroenteritis. Sa ganitong mga kaso, maaaring imungkahi ng doktor na bigyan sila ng electrolyte na inumin. Gaya ng pedialyte o infalyte upang makatulong na malampasan ang dehydration.
Pagpapakilala ng carbonated, mineral o sugar water sa babies
Inirerekomenda ng mga doktor na maghintay hanggang ang iyong baby ay umabot ng hindi bababa sa 2 taong gulang. Para sa pagpapakilala sa kanila ng mineral water. Ang mga mineral na kasama sa mineral water ay karaniwang may sodium, calcium, at trace mineral. Sinasabi na ang eksaktong components nito ay nag-iiba. Ayon sa processing method na kasangkot sa paggawa ng bawat brand ng mineral water. Kaya, mahirap makilala ang mga sangkap na naroroon sa bawat brand ng mineral na tubig. Ang ilan sa mga bote na ito ay pwedeng may mataas na sodium content at iba pang mineral. Kung saan, hindi pa ito kayang i-handle ng immature kidneys ng bata.
Sa kabilang banda ang carbonated water ay bawal para sa babies. Dahil pwede itong magresulta ng sobrang pagdighay, pananakit at discomfort sa tiyan.
Ang fluids na naglalaman ng asukal ay negatibong nakakaapekto sa normal frequency ng breastfeeding. Makikita na ang glucose sa sugary fluids ay nagpapataas ng risk ng increase ng bilirubin, sobrang pagbaba ng timbang — at pagkalasing sa tubig. Ngunit, ang ilang mga medical professionals ay nagbibigay ng sugary fluids sa pamamagitan ng small amounts para sa babies. Bilang isang paraan ng pag-alis ng sakit. Sa panahon ng painful medical procedures, tulad ng pagbabakuna. Gayunpaman, naniniwala ang iba pang researchers na ang sucrose ay hindi gumaganap ng isang papel sa pain relief.
Tubig para sa baby: Kailan ang pinakamagandang edad para ipakilala ito sa kanila?
Pagkatapos ng 2nd birthday ng bata, ang kaunting plain mineral water paminsan-minsan ay hindi nakakapinsala. Sapagkat ang kanilang mga bato ay nasa hustong gulang na. Para matiis ang nilalaman ng mineral. Ngunit, huwag basta-bata ma-convince sa advertisers na pwedeng mag-claim na ang kanilang brand ay naglalaman ng karagdagang benepisyo para sa bata. Wala itong malinaw na advantages sa plain water — at ang kaligtasan nito ay maaaring hindi garantisado.
Ang mga carbonated drinks ay hindi malusog para sa mga bata. Kahit sila ay nasa dalawang taong gulang na. Dahil ang carbonation ay pwedeng magdulot ng sakit at discomfort sa tiyan. Kapag komportable na ang mga bata na uminom ng plain carbonated na tubig. Pwede silang maakit nang madali sa lasa nito. Ang carbonated water ay kadalasang kinabibilangan ng malalaking dami ng sodium, sugar, artificial flavourings, at iba pang nakakapinsalang kemikal.
Matuto pa tungkol sa Baby Nutrition dito