Mahalaga para sa magulang na siguraduhin kung safe ba ang baby formula ng kanilang anak, dahil nakakaapekto ito sa pag-unlad ng bata. Matatandaan na iniulat ng ilang mga report ang dark side ng advertising at marketing para sa mga ina. Inilantad sa mga magulang at buntis na kababaihan sa China, Vietnam, at United Kingdom ang mga formula milk marketing campaign ng baby formula makers. Ang ganitong mga uri ng campaigns ay lumalabag sa global rules mula sa scandals na naganap mahigit 40 taon na ang nakaraan. Idinisenyo rin ang mga marketing techniques para itulak ang mga ina sa formula milk kung saan, maaari itong mangahulugan ng pagtulak sa kanila papalayo sa pagpapasuso o breastfeeding.
Paglabag sa isang international marketing code
Napansin ng World Health Organization (WHO), UNICEF, at M&C Saatchi ang mga kaduda-dudang practices na ginawa ng baby formula makers. Pwedeng ang ilan sa kanila ay mukhang hindi nakakapinsala dahil sa pagbibigay ng free samples, habang ang iba naman ay nagse-set up o sumasali sa “mga grupo ng nanay” sa mga sikat na messaging app — tulad ng Viber.
Ipinagbawal ng international guidelines para sa marketing ng formula milk ang mga ganitong gawain.
Ang 27th World Health Assembly noong 1974 ay nabanggit ang pangkalahatang pag-decline sa breastfeeding na may kaugnayan sa iba’t ibang factors. Kabilang na dito ang paggawa of manufactured breast milk substitutes. Hinimok nila ang mga bansang miyembro nito na rebyuhin ang sales promotion activities ukol sa mga pagkain ng baby. Ipinakilala rin ang mga appropriate remedial measures, kabilang ang advertisement codes at legislation kung kinakailangan.
Internasyonal na Kodigo ng Pagmemerkado ng Breast Milk Substitutes
Noong 1981, na-set up ang code ng WHO para subukan at ayusin ang industriya simula nung makita sa 1970’s scandal ang pag-akusa sa Nestle ng pag-discourage sa mga ina sa pag-breastfeed. Inirerekomenda pa rin ng WHO ang eksklusibong pagpapasuso para sa mga bagong silang na bata hanggang anim na buwan bilang mas malusog at mas magandang opsyon.
Noong 2011, ang suboptimal breastfeeding, na nangangahulugan bilang mga maling breastfeeding practices tulad ng delayed na pagsimula ng breastfeeding sa bata, pagtapon sa colostrum, at non-exclusive breastfeedings, ay nauugnay sa higit sa isang milyong pagkamatay bawat taon — at 10% ng global disease burden sa mga bata. Hindi hinihikayat ang hindi naaangkop na pag-advertise ng formula milk at mga paglabag sa code. Sinabi ng WHO na ang pagpapasuso ay ang pinakamabisang paraan ng pagpapababa ng percentage at pag-iwas sa pagkamatay ng mga bata sa buong mundo.
Ang formula milk at tabako ay ang dalawang produkto lamang na nangangailangan ng international guidelines para i-regulate ang marketing.
Natuklasan ng Pag-aaral
Sa ngayon, 25 na bansa lamang ang ganap na nagpatupad ng code sa legislation. Ang sales ng formula milk ay higit sa doble, habang ang breastfeeding rates ay bahagyang tumaas sa nakalipas na 40 taon. Nagkakahalaga na ngayon ang formula milk industry ng higit sa $55 bilyon taun-taon.
Ayon sa report ng WHO, isinaad na higit sa kalahati ng 8,500 mga magulang sa mga bansang sinarbey ang nag-ulat ng exposure sa marketing. Ang mga bansang Bangladesh, China, Mexico, Morocco, Nigeria, South Africa, at United Kingdom ay mga bansang naglalabag sa code ng marketing.
Siyamnapu’t pitong porsyento ng mga kababaihang na-survey sa China ang nalantad sa formula milk marketing. Ito’y 92% sa Vietnam at 84% sa United Kingdom. Mahigit sa isang-katlo ng mga kababaihan ang nag-ulat na ang mga health workers ay nagrerekomenda ng partikular na brand na kanilang gagamitin.
Nag-publish ng index noong 2021 ang The Access to Nutrition — at nakita ang ilang kumpanya na mas compliant sa code kumpara sa iba. Ang Danone marketing ay 68% sumusunod sa mga panuntunan, habang ang Nestle ay nasa 56%. Tatlo sa mga nangungunang Chinese companies ang nakakuha ng zero: Felhe, Mengniu, at Yili.
Safe ba ang baby formula o breastfeeding?
Inirerekomenda ng WHO ang pagpapasuso ng eksklusibo para sa first 6 months ng buhay ng isang baby. Sa kasamaang palad, sa ngayon, 44% lamang ng mga sanggol sa edad na ito ang eksklusibong pinapadede o inom ng breastmilk.
Sinabi ng isang pag-aaral noong 2016 na ang breastfeeding ay nagbibigay ng proteksyon laban sa kanser sa suso. Pinapahusay din nito ang birth spacing, at maaari rin itong magprotekta laban sa ovarian cancer at type 2 diabetes.
Idinagdag ng pag-aaral na ang pag-practice ng breastfeeding ng malapit sa lebel na sinusunod universally pagdating sa pagpapasuso ay makakaiwas ng pagkamatay ng 823,000 batang mas bata sa 5 taong gulang taun-taon, at 20,000 na pagkamatay ng nanay dulot sa breast cancer.
Ang lead author ng ulat at WHO scientist na si Nigel Rollins ay binanggit kung gaano karaming trabaho ang kailangang gawin ng digital marketing. Nagaganap ang personalized targeted messaging sa pamamagitan ng digital marketing — at isa itong pangunahing paraan para sa mga kumpanya ng formula milk.
Key Takeaways
Ang isang ulat mula sa World Health Organization, UNICEF, at M&C Saatchi ay nagsiwalat ng ilang nakakagulat na bagay. Ang mga magulang at buntis na kababaihan sa China, Vietnam, at United Kingdom ay nalantad sa mga agresibong kampanya, partikular sa marketing ng formula milk. Ito ay malinaw na paglabag sa International Code of Marketing at Breast-Milk Substitutes. Sa pagtatangkang i-regulate ang industriya, nilikha ang code noong 1981. Inirerekomenda pa rin ng WHO ang pagpapasuso ng eksklusibo sa first 6 months ng buhay ng baby. Habang ipinapahayag ang mga benepisyo ng breastfeeding. Dalawapu’t limang bansa lamang ang ganap na nagpatupad ng code — at ang industriya ng formula milk ay nagkakahalaga na ngayon ng higit sa $55 bilyon taun-taon.
[/key-takeaways]
Para sa higit pa sa Baby Nutrition, mag-click dito.