Nagsisimula na bang kumain ng mga solid na pagkain ang iyong baby? Kung oo, maaaring naninibago ka bilang ina kung papaano mo unti-unting aawatin sa pagdede sa bote o sa pagsuso ang iyong anak. Puwede ring naglalaan ka ng oras upang hanapin sa internet ang mga paraan kung paano ihahanda ang pagkain ng iyong anak sa bahay at maaaring nakita mo na ng isang opsyon na mga pagkaing nasa jar, tulad ng pagkaing pambata na Gerber. Kung sa tingin mo ito ay maaaring gawin, partikular sa Gerber baby food, makatutulong sayo ang babasahing ito. Alamin kung masustansya ba ang gerber.
Tungkol sa Gerber baby food
Mula pa noong 1927, matagal nang nasa industriya ng paggawa ng baby food ang Gerber. Sa Pilipinas, nasa pangangalaga ito ng Nestle at nagbibigay ng 100% na gawa sa katas ng gulay at prutas nang walang halong dagdag na sugar, color, mga preservative, at flavors.
Sa website nito, binibigyang diin nito ang “Maingat na paggawa ng bawat jar ng Gerber sa pamamagitan ng mga pamamaraan ng aming Clean Fields Farming. Sinisigurado nito na hindi lamang masustansya ang aming purees kundi nakapagpapalusog at ligtas rin ito para sa tiyan ng ating mga anak.”
Puwede ang gerber baby food sa mga baby na nasa 6 na buwan na gulang hanggang 2 taong gulang. Pero, syempre, kung plano mo itong ibigay sa iyong baby sa oras na nag-anim na buwan na siya, kailangan mo munang tignan ang kahandaan niya para sa pagkain ng solid food. Dapat mo ring ikonsulta ang plano na ito sa inyong Pediatrician para sa mas akmang payong medikal at gabay.
[embed-health-tool-vaccination-tool]
Paalala sa Pagpapakain ng Gerber Baby food
May iba’t ibang produkto ang Gerber. Nag-aalok ng single-ingredient puree (carrot, saging, kalabasa, at iba) ang first foods nito. Mabuti ito para paisa-isang makilala ng iyong baby ang lasa ng prutas at gulay. Ang jar na naglalaman ng hanggang dalawang prutas at/o gulay (saging at strawberry, mansanas at blueberry, at iba pa) ang iniaalok ng kanilang Second foods na kategorya.
Maaari mong ipakain sa iyong baby ang Gerber nang nakaayon ito sa room temperature o mainit-init. (tignan muna ang temperature bago ibigay sa baby) Kapag nabuksan ito, puwedeng ilagay sa refrigerator kung ano ang natira ngunit kailangan rin itong kainin agad sa loob ng 24 oras. Dapat ding gumamit ng hindi metal na kutsara.
Mahalagang Tandaan!
Ang Gerber ay hindi kompletong nutrisyon para sa inyong baby. Partikular kapag nagsisimula pa lamang ang inyong mga anak sa pagkain ng solid foods, dapat mo pa rin silang bigyan ng iyong breastmilk o formula milk. Magandang opsyon ang Gerber kung nais mong ipakilala ang lasa ng iba’t ibang prutas at gulay sa iyong baby. Sa kanilang paglaki, mas marami na ang kailangan nila. Kaya naman, kailangan mo silang bigyan ng iba’t ibang uri ng prutas, gulay, starch, lean protein, dairy, at healthy fats.
Paghahanda ng baby food sa bahay
Huwag magsimulang magbigay ng solid foods hanggang sa makita mong handa na ang iyong anak na magpalit ng pagkain mula sa breastmilk o formula milk. Mahalagang maghintay hanggang sa makaya na ng iyong baby ang kusang pag-upo, mawala ang tongue-thrust reflex (o ang gawi na iniluluwa ang sold food gamit ang kanyang dila), at magpakita ng interes sa pagkain bukod sa iyong breastmilk o formula milk.
Magsisimulang kumain ng solid foods ang bagong silang na bata bandang ikaanim na buwan nito. Ngunit, magkakaiba ang bawat bata. Maagang nagiging handa ang ilan, habang hindi pa magpapakita ng interes ang iba hanggang sa bahagya silang tumanda. Kung nag-aalala ka na hindi nakakakuha ng sapat na sustansya ang iyong anak mula lamang sa breastmilk o formula milk, kausapin ang iyong doktor tungkol sa pagpapakilala ng solid foods.
Kung desidido ka nang ihanda ang kanilang pagkain kasabay ng Gerber baby food (o iba pang commercially-prepared food), maaaring sumangguni sa artikulong ito:
Makatutulong ang mga sumusunod:
Initin ang pureed fruits and vegetables
Huwag pakainin ang iyong baby ng hilaw na katas ng gulay o prutas. Initin ang puree sa 180F o sa pinakulong temperature ito. Palamigin at saka ipakain.
Huwag lagyan ng asukal, asin, honey ang pagkain ng iyong baby
Dapat mong iwasang lagyan ng asukal, asin, o honey ang pagkain ng iyong anak. Hindi maaaring ibigay ang honey sa baby hanggang sila ay tumuntong sa isang taong gulang. Iwasan rin ang mga artipisyal na pampatamis.
Kung nais mong dagdagan ng kaunting tamis, maaaring magbigay ng maliit na prutas at gulay kaysa sa puree. Maaari itong ihalo sa breastmilk o formula milk kung magugustuhan ang lasa nito ng iyong anak – pero siguraduhing walang dagdag na asukal sa mismong puree na ito.
Maghintay pa nang kaunti para sa mga pagkaing may allergens
Iwasan ang mga mani. Ngunit kung hindi ka sigurado kung saang pagkain allergic ang iyong anak, magsimula muna sa isang pagkain na may allergen. Bigyan sila ng maliit na piraso at unti-unting dagdagan kung sa tingin mo ay kaya nila.
Ipakilala unti-unti ang bagong texture
Mahalagang maipakilala ang mga bagong texture unti-unti. Maaari kasing hindi pa handa ang iyong baby sa lahat ng pagkain, kaya mainam na ipakilala ito nang dahan-dahan at nang may tiyaga.
Hindi mo dapat ibigay ang:
- Pagkain na sobrang init o sobrang lamig. Maaaring mapaso ang kanilang bibig o maging dahilan para sila ay magkasakit
- Maaanghang at maaasim na pagkain. Hindi magandang karanasan ang naibibigay nito at maaaring sumakit ang kanilang tiyan dito.
- Matatamis na pagkain. Tandaan na hindi kailangan ng iyong baby ang extra sugar.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Nutrisyon ng Sanggol dito.