backup og meta

Pagkain ng Baby: Heto ang mga Maaari mong I-puree

Pagkain ng Baby: Heto ang mga Maaari mong I-puree

Ang mga magulang na tumitingin ng pagkain ng baby online ay kailangan na ikonsidera ang maraming mga bagay. Higit sa gastos (na kalimitan na mataas), kailangan na isipin ang flavor at kung ang brand na nais ay maibibigay ba ang nutrisyon na kailangan ng baby. Ang magandang balita ay maaaring kainin ni baby ang mag pagkain na inihanda mo para sa pamilya, kailangan mo lang itong ihanda na kakaiba. Ano ang maaaring i-puree na pagkain ng baby? Alamin dito.

Una sa Lahat

Bago talakayin ano ang maaaring i-puree na pagkain ng baby, pag-usapan muna natin kung paano malalaman kung handa na para sa solid food ang iyong baby.

Karamihan ng mga baby ay handa na sa solid food simula na tumuntong sila sa 6 na buwan. Ngunit sinasabi ng mga eksperto na ang bawat baby ay kakaiba, kaya’t kailangan ng mga magulang na tingnan ang mga clues na may indikasyon na handa na ang kanilang baby na lumawak ang diet maliban sa gatas ng ina o formula.

Ilan sa mga clues na ito ay:

  • Pagbawas ng tongue-thrust reflex (kung itinutulak ng baby ang kanilang dila sa itaas ng kanilang bibig). Ang reflex na ito ay nakaiiwas sa choking, ngunit nagtutulak din ito ng pagkain sa kanilang bibig.
  • Good at steady na kontrol sa ulo at leeg. Kung ang iyong baby ay nahihirapan na itaas ang kanilang ulo, hindi pa sila handa para sa solid foods.
  • May interes at abilidad na humawak ng mga pagkain at ilagay sa kanilang bibig.
  • Dumoble ang timbang simula noong ipinanganak.

Kung binigyan ka na ng pediatrician ng go signal, ngunit ang iyong baby ay iritable at frustrated kung pinapakain sila, subukan na maghintay ng ilang mga araw.

Pagkain ng Baby na Puree: Maikling Gabay

Bago ang puree, ang unang pagkain ng baby ay kombinasyon ng dry infant cereals at breast o formula milk.

Sa umpisa, maghanda ng manipis na mixture para sa iyong baby at ibigay ito sa kanila ng ilang araw upang matukoy kung kaya nilang itolerate ito. Kung nagtae sila, patuloy na pagsusuka, o rashes, maaaring allergic sila sa cereals.

Simula na matukoy mo na maaari na silang kumain ng cereals na walang problema, gumawa ng mas makapal na mixture. Makalipas ang tatlo hanggang limang araw, maaari mo nang ipakilala ang ibang mga pagkain nang paunti-unti,

Ano ang Maaaring I-puree?

Ang mga pagkain ng baby na maaari mong i-puree ay ang mga prutas, gulay, maging ang karne. Habang mas mainam na gumamit ng sariwa, maaari ka ring gumamit ng canned o frozen na pagpipilian; alalahanin lang ang nilalaman kung ito ay may dagdag na asukal, asin, o fats.

Prutas at Gulay

Maaari mong gamitin halos lahat ng uri ng prutas at gulay tulad ng hinog na saging, prunes, peaches, peras. Para sa gulay, ikonsidera ang patatas, kamote, at kalabasa.

Ilimita lamang ang high-nitrate na gulay sa 1 hanggang 2 kutsara kada pagkain. Halimbawa ng mga high-nitrate na gulay ay repolyo, carrots, celery, broccoli, spinach, lettuce, at turnips.

pagkain ng baby

Karne

Maaari mong gamitin ang karne, tulad ng poultry at isda. Tanggalin ang mga buto, tinik, connective tissues, balat, at nakikitang taba.

Itlog

Maaari mo ring gamitin ang itlog — siguraduhin lang na lutong-luto ang puti at dilaw at ito ay solid. Ang mga baby na mas bata pa sa isang taon ay mainam na kainin lang ang dilaw ng itlog dahil ang puti ng itlog ay maaaring maging sanhi ng allergic reaction.

Grains

Ang puree na pagkain ng baby ay maaari ding grains. Ito ay mainam na pinagmumulan ng carbohydrates. Maaari kang gumamit ng kanin o pasta, at lutuin ito hanggang sa malambot na bago imasa.

Beans at Peas

Lutuin ang beans at peas gaya ng nasa panuto, huwag magdagdag ng asin o iba pang seasoning.

Ano ang Hindi Dapat I-puree na Pagkain ng Baby

Huwag bigyan ang iyong baby ng baked goodies o kahit na anong pagkain na maaaring maglaman ng honey. Gayundin, kung ikaw ay nakakita ng sariwang prutas na puree kung saan, siguraduhin na initin muna ito bago ito ibigay sa iyong anak.

Paano Mag-puree:

Ang pag-puree ay ang pagproseso sa pagkain hanggang sa maging malambot ito, tulad ng liquid, at mas malambot na texture. Nasa ibaba ang hakbang sa proseso ng paghahanda ng puree para sa baby.

  1. Hugasan ang mga prutas at gulay sa running water. Gumamit ng scrubber o kuskusin ito nang mabuti gamit ang mga kamay. Huwag kalimutan na tanggalin ang pits at mga buto. Para sa karne, huwag kalimutan na tanggalin ang fats, buto, o kahit na anong matigas na parte.
  2. Lutuin ito nang mabuti hanggang sa maging malambot o tender. Maaari mong lutuin ang mga prutas at gulay sa saucepan na may kaunting tubig o pakuluan hanggang sa lumambot. Ang mga karne, isda, at poultry ay kailangan na maluto nang maayos at tender. Maaari mong gamitin ang broiling, stewing, steaming, roasting, o poaching, ngunit huwag magprito ng karne.
  3. Simulan ang puree. Maaari kang gumamit ng blender, food mill, o baby food grinder. Kung wala ang mga kagamitan na ito, maaari kang gumamit ng tinidor at strainer. Tandaan na ang huling produkto ay dapat na malambot, at tulad ng liquid —walang maliliit na pagkain na mahirap na tunawin.
  4. Pakainin ang iyong baby nang dahan-dahan. Sa ganitong paraan, maaari mong makita kung sila ba ay may allergic reaction. Matapos ang 2 hanggang 3 araw, maaari ka nang magpakilala ng bagong uri ng pagkain. Ikonsumo ang pagkain sa loob ng 2 oras o i-freeze ito para gamitin sa mga susunod.
  5. I-freeze ang pureed na pagkain sa isang serving, bago kumain, ilagay ito sa fridge o running water. Iinit sa 74 C sa pamamagitan ng paglalagay sa pagkain sa heat-resistant dish sa ibabaw ng saucepan na may kaunting tubig.

Mahalagang Tandaan

Ano ang maaaring i-puree na pagkain ng baby? Maaari mong gamitin halos lahat ng mga prutas at gulay hanggang sa grains at karne. Ang mahalagang bagay ay ihanda ito nang malinis, maayos at bigyan sila ng oras sa pagkain. Kung sa tingin mo na ang pagpili ng puree bilang pagkain ng baby ay sobra, huwag kalimutan na ang pagbili ng pre-packed na pagkain ng baby ay ayos din. Kausapin ang iyong doktor sa kung anong pinakamainam para sa iyong baby.

Matuto pa tungkol sa Nutrisyon ng Sanggol dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Feeding Your 4- to 7-Month-Old, https://kidshealth.org/en/parents/feed47m.html, Accessed October 22, 2021

MAKING YOUR OWN BABY FOOD, https://hgic.clemson.edu/factsheet/making-your-own-baby-food/, October 22, 2021

How to Make Homemade Baby Food, https://www.eatright.org/food/planning-and-prep/snack-and-meal-ideas/how-to-make-homemade-baby-food, October 22, 2021

Is organic baby food better for my baby?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/infant-and-toddler-health/expert-answers/organic-baby-food/faq-20058008, October 22, 2021

Baby Food Buying Guide, https://www.consumerreports.org/cro/baby-food/buying-guide/index.htm, October 22, 2021

Kasalukuyang Version

08/15/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Brand ng Baby Food na Mabibili ng mga Magulang

Alamin: Mga Pagkain para sa Baby-led Weaning


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement