Nakararanas ang bawat magulang ng matinding kaligayahan kapag nakamit ng kanilang baby ang developmental milestone. Mula sa paglalakad hanggang sa pagkain nang mag-isa, bawat hakbang ng baby ay mahalaga. Kaya’t ano ang mga tip kung paano turuan ang bata kumain nang tama?
Mahalaga ang pagkain nang tama. Para sa ilang mga baby, mabilis nila itong nagagawa samantalang matagal para sa iba. Ngunit kailangan ng pantay na effort ang pag gabay sa pagkain nang mag-isa mula sa mga magulang, habang pinapakain din ang kanilang maliit na anak. Dahil nangangailangan ng sariling set ng tips kung paano turuan ang bata kumain nang tama, kailangan mong malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin.
Sa artikulong ito, bibigyan ka namin ng simpleng tips na makatutulong sa iyo at sa iyong baby na maglakbay mula sa spoon-feeding patungong self-feeding.
Paano Turuan ang Bata Kumain nang Tama: Isang Mahalagang Milestone
Bakit mahalagang turuan ang iyong baby na kumain nang mag-isa? Narito ang mga dahilan:
- Habang natututo ang iyong baby na kumain nang tama, natututo rin siyang kumain nang mag-isa. Isa itong skill na kailangan nilang matutunan hanggang tumanda.
- Pangalawa, kabilang sa pagkain nang mag-isa ang paghawak, paghulog, paglamutak at lahat ng makalat na gawain. Hayaan mo lang sila. Dahil sa tulong ng pagkain nang mag-isa, gumagaling ang kanilang fine motor skills, tulad ng paghawak ng kutsara o tinidor.
- Sa pagkain nang mag-isa, marami din silang natututunan tungkol sa texture ng pagkain, lasa, at kung gaano kadali itong kainin. Halimbawa, matututunan nilang mas madaling kumain ng mashed potatoes kaysa sa isang mangkok ng noodles.
Paano Malalaman Kung Handa na Ang Iyong Anak Kumain nang Mag-isa?
Sa pangkalahatan, nasa 7 hanggang 8 buwan ang mas mainam na panahong simulan ang pagtuturo sa iyong anak na kumain nang mag-isa. Sa panahong ito, marunong nang umupo nang mag-isa ang iyong baby at nagagawa na ang pincer-grasp reflex. Upang magawa ito, gagamitin ng iyong baby ang kaniyang hinlalaki at mga daliri nang magkasabay. Puwede mong tingnan ang iba pang mga senyales upang matiyak na handa na ang iyong baby sa solid foods, tulad ng:
- Nakakaupo na nang maayos
- Isinusubo ang nahahawakan
- Ngumunguya-nguya
- Hinahawakan ang suso (ng nanay) o bote habang dumedede
- Hinahawakan ang kanilang leeg habang nakaupo nang tuwid
Paano Hihikayatin ang Iyong Baby na Kumain nang Mag-isa?
Una, sa pagtuturo sa iyong baby na kumaing mag-isa, ibigay sa iyong anak ang kalayaan at pagkakataong tumuklas sa sarili nilang paraan.
Unti-untiin ang Pagpapakain
Bigyan sila ng tuyo at malalaking piraso ng pagkain, ngunit huwag masyadong malaki. Maaari silang ma-suffocate o mabulunan sa pagbibigay sa kanila ng masyadong malalaking piraso ng pagkain. Puwede mo ring ikalat ang apat o limang piraso ng pagkain sa pinggan ng iyong baby at paunti-unting dagdagan habang kumakain siya. Gawin ito dahil kapag nagbigay ng sobrang dami ng pagkain sa iisang bahagi ng pinggan, maaaring kainin ito lahat agad. Bukod dyan, puwede mong palakin ang confidence ng iyong anak sa pamamagitan ng pagpuri sa kanila sa paggamit ng kutsara. Kung hindi ito kaya ng iyong anak, huwag silang puwersahin. Subukan mo na lang ulit sa mga susunod pang mga linggo, kapag handa na ang iyong baby.
Magsanay sa Finger Food
Sa unang yugto ng pagkain nang mag-isa, simulan sa finger foods. Kabilang dito ang maliliit na pagkain gaya ng keso, saging, peras, mangga, at kasing laki ng marble na malalambot na pagkain tulad ng tinapay at cooked pasta.
Bantayan ang Kanilang Pagkain
Palaging manatili sa kanilang tabi habang kumakain nang mag-isa. Sinusubukan pa nilang kumaing mag-isa, kaya’t mahalaga ang pagbabantay at suporta sa kanilang ginagawa.
Hayaan Silang Maging Makalat
Huwag pigilan ang iyong anak na ihulog ang pagkain. Huwag mahiya o mainis kung marumihan nila ang kanilang damit o mesa habang kumakain nang mag-isa. Hayaan mong ma-enjoy ng iyong baby ang kanilang bagong habit at matuto nang mag-isa. Bago turuan silang magkutsara, hikayatin silang kumain gamit ang kanilang mga kamay.
Umupo sa Mesa
Kuhanan ng hiwalay na baby high chair ang iyong baby at sumabay ng pagkain sa iyo at sa buong pamilya. Kapag napansin ng iyong anak na kumakain kayong lahat, matututunan niya ring kumain nang nasa tamang oras at bilis.
Anong mga Finger Food ang Dapat Iwasan?
Maaaring may panganib ang pagtuturo sa iyong anak na kumain nang tama, isa na rito ang mabulunan. May mga pagkaing mahirap nguyain para sa baby. Kabilang dito ang whole peas, hilaw na matitigas na gulay, o hiwa ng karne. Hindi madaling matunaw sa bibig o madurog ng gums ang mga ganitong uri ng pagkain. Pinatataas din nito ang panganib na mabulunan ang baby. Ilayo sila sa ganitong pagkain kahit sa simula lang ng pagkain nila nang mag-isa.
Kailangan ng panahon kung paano turuan ang bata kumain ng tama. Huwag itong madaliin. Kapag handa na ang batang kumain mag-isa, malalaman mo ito sa pamamagitan ng mga senyales na ipinapakita ng iyong anak.
Matuto pa tungkol sa Nutrisyon ng Sanggol dito.